Jess Abrera: Philippine Journalism Oral History
Subject: Jess Abrera
Date of Interview: Nov. 30, 2005
Interviewers: Marie Lee, Charleen Tee

Jess Abrera: Everyday nagwork ako nyan, editorial cartoons. Sa gabi nanunuod ako ng news, so sa umaga meron na akong studies kung anong gagawin. Tapos yung script ng Pinoy ng Alipin. One week ko yan ginagawa, eto sya(pinakita ang drawing). One week strips, ginagawa ko yan.

Marie: So sir, one week kayo gumagawa ng stips?

Jess Abrera: Oo, Thursday ko siya finafinal. Pag na final na yan, malinis na siya na drawing. Yan yung Pinoy once a week. So every Saturday and Sunday yan. Okay?

Marie: So sir, umm…paano po kayo nagsimula sa newspaper industry?

Jess Abrera: Nagstart ako kasi gumawa ako ng children’s books ko. Tapos kailangan ng publisher ng Mr. And Ms. Magazine ng isang cartoonist para gumawa ng children’s book ni Nick Joaquin. Si Nick Joaquin, kilala yung writer ng literature. So gumawa siya ng first children’s book niya. Yu. So ako ang nagapply. Ako ang nakuha. Ganyan kalaki ang book niya. So nung ginawa ko yung children’s book niya, successful siya. Edi yun nga, naibenta lahat. Yung kaibigan kong publisher ng Mr. and Ms. Magazine, si Eggie Apostol. Yang Mr. And Ms. Magazine sa panahon ni Marcos, ang mga women’s mag, and mga nilalaman niyan: food, fashion, horoscope, basta ang kabobohan ng babae. Kasi nga akala ganun kabobo yung mga babae. Mga ganun lang. Mga love stories, ganun lang. So yung magazine na yan, Mr. And Ms., naglagay sila ng politics kasi napopoliticalize yung Philippines noon e. So nagrarally rally. So naglagay sila ng political articles ni Nick Joaquin chaka ni Salvador Lopez which is napilitan basahin ng mga babae which is nalaman na rin na “Aba, nagbabasa rin ng politics ang mga babae”. So ganun na nga noh, so mabiling mabili yung magazine na yun. Kasi kakaiba na yung magazine niya sa mga nilalaman niya. So nagpalabas siya ng black and white magazine, yung Mr. And Ms. Pang-underground para icover lahat nung nagrarally sa kalsada so binebenta naming yan. Underground yan. Di alam sino naglalabasdahil pang Xerox copy ang tawag diyan. So pag may nagmamartsa sa Edsa noon against Marcos, nilalabas lahat yan. Pictorial yan a. so click na click siya, basing-basa syiya, nagsugest na yung mga readers na maglabas na kayo ng diaryo, kasi ating-atin ang __________ diaryo. Naglabas kami ng diaryo. Ako lang yung artist na available dun. Edi ako ang ginawang editorial cartoonist.

Marie: so ung po ang unang trabaho mo sa Mr. And Ms. Maazine?

J: un ang unang trabaho ko as journalist. Ung Mr. And Ms. Magazine, as an artist, illustrator. Tapos ung nag tayo eventually ng newspaper, which is the Philippine Daily Inquirer, syempre ako lang artist dun, eh di ako napili as editorial cartoonist, so nagstart na ko as journalist. Tapos nabuhay ung Alipin Comic Stirps. Kasi noong araw, pagkinompose mo un talaga, wala na ung writer, umuwi na. Bungi ang page. Kunwari ganyan ung page. (holds the paper). Bungi bungi kasi wala na ung writer eh. So ung bunging yan, lalagyan ko yan lang ng komiks jan. nilalagyan ko ng komiks. So ung komiks, natsamba, nagklik, kasi pareho kami ng sentiments ng readers na galit kay Marcos, pinagtatawanan si Imelda. Mga ganyan mga kapalpakan ng politisya. Doon nabuhay ung Alipin, doon nagkaroon, nabuhay, ang political comic strips. Sunud-sunod na. Dati kasi flat humor lang lahat eh, patawa lang basta walang gamit. Kami, naglabas kami ng political comic strips, dapat meong curren events para maappreciate mo ang pinagtatawan sa comic strips.

