Omer Oscar Almenario<p> O: Philippine Journalism Oral History
Subject: Omer Oscar Almenario
Date of Interview: Dec. 6, 2005
Interviewers: Janelle Villanueva, Cristine Yao

J: Good evening po.

O: Good evening.

J: Ako po si Janelle Villanueva.

C: Hi ako naman po si Cristine Yao.

O: Good evening sa inyo.

C: Both commarts major

J: From La Salle. So start na po tayo?

O: Okay go.

Q: So nung bata po kayo kuya Omer, ano po yung ambisyon niyo?

A: Nasa 2nd year high school ako nang itanong ko sa aking ..sa dati kong teacher kung may paaralan para sa pagsusulat.Sinabi niya sakin journalism. Simula non, sulat nang sulat. ah. When I finished high school, kasi umalis ako sa amin eh. inano ako. Pinatigil ako ng pag-aaral kasi I married early, I married at age 14.

Q: ha? 14 po?

A: 14, so pinatigil ako ng high school. Nung mag-high school. Uhm.. pinatigil ako ng college, high school lang ang pinatapos sakin. So after our graduation sa high school, pumunta ako ng Maynila, nakipagsapalaran ako. Naisip ko noon, sa Cebu wala pang journalism sa panahon na iyon. Davao wala din. Dumaguete City lang. Ang Dumaguete City ay di gaanong maunlad na city kaya naisip ko na pumunta ng Maynila dahil maraming eskwelahan dati at alam kong maraming inooffer dito na course.

Q: So san po kayo nakapag-aral dito?

A: Ang dream ng father ko, mag-aral ng law. Pagdating ko sa Maynila, nakita ko yung mga eskwelahan ng journalism puro private. So nahirapan ako, nahirapan ako pagtignin ko ang mahal ng bayad. So nag-enroll ako sa UP. Nag-enroll ako ng ahh.. Political Science, pero hindi ko natapos iyon kasi hindi ko nga gusto eh. Kaya nang bumalik ako sa ano, sa labas, tumigil ako sa pag-aaral, nakita ko yung Lyceum of the Philippines nakalagay Bachelor of Science in Journalism. Sa panahong.. sa panahon naming iyon, sa panahon ko noh, Late 70’s. Although ang Lyceum of the Philippines ay private, installment hindi aabot ng one thousand noong araw. Doon ako nag-enroll. Journalism ang kinuha ko.

Q: So saan po kayo unang nakapagtrabaho?

A: Nasa 2nd year college ako, nang mag ah.. tawagin ako ng isa naming professor kung gusto ko na magtrabaho. Sabi ko gusto ko kasi sa totoo lang eh ang buhay ko nasa labas eh. Nagtatrabaho.. eh nag-aaral ako nun sa Lyceum ay sidewalk vendor lang ako. Sabi ng mga kaibigan ko “wag mo nang sabihin” pero kailangang sabihin ko eh. Dahil kung matuklasan nila, nakakahiya. Nagtinda ako ng palamig, sigarilyo, diyaryo. Iyon ang itinustos ko sa pag-aaral sa Lyceum kasi may bayad na. Kaya naman ako umalis sa UP dahil wala akong pamasahe. Wala akong pang-sine. Ayun, kaya iyon ang itnitu.. itinustos ko. Ngayon, first job ko sa Makati Trade Times. Ako ang literary at saka entertainment editor. That was in 1981.

Q: Uhm.. na-experience niyo po ba ung pagiging cub reporter?

A: Hindi. Hindi ko naranasan. Nang tuluyan akong maging ang ang ah ..First ko talaga ang.. cub reporter ako sa People’s Journal pero panahon pa ni Marcos. Hindi ko nagustuhan so lumabas ako. Ang maging... naging full-pledged reporter ako nasa Pahayagang Malaya. Pahayagang Malaya nun, ang Malaya. Doon ako naging full-fledged reporter at saka sa panahon ni Marcos, dun nating masasabing.. ah.. They were real journalists. Bakit? Kasi sa panahon ni Marcos, sinasabi nilang curtailed ang press freedom. Hindi eh. Kami sa Malaya nagsusulat kami eh. Siguro yung mga kasabayan naming journalists during the Marcos regime eh takot lang magsulat nang totoo. Pero kami, nagsulat kami nang totoo although marami kaming tinanggap na libel cases.

Q: Doon po sa una niyong pinagtrabahuan, ano po un..san po yun banda?

