![]() Date of Interview: Dec. 7, 2005 Interviewer: Sheena Gonzales
Sheena: Hi! I’m Sheena Gonzales and I’m here with Jimmy Alcantara of Bandera. Sheena: How long na kayo sa newspaper sa Bandera? Jimmy: Almost 15 years Sheena: How old kayo nag-start? Jimmy: 20 Sheena: So sir, paano kayo napasok sa ganung larangan kung writer kayo? Jimmy: Yung mga classmates ko andito. Sinundan ko sila kasi feeling ko hindi ako makakahanap ng trabaho kaya sumama ako dun sa first na yumaya sa akin kaya na-stuck na ako dito. Sheena: Sir, so kasamahan nyo pa din sila ngayon? Jimmy: Hindi na, nag-alisan sila atually nung pagkadating ko dito. Lumipat sila sa mga broadsheets, yung iba bumalik sa school tapos yung iba nagpunta sa mga agencies. Ako, ako natira dito pinabayaan nila ako dito. Sheena: So, ano po ang mga difficulties nyo po na na-experience ng stay nyo dito? Jimmy: Yun lang ang gulo mag-sulat ng mga reporters… yung kailangan mo pa talagang pagisipan yung mga ano… yung parang effort talaga parang na-edit na ang storya nila about grammar etc… yung studyante ng balita, kung pano ayusin ang grid… yung nasa baba yung story tapos ipapanhik mo… yung mga ganon ang mga usual na mga trabaho ng editor. Sheena: Sir, paulit-ulit ang mali nila? Jimmy: Minsan, minsan ang kukulit na diba parang na fu-frustrate ka na… na diba dapat ganito yung parang… sinabihan mo na tapos uulitin na naman nila… Minsan sa deadline… oo kasi minsan talaga hindi mo maasa na 6:00 na dadating yung storya kaya you have to wait o minsan naman… diba parang dapat magpadala ka ng 1:00 ha 2:00… dapat nandito na yan… 3:00 aabot yan tapos four… etc… etc. Sheena: Gaano ka-strict sa mga deadline? Jimmy: Ano pag hindi sila nagpapadala hindi ko gagawin. Kahit ipadala na nila ng 3:00 bahala na kayo dyan. Sheena: Ah so wala kayong ipo-post? Jimmy: Edi maghahanap ako ng papalit ng storya… nila… kaya you have to learn the lesson diba? Bahala ka kung ayaw mo mag submit sa deadline… Hindi ko alam ang storya mo… edi walang lalabas… Hindi ko naman sila pinapagalitan ganon na lang ginagawa ko pinapabayaan ko na lang sila. Hanggang sa mare-realize nila na dapat pala early ka mag-submit dahil aarte itong isang to… Sheena: Eh Sir, memorable experiences ulit? Jimmy: Ay, ayan na naman tayo… nung naging ano siguro ako LIFE EDITOR kasi mahilig ako sa arte… fashion, etc… kahit hindi ako mahilig sa other fashion… music kasi syempre marami kang magiging… hindi lang puro hard news, hindi lang puro crime! Hindi naman puro politics. At least medyo light na to. Sheena: Yun po yung best experience niyo? Jimmy: Oo, hindi pa naman ako nanalo ng award dito sa ano… (pointing sa short story niya). Sheena: So, memorable po na editors na kasama niyo? Jimmy: Hala! Pwede bang mag-chismis? Hala! Hindi naman ako magna-name ng names noh? Meron isa, Manila Times… Manila Times ba? Kasi Manila Times at Bandera nagkatalo lang… meron isang editor… yung papasok siya talagang Lasing grabe! As in super lasing. Kukunin niya yung fax na naka-paa siya Talagang feeling bahay siya tapos ano lasing na lasing siya na talagang “haller”?! na talagang ano naka-paa siya every once in a while bubuksan niya yung drawer tapos iinom-inom siya… tapos oo lapad pa! Sheena: Sir, allowed po? Jimmy: Ewan ko, siguro dahil masyado siyang magaling doon na pinapabayaan siya. Medyo nakakaawa din siya… pero matalino yata un… oo matalino siya. Meron