Char: Sir, ung physical location ng newspaper ninyo?

Jesse Abrera: sa Pasong Tamo, makati, dati nag-start un sa Intramuros, tapos lumipat kami sa Edsa.

Char: as of now, asan na po?

Jesse Abrera: ngayon nasa Tsino Roces. So sa building na naming yan, katas ng Philippine Daily Inquirer eh. So un.

Char: mga facilities naman po? Mga building, offices, printing equipment?

Jesse Abrera: Hindi na maganda itanong sa artist na tulad ko. Para ano? Walang kinalaman ko (blah x2).

Char: Sir, how about ung mga publishers, editors? Sino po ang naka work ninyo?

Jesse Abrera: Naka work kong editor sila Letty Magsanok. Kilala siya ang editor ngayon. Kilala yan. Si Louie Beltran. Patay na ngayon. Isang matapang na editor din. Si Max Soliven, marami. Mga sikat ngayon yan.

Char: Sir, how about yung working conditions niyo po?

Jess Abrera: Working conditions ko? Okay naman. Maganda naman yung w. c. ko sa opisina kasi medyo spoiled kami kasi kami yung priority. Tapos mabait kami sa lahat, maganda yung pakikitunguhan. Usually ganun sa mga publications e.

Char: a sir, mga ilang oras po per day?

Jess Abrera: Ilang oras per day? Wala kaming time basta alam namin yung deadline. Tulad ko, deadline ko before 5. isusubmit ko yung editorial cartoon para naman hindi maapektuhan yung susunod sa akin kasi dadaan ng proofreading yan. Pagtapos ng proofreading, dadaan sa production, kung late ako, late yung proofreader, yung production. Baka kasalanan ko pa. So dapat conscious ka sa time mo na baka maapektuhan yung iba.

Char: Mga holidays po?

Jess Abrera: Holidays. Christmas. Corny naman niyan. They are holidays.

Char: Sir, how about your salaries?

Jess Abrera: Salary? Corny rin yan. Malaki salary ko ngayon kasi nga pioneer ako. Ibigsabihin hiwalay ang bayad ko. Tulad niyan, hiwalay yan sa bayad ko (Red tape frame) sa alipin comic strip, hiwalay lahat yan. Ang main job ko talaga is to do the editorial cartoon ng newspaper. So lahat ng gagawin ko, diyan na extra drawing, extrang bayad yan. So kung tutuusin, malaki talaga ang kita ko sa Philippine Daily Inquirer kasi kami nagstart. Number one naman siya. So agnun lang siya. Pero hindi pwede sabihin kasi mahuhuli tayo ng BIR.

Char: So sir, since nagstart yan hanggang ngayon, nag-click sila for the masa?

Jess Abrera: Ah oo! Kasi noong araw, yung panahon ni Marcos, talagang kill na kami talaga. Ibigsabihin, kungwari nananalo pa rin si Marcos. Syempre, kalaban niya kami. Syempre I-kikill niya talaga. E nanalo yung Edsa e. People Power nanalo sa Edsa, edi ano pa pupuntahan naming di number one. number one kami sa readership. Although malakas talaga yung Bulletin, sa circulation kasi. Pero sa readership, binabasa talaga Philipppine Daily Inquirer, buti na lang nandun ako, edi nabalisa yung cartoons ko. (tawa.)

Char: Sir, padefine po ng cub reporter.

Jess Abrera: Cub reporter? Yan yung baguhan na reporter, yan ang pagkaalam ko, pagkaintindi ko. Yan yung binibigyan ng beat sa police beat, police report, mga ganyan ganyan. Mga banggaan, aksidente sa kalseda. Mababaw pa yung beat nila. Ibigsabihin, kumpara sa big time reporters, inaassign yan sa senate, sa Malacanang, sa importanteng lakad, sa importanteng occasions.

Char: So sir, never niyo pong naexperience maging cub reporter?