A: Dito yun sa uhmm.. Pasong Tamo. Pasong Tamo, Makati.

Q: Tapos yung pong mga ginagamit niyo, yon pa po ba yung tulad ng mga ahh. type, ano un.. type-setting?

A: Ahh.. noong ano noon.. Ang ginagamit namin noon hindi computer. Uhm.. IBM machines. IBM machines, kaya paglabas sa IBM machines, hindi mo ma.. hindi mo ma o.. may mali doon, hindi mo maaayos kaagad kundi puputulin mo. Kaya, para kang ah.. nagsusulsil ng damit. Aanuhin mo doon kasi hindi mo maaayos eh. At saka dumadaan kami sa stripping. Dumadaan kami sa stripping. Hindi kagaya ngayon, camera reader, may stripping pero sandali lang.

Q: Noong mababa pa po yung posisyon niyo, nagkaroon po ba kayo ng problems with your editor?

A: Hindi gaano. Hindi ako gaano nagkaroon ng mga problema sa mga editor ko. Siguro dahil I tried my best na maibigay ko sa kanila kung ano ang gusto nila.

Q: Kumusta naman po yung sweldo niyo saka yung working hours niyo po? Noong ah? Opo nung unang una po.

A: Mahirap. Noong magtrabaho ako sa Malaya, one of the pioneers. Mahirap kasi hinahabol kami ng mga tao ni Marcos. So ang.. nang magtrabaho ako, ang office, ang editorial office ng Malaya dito sa ano.. Dito sa España nh España or yung Eulogio. Rodriguez Sr. kasi sakop ng Quezon City. Nasa kanto kami ng Banawe. Yon ang aming editorial office. Pero sa newspaper namin, ang nakalagay ang editorial office naming sa Serrano Laktaw. Walking distance sa isang ah.. one block away lang. Ginawa namin yon dahil nga para hindi kami matiktikan. Ayon. Mahi.. Mahirap ang oras kasi para bang nagtatago ka.. nagtatago ka lagi. Pag may press conferences, ang tingin sa iyo ng mga kapwa reporter mo, komunista. Pagpasok mo sa opisina, sisilip ka muna sa butas dahil baka may nakasunod sa iyo na pulis o hindi kaya sundalo na hahablot sayo. Pag nabuksan na yung pinto, tuloy-tuloy ka sa loob. Kandado kaagad. At saka, kami nasa taas kami Para hindi gaanong halata, nasa taas kami ng isang motor shop. Hindi gaano halata. Gaya noong mga nasa ano, mga ano yon. mga mekaniko.

Q: So yung sweldo niyo ok naman po?

A: Okay. Ay yung panahon na yan. Hindi naman unti. Just to survive the day. Kasi sa panahon na yon, ang mga nasa Malaya crusading na journalists. Crusading journalists. May pamasahe ka na minsan maglalakad ka nang 3 kilometers okay lang yon. Basta, yung tinatawag nating.. Kasi ano yon eh. Mahirap ang panahon na ‘yon eh. Tinatawag natin eh Dark Ages iyon eh. Oo sa.. sa Philippine history. Philippine political history. Ang panahon ni Marcos, sinasabi nilang Dark Ages.

Q: Yung sa editors niyo po wala kayong problema? Mababait naman po ba sila?

A: Oo, kasi although ang editor namin yung ah the late Jose Burgos, Jr. namatay na last mga.. dalawang taon na nh. Dalawang taon noong.. magtatatlong taon ngayong December. Maano siya, yung pag ah.. mayron kang report, na isasubmit sa kanya na report, titingnan niya yon. Kasi meron kaming mott

O: “Check, recheck, and recheck your facts.” That is to avoid libel and to come out with the truth. Iyon ang aming motto noon. Kung nagkaroon man ako ng problema siguro sa ingay niya. Maingay yon eh. Maingay at saka metikuloso siya. Ganon ang naging problema ko sa kanya.

Q: Uhm.. ah.. how were they naman when it comes to accuracy, sa grammar, at sa pagsusulat po?