pa akong isang editor, nung first few days ko super super malisyoso… super kung ano man siya… talagang meron siyang kasamang correspondents… tsinitsismis talaga ako… binasa niya yung ano… hindi pa uso yung e-mail, etc… hindi hand copy yung ibibigay mo sa editor… binasa ng editor ni-crample niya… “Ulitin mo!” Kinrample talaga sa kanya tapos ulit na naman siya… ganun naman kasi ginagawa nila as in sa harap nila… As in tapon sa mukha mo…. Hindi naman sa mukha pero diba? Buti na lang hindi ako natapon ng ganon. Sheena: Sir, memorable po na mabait? Jimmy: Yung isa kong editor dati nasa ano siya ngayon sa AD Agency na yata siya ngayon. Although marami talaga akong natutunan sa paggamit ng it, at, on, minsan nakakalito siya diba? Atsaka minsan yung structure ng balita kahit na laging late o natutulog minsan dalawang oras lang papasok, dalawang oras matutulog… tapos papasok talagang makikita mong namumutla siya, nanginginig siya… yon… sa Bandera din siya. Sheena: Magka-klase po ba kayo? Jimmy: Hindi, ako yung pinaka-bata dati. Matatanda na sila, nung 20’s ako siguro mga nasa 40’s, 50’s na sila… dictator na sila… They paid their dues naman… kaya siguro pwede na silang mag-taray taray nyan… wala naman. Sir Beting mabait yan, matalino siya he’s from La Salle. Yung isang editor ko naman si Arlene Ateneo siya… she’s from USTE dati… Ateneo na siya. Tapos yung isa naman matagal ko na kasama… si Sir Lito, yon Executive Editor as in 15 years na yata kaming magkasama. Atsaka ano siya talaga translate talaga siya ng mga nobela. Sheena: Sir, working hours po? Jimmy: Ayon working hours… anong oras ba ako pumapasok? Ngayon… 1:30 nagmamadali na ako umuuwi ngayong 3:00. Sheena: Sir, wala ba kayong log-in at log-out? Jimmy: Pwede kaming mag-log-in tapos pwede kang mag-log-out. Pwede kang mag-out, pwede ka na rin hindi mag-log-out. Basta makita kang pumapasok. Hindi siya 8 hours na naka-fix. Ok log-in ka maya, maya uwi ka na. Basta magawa mo yung trabaho mo. Dapat tapos lahat. Hindi naka-fix lalo na sa editorial. Pero syempre papasok ka ng 8:00 anong oras na dadating ang balita ng 1 or 2 yon, tatanga ka lang kasi kaya saying oras mo. Kaya sayang kuryente kaka-internet. Sheena: Eh yung ibang editors, inuuwi niyo din po ba sa bahay ang work nila? Jimmy: Minsan inuuwi ko sa bahay yung akin ha. Syempre ano lang naman yon ie-edit mo lang naman yun eh. Tapos pinapasa ko na rin… kaya ganun ang oras ko. Sheena: Eh tuwing holidays? Jimmy: Pag holidays nandito kami. Kung hindi tatapat sa day-off, kung day-off ka swerte mo. Unlike ako sa holiday, Saturday ako, Christmas day-off ko. Hindi ako papasok pero sila papasok sila, papasok sila kasi hindi nila day-off. Hindi naman sapilitan… pag hindi sila papasok, walang gagawa ng dyaryo… kasalanan nila. Minsan pag signal #3 kailangang pumasok kasi walang gagawa ng dyaryo kahit bumabaha na sa bahay mo. Sheena: Sir, in terms of salary? Jimmy: Ok naman ang salary naming. Marami naman. Nabubuhay ko naman sila. Yung Boyfriend ko. Nabubuhay o naman sila. Less than 30,000. Konting-konti lang. dahil palagi naman ako nasa bahay ok naman.
Sheena: So, sir, yun lang po lahat. Tapos na po yung interview. Thank you po.
Jimmy: Salamat naman. Alcantara was born on Nov. 18, 1970 in Quezon City. He studied journalism at the University of Santo Tomas. Since 1991 he has been working with Bandera of which he is associate editor. |