Jess Abrera: Hindi, kasi hindi naman ako reporter. I’m an artist. Ibig sabihin, naexperience ko talaga, swerte ko talaga naging editorial cartoonist ako agad. Tapos ang naexperience ko sa pagiging editorial cartoonist, panahon ni Marcos noong araw, dumating ditto yung mga editors ng Asia, tapos nagpulong-pulong sila, tapos naglabas sila ng newspaper na oposisyon against Marcos. Kailangan nila ng editorial cartoonist na kabisado sa government, edi ako yun. Tapos ang ganda ng training. Doon ko nakuha yung training, dapat one step ahead ka, dapat matapang ka, dapat supported ka ng datas bago mo gawin yung editorial cartoons kasi malilibel ka, madedemanda ka, so kukuha ka lang ng datas mo dun sa properties mo talaga. Hindi ka kukuha ng datas sa ibang newspaper kasi baka mali sila, so ditto ka lng kukuha sa grupo mo so para tama ang ginawa mo. Tapos kung mali yung ginawa mo, madaming tutulong sa iyo kasi ditto mo kinuha sa atin. So doon ko natutuhan yung mga ethics ng journalism.

Char: Sir, among the editors that you have worked with, meron po bang memorable sa kanila?

Jess Abreara: Oo , si Louie Beltran. Kasi ang tapang-tapang ni Louie Beltran e. Takot kami talaga kasi takot kami sa militar. Dahil matapang yung lider, susugod yung lider kasi nabilango siya ni Marcos noong araw, so matapang siya, galit sya talaga, alam niya pangit talaga yung dictatorship. So natuto ka rin e kung bakit pangit siya, kung bakit. Nakikigalit lang kami kay marcos noong araw pero noong siya naging boss namin, naging malinaw bakit mali, bakit pangit yung dictatorship, bakit ayaw ng taong bayan yan, bakit pahirap yan sa taong bayan, bakit ganito ang nangyari sa atin. So natuto ka noh, ang laki ng natutunan ko sa kanya. Kasi matapang siya, tumapang lahat din ng empleyado, tumapang lahat ng works namin. O napakaganda. Naging part kmi ng history, naging part ng pagtanggal sa dictatorship.

Marie: Sir, yung mga naabutan niyo pong editors, how were they when it came to accuracy, or mga ethics and the grammar aspects of news writing?

Jess Abrera: Wala akong pakialam sa kanila kasi editors sila e, mas may pakialam ako dun sa art works ko. Kasi kanya-kanya yan e.

Marie: Hindi po nila iniedit yun?

Jess Abrera: Wala akong pakialam kung…yung sa akin? Iniedit nila kasi baka wrong spelling, pero yung sa kanila hindi ko na iniedit yun, writers sila e.

Marie: Oo nga po sir, yung mga editors na nag eedit sa inyo?

Jess Abrera:O?

Marie: Okay naman po ba o parang mali pa rin?

Jess Abera:Okay naman talaga sila kasi alam naman nila, alam naman nila na wala silang alam sa drawing. Edi mas alam ko yun tapos alam nila na hindi naman ako communist, alam naman nila na hindi ako leftist, alam nila na hindi ako rightist, nandun ako sa center e, center, left of center ako e, left of center, gusto yung ideology ng left na magserve ng people, magsilbi sa tao, pero ayoko ng arm struggle, ayoko yung hawak ko yung baril, barilin ko yung gobyerno, o kami na yung uupo, ayoko nang ganun kasi, yung artwork ko mismo e pwede syang tool, para makapagcomment, para sabihin mong mali, para sipain kung sinong dapat siapin diyan sa gobyerno. Hindi ko na kailangan ang violence, so yung gusto ko lang sa kanila yung serve the people, kaya nasa center ako, pero kumikiling ako sa left kasi gusto kong magsilbe sa tao talaga e! Ayoko naman ng militar kasi ayoko ng militar.

Marie: Sir, yung mga editors nyo, ano yung attitude nila towards deadlines? Parang strict po ba sila sobra?

Jess Abrera: Syempre, maski ako, strict din ako sa sarili ko nga kasi maaapektuhan yung susunod na tao dun sayo e. Ano yan e, parang family kyo e. Na ayaw mo ma late kasi maaapektuhan ung pababa ng pababa. Kawawa naman ung nasa baba. Hindi na bale maapektuhan ung boss mo wag lang ung nasa baba kasi kawawa naman sila. Sila ung papagalitan, sila ung sisisihin. Kami hindi kasi nandito kami medyo sa bandang gitna.

Marie: Sir any memorable colleagues niyo? Na parang ka editor ninyo nga na si Louie Beltran.