A: Kailangan talaga accurate. Kasi sa reporting, you’re telling the truth. Although, you can interpret the issue. You can make it punchy. Tinatawag natin na.. okay.. ah.. interpretative also. Ganon ang mga paggawa ng news. Kasi kailangang uhhm..malaman ng readers kung anong susunod na scenario. You have to interpret the news. Or, kung gusto mong mabili kaagad yung news, mabasa kagad, ganahan yung ano, medyo tumalon sa kanilang upuan, make it punchy. you need. O di naman kaya eh gusto mong ahh. maging madamadamin, featurise it.Although in feature, maaaring maging puchy or maaaring maging sensationalized ang lead paragraph. That is to.. para makuha mo yung readers. At saka yan yung uso ngayon, puro feature and written in feature. Wala.. ang straight news nagsisimula sa feature.

Q: Pagdating ho sa ano.. sa mga deadlines po, ano po yung attitude ng mga editors niyo?

A: Pagdating sa deadlines, alam na rin ng mga reporters namin, na ito ang aming deadline. Okay, binibigyan naman sila ng palugit na 30 minutes. Yun naman kung malalaki ang istorya. Halimbawa, halimbawa, kagaya sa amin ngayon, sarado na kami. Nandidito pa ko, nandidito pa yung iba. While waiting for, yung tinatawag namin eh Breaking News nh? Late breakers nh. So kung halimbawa eh namatay isang senador. we have to rebut. Papalitan namin yung pinaka.. hindi naman papalitan yung pinakamalaking istorya kundi babawasan naming yung istorya, yung pinakamaliit lang. I-.. para makapasok yung late breaker na news. Alam na ng mga reporter namin na meron kaming deadline na binibigay sa kanila. Pero bago kami magbigay sa kanila ng deadline ng isyu ng 30 minutes, hindi namin ibibigay sa kanila. Aalamin muna namin kung ano ang istorya. Kasi kung maliit naman, sabihin nalang namin na ok na huwag na lang.

Q: Hindi naman po nagiging masungit yung mga editors.. parang kung dadating na yung deadline?

A: Masungit. Pero ewan ko lang. Sa grupo namin hindi eh. Pero karamihan, mga 90% 90% sa.. sa.. news. ah publications ngayon, ang mga editors masusungit yon. Sisigawan ka. Pag hindi nagustuhan yung sinulat mo, ibabasura yan. Sa waste basket ang tapon nyon. Nangyayari pa rin yan hanggang ngayon. Pero, palibhasa siguro ako eh hindi ko naranasan yon eh. I’m not doing it to my reporter although hinihigpitan ko sila kung sumasablay in gathering facts.

Q: Sino po yung pinakamemorable niyo na naging editor?

A: Lourdes Molina Fernandez. First woman editor of Pahayagang Malaya. So nice, so intelligent, trustworthy, helpful. and also beautiful. Although meron na siyang husband. When I met her may asawa na siya. ano yun. Naging frist woman editor din ng Today. Siya yon.

Q: Sa tingin niyo po, ano yung pinakasignificant na event na nacover niyo?

A: The killing of Agusan Governor in 1984. Because in 1984 I was assigned in Davao City kasi yon ang hometown ko, inassign nila ako doon. Now yung nagcover ako hangga’t pinatay yun mga madaling araw, nandodoon na ako ng tanghali. Dahil memorable yung event na yan kasi nakita nilang malaya ako. Kaya ang bintang nila sa akin e middle liaison officer ng NPA kaya hindi ko makuha yung detalye. Wala silang kamalay-malay ang nandodoon na mga kasama kong reporter ay mga ano ng CIA, mga pakawala ng CIA at that time, noh. Sinabi nila sa akin, “Huwag ka mag-alala, kukunin namin ang report para sa iyo, pahinga ka na lang.” Sabi ko “Magagalit naman, malaking istorya ito.” “No!” Pagkatapos di nagpahinga ako sa isang mumurahing hotel. Inakyat ako ng mga sundalo, hindi naman nila ako inaresto. Ganon lang. Although sinampahan naman ako ng rebellion case afterwards when naipalathala yung news ko about the killing.

Q: Wala naman pong nangyari na nalagay po kayo sa dangerous circumstances sa trabaho niyo po aside po doon sa nangayari?