Jess Abrera: Na ano?

Marie: Kay ano po.

Jess Abrera: Na memorable?

Marie: Na colleagues.

Jess Abrera: Marami marami. Sila Recah Trinidad, mga kasama ko yun e. Masarap kasama kasi iba ung field nila noh, sa sports. So, iba rin yung usapan tapos mga yan, sila Garcillano, yung mga komunista, sila Bel Cunanan, Hilda Cordero Fernando. Pero ang pinaka memorable talaga yung kay Eggie Apostol, kasi napakagaling niyang publisher ng newspaper talaga. Journalist siya talaga e. Hindi pera nasa ulo nya. Talagang gusto nya basahin yung newspaper. Maski walang advertisment yan basta makalabas ung newspaper. Alam mo yung iba yung komercial tsaka iba yung talaga yung gusto mo yung basahin ka. Ano ba tayo? Babasahin ba tayo o ipagbibili natin? Pipiliin niya mas basahin. So nakapakaganda. Ano yan, napakagandang training sa journalist na dapat yung gawa mo hindi pera iniisip mo, yung may ibigay kang information, tamang information para makabuo ng magandang opinyon yung reader kaysa na gumawa ka ng article, kasi ang laki ng bayad sa inyo nyan eh. Pangit yun, pangit. So ganun. Maaga kami natuto sa journalism. Yung mga rega-regalong yan. Hindi namin tinatanggap. Alam naming korapsyon yan kasi reregaluhan ka. Minsan cash minsan goods para hindi mo siya banatan.

Marie: Hanggang saan po umaabot yung cash? Mga thousands na hundred thousands?

Jess Abrera: Thousands, hindi naman. Siguro naman mga 50, 40. Pero ngayon masmalaki na, noong araw lang yan. So maraming regalo, regalong mga alak, mga relos maraming items e. Kaya hindi mo mahalata kasi Christmas binibigay, pero alam namin yan. Kaya nireregaluhan para hindi mo siya banatan, hindi mo siya icriticize bagkos magaganda ang sinusulat mo.

Char: Sir, nakakakuha ba kayo ng threats? Kungwari nabanatan nyo.

Jess Abrera: Panahon ni Marcos noon. Nakakuha ako kasi tinatakot ka e. Harassment lang naman e. Tapos yung noong kay..ayan kay De Venecia kasi kinaricature ko siya na malaki ang tenga. Kasi pag kinacaricature mo, ineexaggerate mo yung prominent features. Pag hindi mo inexaggerate yun, hindi makikilala ng reader ng public kung sino yun tapos habang salbahe sya, pumapangit ang character. Pinapangit mo ang features niya. So, sinama nya ako sa libel maski hindi ako dapat kasama. Harassment lang pero wala naman nangyari, talagang nang gulo lang. Tinakot lang kami pero nakakatakot kasi ganito ka kapal ang kailangan mo pang basahin, nakakatakot naman pag umpisahan mo. Pero ung pangalawa na, ‘ba masarap na. Ang ganda pala ng file na to, ang ganda pala ng experience kasi hinaharrass ka nila, tinatakot ka lang.

Marie: Sir, ano yung best memories niyo as a young artist?

Jess Abrera: As a young artist? Kasi noong araw a, hindi mo naman alam artist ka e. May ginagawa ka lang tapos inaapreciate ng iba. Ung pinakanaalala ko talaga is nagrerent kami ng apartment noong araw. Middle class kami, wala kaming bond paper. Yug wall namin, pinupuno ko ng drawing yan e. Napupuno ko yan lahat e basta nakakakita ako ng space, dinodrawingan ko lahat e. Lapis. E nagrerent lang kami ng bahay noong araw. Nanananana….. ganun kalungkot noong araw. So ibigsabihin, ang…ang…ang anong tawag dun? Yung may ari, yung landlord, lady pag naninigil yan, titingnan nila yung bahay e. Kung sira, kung binaboy niyo na ba, naglagay ka ba ng kwarto diyan. Baka nagpaparent ka na rin. Ganun sila kahigpit noon. So umaakyat talaga sila sa loob ng bahay. Yung akin nilolock ko kasi baka makita yung mga drawing. Hindi kasi nakikita ng parents kasi laging nilolock ko ung kwarto. Yung pangit sa family na walang artist, hindi ka nila naiintindihan. Weirdo, naweweirdohan sila sa akin kasi hindi naglulunch, hindi ako kumakain. Gusto ko tapusin ko muna yung drawing, bago ako gagalaw dapat tapos muna ung ginagawa ko. One at a time, so kumakain ako ng time ko. So nilolock ko yun walang nakakakita ng kwarto ko. Hindi nila alam punong-puno yan. Noong makita ng may-ari ng bahay, pagbukas niya ng pinto, shock na shock siya. Ang ganda o, punong puno. (tawa) Tapos ng makita, sino ba yun? Ms eco..nang makita ni Ms Eco, gustong-gusto niya.Yun yung first na na pareho kaming masaya na hindi ko kaanu-ano tapos naapprecaiate, naappreciate yung artwork.

Marie: Sino po Ms. Eco?

Jess Abera: Yun may-ari ng bahay, siya yung landlady. Gusto makita yung kwarto, laging nakalock yun lagi. So yung tiningnan niya nga one time, takot na tako si ermat kasi punong-puno baka palayasin kami. Baka singilin kami. Pipinturahan yan, masarap feeling ng artist, hindi mo naman babayaran yun, compliments lang naman sa tenga ang gusto namin. Nagusto mo! Yun lang e.Yan mga award award na yan e, masarap sa tenga yan e. kasi ano yan eh, parang complimentary eh, diba? Set yung work mo tinatanggap. Ok na sa isang artist yon eh, sa isang paper. Tapos nung college kami sa UP, siyempre uso pa rin yung grafi-graffitti sa mens room, o kaya tuwing pumapasok kami sa ladie’s room nagga-graffiti kami sa ladies room. Ganon yung hobbies ng teenager noong araw.

Marie: paano nag start yung kalabaw?

Jess Abrera: Nung graffiti naming muna, men’s room hanggang ladies room. Tapos pinapintahan yung library. Sabi ko “Sayang yung drawing ko!” pagakyat ko ron iniwasan, pinintahan lahat except yung graffiti, o di magandang complement yon. Ibig sabihin...

Marie: Eh.. kailan nastart si kalabaw?

Jess Abrera: Si kalabaw? Nung nagstart yung komiks ko, kasi kailangan ko ng isang kausap eh. Comic strip ko dati, farmer, kaya partner niya si kalabaw. Usap sila, problema ng bayan, problemang magsasaka. Basta yung problema ng magsasaka di mo pwede dalhin sa city diba? Fertilizer.. bigyan siya ng fertilizer, utang nila yon. Problema ni kalabaw, ineexit na siya, kasi kapag pinapakita sa factor ng tutubi, papalitan na siya, miski na sa tarlac. So panget kasi napakaganda ng kalabaw, kasi nagkaroon ako ng kalabaw nung highschool ako, kasi tagapalawan ako eh. Yun yung pet ko, ginagamit sa pangararo-araro. Nagtatrabaho siya sa putik talaga, lakas-lakas niya o, wala naman akong pinapakain sa kanya kundi damo, walang vitamins. As in putik talaga, lumulubog sa putik, nagtatrabaho siya, nangaararo siya eh. Pero pinoproduce niya rice! Napakasimple! Walang kleng kleng rice, walang publicity. Maghapon nasa putik, sa lupa. Lakas lakas non isipin mo damo lang kinakain non walang vitamins. Pero yung prinoproduce mo kailangan na kailangan ng tao na napakaganda non. Eh kalabaw lang gumagawa non eh. Gustong gusto ko siya talaga, lakas lakas niya. Ang iniisip ko parang ganon lang siya nakapasok. Nung ginawa ko yan, kasi siya nakakapagcomment-comment sa nagsasalita. Ang masasabi niya, nasa kanya yon. At least hindi siya sinesensor.

Char: What did you cover, ano po yung memories ninyo nung world war 2?

Jess Abrera: Nako, hindi naman ako umuugat nung world war 2, ikababata ko yon.

Char: Eh what about Martial Law?