A: Nalagay din ako. I was in Davao. Early morning umalis ako, kasi narinig ko yung, at dawn,, tatlong student ng Ateneo de Davao University pinatay sa loob ng kapilya, dawn, siguro mga 2, between 1 and 2, so early in the morning nandodoon na ako sa site. Nandoon ako kumukuha ng detalye, around 9:00 narinig ko sa radio hinahanap ako ng dalawa kong kaibigan para sila makalabas sa barracks kasi dinakip sila. Ang hinihingi ng patay na sila o buhay, Hinihing nilang lumagda ako para pakawalan. Narinig ko sa radio at sa t.v. sinasabing rebelde daw ako, kaya kinumpiska yung mga gamit ko. Nakikiusap yung mga kapatid ng kaibigan ko so pumunta ako sa Metrodiscum. Pagdating ko sa Metrodiscum, hindi naman nila ako pinosasan. Inexplain ko na hindi yun sila mga rebelde at lalong hindi rin ako rebelde. Ang charges nila sa ‘kin ay middle liaison officer dahil hawak ko ang documents ng rebel forces. Hawak ko ang isa sa mga libro ni Mao Tse Tsung, Mao Zedong na ngayon. Ang sinabi ko sila, I have the right to information as a journalist. Masasampahan niyo ako ng kaso kung sinulat ko ang mga bagay na inciting to sedition, isinulat ko yung sinasabi ng Left Leaning Organization sa Davao what to do with the government. Pinilit akong kasuhan, I did nothing. Kung bitbit ko ito, because that’s my right to information as a journalist so pinakawalan ako. After a week, kinasuhan na naman ako ng rebellion. Pero, ang sinabi ko don, un din ang sinabi ko sa judge. After 3 months, na-dismiss yung kaso. Dinismiss because nagkakaron na ng rebolusyon. Siguro that was the most.

Q: Ano pong experience niyo regarding EDSA Revolution?

A: Sa EDSA revolution, nasa Davao ako. Pero alam ko nang magkaroon ng military takeover, magkaroon ng military rebellion, so ang ginawa ko 6:00 in the evening idineklara ang military rebellion, 6:00 today. Kahapon, pasakay na ako,hindi ako nakasakay. So kaninang tanghali, pasakay na rin ako hinarang naman ako ng mga sundalo so sa halip na makarating ako sa Maynila, makabalik ako, ang sinakyan ko noon yung eroplano na nag-land sa Cagayan de Oro City. Ngayon para makabalik, ibinalik ako sa Davao. Pagbalik ko sa Davao naman dito habang nagkakaroon ng military rebellion, isang bata ni Marcos, dinukot naman ako. Dinukot ako, oo. Gusto niya akong gawin shield noh, kasi ikukulong sila sa karsel e. Naka-eskapo na ako dahil sa dami ng tao at alam ko nang nagkakaroon na ng People Power sa EDSA. So instead of covering manila for the People Power, doon nalang ako sa Davao. Pero ang center of power grab talaga dito sa Maynila. Pero doon ang mga pro-Marcos soldiers, officers, ikinulong sa compound ng military and police headquarters. Ganon ang nangyari noon.

Q: Nasaang newspaper po kayo noon?

A: Nasa Malaya ako noon.

Q: Ilang years po kayo doon?

A: 4 years. Natapos ako 1986 right after the revolution.

Q: Tapos po, saan na kayo nagtrabaho?

A: Pagkatapos, binili yung Tinig ng Masa at tsaka Midday ng Manila Standard, wholesale napunta ako ng Manila Standard. Nang i-launch ang Manila Standard, binawi naman ako ng mga Marcos, ay mga Burgos. Ginawa nilang daily ang We Forum, meron pang We Forum ngayon e. Ginawang daily nila ang We Forum, dun sa puntong yun hirap na hirap ako kasi bukod sa We Forum, naglabas sila ng People’s Evening Express ipinaharap sila.. nila ako sa kanilang Tinig ng Masa. Ako ang night editor ng People’s Evening Express at tsaka ng Tinig ng Masa. Ako ang senior reporter sa araw ng We Forum. Hirap na hirap noon pero malaki ang utang na loob ko sa mga Burgos kaya okey lang yoon sa akin. Until finally, humina, alisan na kami.

Q: Nabigyan po ba kayo ng chance na mag-cover nung sa mga Abu Sayyaf, yung mga NPA?