Jess Abrera: Nagmartsa kami siyempre, nagrally. Sa La Salle siya eh, sa St. Scho. La Salle at St. Scho co-ed na yan eh. Aktibisita rin mga yan eh. So sa martsa martsa nakisama ako. Minsan talagang hinose kami, akala naming ok lang nakatakbo kami (…) basta nagkakilala kami, parehas pagkaintindi naming. Yon yung memorable don sa panahon na yon. Dun ako nagulat na, kampihan ko yung ordinaryong tao kesa sa mayaman, kampihan ko yung worker kesa sa capitalist, kakampihan ko yung tribong Pilipino kesa sa iba anoh? Kasi sila nagpreserve ng culture natin, sila napreserve yung culture, yung sarili natin, hindi yung pang-amerikano hindi sila nagpakastila, hindi nagpaintsik. Nirerespeto ko talaga sila, hindi ko ginagaya kalokohan na ginagawa nila. Rinerespeto ko yan Basta nationalista po, mahal na mahal po, proud na proud po ako Pilipino ako, mahal na mahal ko pilipinas. Ginagawa ko non lahat para sa bayan. Kaya lang ngayon na nagkafamily na ako, maraming ibang task …. Mas malawak na ngayon. Nakakatulong na mga isyu tungkol sa abortion, vasectomy. Pro-life ako.

Char: What about edsa one?

Jess Abrera: Edsa one maganda kasi don ko talaga nakita people power talagang tao talaga ang kinakatakutan ni marcos. Kasi tao rin yung nagdadrayb ng tangke eh, hinaharang naming. kaya malaking factor rin yung pagka-religious natin eh kasi talaga santo yung mga tinututok don sa tangke eh, relihiyoso rin mga militar na yan, inorder talaga sa kanila sagasaan na eh, papaano sagasaan nakahiga na yung mga tao don sa kalye, mga martyr, prosesyon siya talaga. Sa hapon, sa gabi, prosesyon talaga eh napaka solemn niya, prayerful talaga; the power of prayers don mo makikita. Sa umaga masaya, kasi dadalhin yung family, outing, picnic. Banding hapon, sosyal, fashion show yung mga upper class, paganda ng sombrero. Maganda ang pangsuot ng rally. Napakafestive ng mood. Masayang pumunta ng edsa. Maraming napaka-dramatic nangyari diyan. Malalaman mo talaga hindi naka-experience ng gera yung mga tao kasi pinapanood naming yung barilan, nagche-cheering pa sila. Kasi yung erpat namin at ermat namin, mga matatanda na naka-experience ng gera, takot talaga sila sa barilan bakbakan, tayo naging festive na edsa, kasi ang daming tao, lahat ng tsitsirya nandon, habang nanonood ka ng aktwal na barilan. Parang nanonood ka ng sine, parang shooting. Ganon siya kasaya, without knowing na nagiging witness ka ng history talaga in the making. Kaya lang mabilis nakalimutan, mabilis lumipas.

Char: Nakita niyo ba yung edsa before at yung mga rally natin ngayon, ano po masasabi niyo?

Jess Abrera: Ah naman kasi mga rally ngayon, dapat ibahin na. Panahon pa noong araw na yan. Kasi leftist na yan, communist communist, sa china pa kinopya. Iba na siguro kasi high-tech na. cellphone, edsa 2. pero more on ano talaga, pagka-pilipino natin, uso talaga yung ganon. More on tulungan tapos dapat balik natin pagka-kristyano natin talaga. Mas maganda kung gawin yung kristyano talaga, pagpatawad, pagpasensya nandon talaga. Magandang gabayan talaga para mapatakbo ang bansa. Dapat may fear ka may takot ka talaga kay diyos, para walang corruption, walang lokohan. Dapat ganyan talaga.

Marie: So nung time po ng martial law nung edsa, nase-censor ba kayo ng government?

Jess Abrera: natataranta siya eh. So kami, inquirer tsaka Malaya, ay inaalaw niya, kung baga freedom of the press. Hinayaan niya yung media, kasi alam niyang kalaban niya yan. Nilalagay kami sa isang island, tapos tulungan kami. Yon lang iniisip namin masaya pa rin, mamamatay ka na, natural death.

Char: Nagka-encounter ba kayo ng Abu-Sayaff, NPA?

Jess Abrera: Abu-sayaff wala, pero issues ko yan kasi issues rin naman natin yan. Questions na yan. Panahon ko talaga lahat yan. Apektado ka lalo na pag don ka sa lugar na yon.