A: Oo, may mga pagkakataon na almost asa crossfire kasi naniniwala yung mga rebel forces na siguro iniisip nila na kami lang ang mapagkakaktiwalaang newspaper noon, tatlo ang newspaper noon na inaano ng rebel forces, Pahayagang Malaya, Business Day at tsaka yung Veritas. Ang Business Day noon publisher ang mga Locsin, Teodoro Locsin Jr. at tsaka yung Veritas ang publisher naman nun Catholic Church. Meron pa pala Philippine Signs pero hindi gaano, meron pa pala yung isa Mr. and Ms., yung kanilang weekly, weekly noon, yung ganito kalaki nanjajan lang kaya kami ang tinatawag so nakakarating kami doon sa Claveria, Misamis Oriental. Naging witnesses kami sa tinatawa nating purging, yung pag-iisang hanay ng mga rebel forces ng NPA. Yung mga papatayin nila yung mga deep penetration agents ng mga na talagang nagtataksil sa kanila. Ganito ang nangyayari, dito sila nakapaligid, hukay yan na malaki yung papatay dito nakapaligid dito ang babaril, dito kami. Tinitignan naming kung ano ang nangyayari tapos mass grave ang labas.

Q: Pinapayagan po kayo na makawitness po ng ganun?

A: Oo, kasi selected lang kami ng rebel forces.

Q: Yung mga panahon na yon, kunwari pagkakuha niyo ng news, kunwari nasa Davao kayo, papano niyo po isesend sa office niyo yung balita?

A: Isinesend naming yan, nung wala pang fax noon, wala pang cellphone noon, so isinesend namin iyan kadalasan by phone o yung sa telegram yung sa RCPI. Yung ang ano namin.

Q: Mahirap po ba?

A: Mahirap kasi idi-dictate mo yung news, ang hirap, masakit dito sa tenga e, masakit sa tenga at tsaka yung sa RCPI naman, mahal kasi mahaba yung report mo, mahal yon.

Q: So gusto niyo na po talaga dito sa tanod, wala na po kayong balak lumipat?

A: Hindi. Ako, pag naghahanap ako ng trabaho, gusto ko yung smooth, maganda yung atmosphere, maganda yung samahan ng mga tao. Salary, not necessarily. Ang importante, mabuhay lang ako ng decently, to live decently, maligaya na ako. Money, no more. Ang sa akin lang, yung makapag-iwan ako ng legacy, maraming malalaman ang ibang reporter kung halimbawa, wala na ako. Sabihin, “Ay yung editor na yan, matapang yan”, ayoko nun. Kaya lahat ng mga reporter ko dtto, mahal na mahal nila ako kasi sabi ko sa kanila, wala akong kinakampihan, wala akong pinapaboran sa inyo kasi hanggang istorya nila ilinalabas ko. Halimbawa, wala ka ngayon, talagang nabitin yung istorya mo, mababa, talagang mahinang klase, pero bukas pipilitin kong maglabas ng istorya para sa iyo. Kung wala kang naipadalang istorya, ako ang maghahanap para sa iyo. Ganon ako, love ko yung mga reporters ko.

Q: Meron naman po ba kayong mga holidays, nagfo-follow naman po ba kayo?

A: Oo, meron meron..

Q: Ano po yung working hours niyo?

A: Ang editorial people sa editors wala silang Bundy clock pero we have to finish at seven in the evening. So as an editor, kung hawak mo ang metro, alam na alam mo kung anong oras naglalabasan yung istorya, alam na alam mo kung pano kakapain iyon kaya alam mo na rin ang oras mo pagdating mo sa opisina. Alam mo na rin ang gagawin mo pagdating mo sa opisina kaya early in the morning, you have to tell the reporters, “Coveran mo yan, coveran mo yan, may press con bukas”, yon.

Q: So, like a day ahead, meron na po kayong mga list of events for the next day?

A: Meron na. Halimbawa, nabigyan ako ng assignments sa mga reporters ko, ito special report, ito investigative report, kasi yun ang hawak ko, investigative report at special reports, ito ang paksa, ito ang itatanong mo, sasabihin ko sa iyo ito ang itatanong mo, ito ang aalamin, kailangan ma-interview mo yung tao. Delikado ang isyu na iyan, you have to interview to the other party to balance the news.

Q: Paano po pag may biglaang nangyayari, pano niyo po ina-assign yon?

A: Pag biglaang events, meron ako kung sino ang pinakamalapit doon sa, sa pinangyarihan. Ayun ang ibabato namin. Halimbawa, Quezon city nangyari sa EDSA. EDSA, dito sa may Q-Mart, ibabato naming an gaming Quezon City police reporter, doon namin ibabato. Tatawagan namin.



Almenario was born on Feb. 14 in Leyte. He studied journalism at the Lyceum of the Philippines (1981). From 1981 he has worked with People's Journal, Evening Express, Malaya, Daily Balita, We Forum, Diario Uno. Since 2004 he has been city editor of Tanod.