Marie: Yung mga coup attacks kay Cory Aquino?

Jess Abrera: Nanonood kami ng coup. Pinapanood ko yan kasi may time magpunta non, miski sa makati, tik tik tik tik, pinapanood ko talaga as entertainment, hindi nakakatakot, maka-experience ng bala nung nangyari.

Char: Sir sa tingin niyo po hanggang kelan...

Jess Abrera: Hanggang kelan, siyempre hanggang kamatayan artist ka pa rin. Ibig sabihin after work, after this job, artist ka pa rin. Hindi ka naman pareho nung government employees ordinary employees, pagtanggal mo sa opisina hindi ka na manager. Kami, buti na lang, binayayahan kami ni Lord, miski wala na kami sa office, miski wala na sa working place naming, artist kami. Which is, dapat, magpaint, magdrawing, kung anong nangyayari sa paligid naming. makapagrecord ng history, magexpose ng issue, makapageducate. Yon yung task o responsibility na binibigay ko sa akin na isang artist, miski hindi ako employee, ganon pa rin, magrerecord through my paintings, through my drawings, through my cartoons, makakapag-educate, makakapag-expose. Ayon siyempre, kung madadala ko yan sa langit, eh di tuloy-tuloy natin cartoons sa taas.

Char: Sige sir, last na, what’s your message for your fellow artists?

Jess Abrera: siguro dapat mamulat sila noh, mamulat in the sense na, kung bakit ka nandito sa mundo, bakit ka nabubuhay, bakit ka binigyan ng talent. Hindi lang magpatawa lang hindi lang magpacute-pacute lang. Siyempre lagyan mo ng task/responsibility. Ano ba gamit mo? Gamit mo saan yan? Pagtatawanan nila komiks mo tapos itatapon na. Gusto mo komiks mo may gamit. Gamit na kapag pinalitan, magagamit pa rin siya. Paano magagawa yan? Lagyan mo ng content. Lahat naman ng arts may form and content, mapa-sculpture, mapa-painting. Etong ginagawa naming drawing, miski journalism siya, part din siya ng fine arts, part pa rin siya ng arts, nasa sining pa rin siya. So nandon pa rin yung form and content. Pero yung sa journalism, nagsu-suffer yung form, kasi gusto kong bigyan ng diin yung content. Ayokong maentertain sa form, yung magandahan sa drawing, tapos yung nasasabi ko hindi mapansin, mas gusto ko mapansin nila yung content, kesa yung ma-entertain sila sa drawing sa form. So ganon din talaga. Pero perfect siguro sana kung mapantay yung form and content na yan, perfect talaga as fine arts. Kung maabot nila yon, kung aartist sila ng ganyan, dapat makipagtalakayan, dapat makipaginterview, kapag kinakausap ka ng bata, kasi iba na rin pagiisip nila, para makapagadjust ka sa topic na pinaguusapan at pinagiiisip ng mga bata. Kasi ito yung means of communication eh, hindi kami kumakanta, hindi kami nagsasalita in public, ito yung means of communication namin, so dapat maiintindihan siya, hindi pwedeng hindi maintindihan ng reader. Kaya dapat makipagtalakayan sa kabataan kasi sila nagbabasa, sila nagiintindi nito. Dapat yung drawing mo, yung communication mo, malinaw. Magandang usapan, walang kang retoriks, wala kang abstract-abstract. So pwede kong i-german o i-english ang usapan natin, pero mas malinaw kung tagalog. Maraming salamat sa inyo.

Marie: Maraming Salamat po.

Jess Abrera: Nagpapasalamat ako sa mga nagpapainterview, napakahusay nila, napaghanda talaga sila, at ngayon lang ako nakatanggap ng ganitong interview, handang-handa talaga, may dala pa nga silang cake at tsaka kendis, sana naman mataas ang grade na ibigay niyo ser. Pagbigyan niyo na ‘to kawawa naman. Chief. Tricycle. Sana, tularan mga studyanteng ganito, yung mga gusting sumikap tsaka makakuha ng mataas na grade.



Abrera was born on Jan. 3, 1945 in Manila and studied at the University of the Philippines. He has been editorial cartoonist with the Philippine Daily Inquirer since 1985.