MUNOZ & DE JESUS. Sir, magandang gabi po Mr. Lamberto Antonio. So..., diba po, editor po kayo ng diyaryo na Kabayan. So, ano po yung trabaho niyo bago kayo naging editor ng Kabayan?
ANTONIO. Iba't-ibang posisyon na may kinalaman dun sa editorial. Bago ako ma-hire dito sa Kabayan, Editor-in-chief ako ng News Magazine na Pilosopong Tasyo. Parang yun ang counterpart ng... kombinasyon ng Time saka Newsweek magazine. Bale, ang tina-tackle do'n no'n, yung mga pangunahing balita, pero may interpretation. Hindi nagtagal yung magazine na 'yon e. Umabot lang ng mahigit ilang taon. Nahagip ng ano ng krisis sa pananalapi(tawa), kaya nagsara. Ngayon bukod pa rin do'n sa pag-e-editor ko ng magazine, nag-editor din ako ng Diyaryo Pilipino. Isang broadsheet din 'yon sa Filipino noong 19... early 90's, mga early 90's. Maganda na sana ang record, pero nagkaron ng guneriba yung kompanya, kaya nagsara. Ngayon, noon namang... yung nakaraang, ano siguro, nakaraang 10 taon, bago pa yung 3 posisyon ko na 'yon, nagtrabaho ako sa iba't-ibang publication, na andun ako sa desk. Kung di ako yung editor, ako yung associate editor. Both sa ano yon ha, sa dailies saka sa magazine. So, kombinasyon yan nung nagda-diyaryo ako saka yung nagmamagasin. Yun ang puntong ano, sa pang-produce lamang, kasi basically, literary writer ako eh. Ang thirst ko talaga, poetry... sa Filipino. Although nagsimula akong magsulat sa Inggles nung 19...ah, early 60's. Nag-shift ako sa Filipino, kasi nakita ko na mas maraming audience ang nagpapahalaga sa kurso nating yun. Kaya ako bumalik sa Filipino, bukod pa, malakas noonyung Kilusang Natyonalista eh. Yung aktibismo, noon. Naimpluwensyahan ako no'n. Kasama 'yon sa pagpapasya ko na sumulat sa wikang pambansa.
Q. So, kagustuhan niyo po talaga na magpunta sa propesyong ito.
A. Uh-hm. Ah. kagustuhan, sapagkat dito ako nagkaron ng break, ano. Kasi ang una ko talagang iniisip na kuning kurso. Fine Arts. Alam mo ang mga impluwensiya ng mga kamag-anakan, mga kaibigan, kung hindi Fine Arts, ay, ah, Architectural Engineering, ano sa totoo, nagpa-enrol ako sa Map.. ano, di ko tinapos. Medyo nabagot ako, mahaba ang pila, so parang aksidente. Tapos, pagkagaling ko ng Mapua, naglalakadlakad ako sa Univ. Belt. Wala pang term noon na Univ. Belt eh, di pa nako-coin 'yon eh. Nakarating ako hanggang UE. Nakita ko noon yung, ano, yung Pilipino editor. 'P' pa noon ah, 'Pilipino', di pa 'F'. 64 yon eh... 1964. Ah, naibalita niya sa 'kin na, "O mayrong magiging vacant slot dito, sa Dawn (may kasunod pa)
"Diba," ika, "mahilig kang magsulat?" "Oo." "Sige," ika, "pumunta ka." Pina-eksamen niya 'ko. Pumasa naman ako. Ah, doon nag-umpisa yung ano ko, big break ko, sa journalism.. campus journalism. Na-expose ako.. bagama't ang gusto ko talaga no'n, literature. Ah, ngayon mapapansin mo rin na, siguro kasama sa kalikasan ng kabataan yung, ang daming hilig, ano ang daming persuasions. Ah, balak ko mag-abogado ri, noon. Ang kinuha kong kurso, AB. Hindi rin ako nakatapos. Kasi nga nagka-break na 'ko sa literary writing. Nag-decide ako na pagbuhusan ko ng panahon... karerang pampanitikan.
Q. So, simula po sa campus journalism, tapos, dumiretso po kayo saan pong diyaryo?
A. Uhm, paiba kuwan eh, hindi mga dailies eh. Ah, bale pagkaraan ko no'n sa campus, di siyempre, panimula yon, ano., panimula ng paghahasa. Ngayon, yung talagang totohanan na, yung pang-ano na talaga, sa malakihang sirkulasyon, malakihang audience mo, sa labas ng campus. Pana-panahon kasi yon, na ang hilig ko sa pagda-diyaryo, so mamamasukan ako halimbawa, ng... sa isang diyaryong pamprobinsiya. Dito sa kamaynilaan, 'yan. Di naman ako tumatagal, Ah, parang hindi ko pa alam talaga yung aking direksyon non eh, kung alin yung pipiliin ko sa journalism o literature. Or ipu-push through ko yung abogasya. Ngayon, bandang huli, siguro dahil sa nakakuha na rin ako ng karanasan, ah, napagpasyahan ko sa bandang na wala namang masama kung pagcombine ko yung journalism tsaka literature. Dahil, in a sense, parehong expression yun eh. Yung isa ay through metaphor, ano.. literature yung isa naman direct for facts. So wala akong nakikitang gaanong salungatan sa dalawang 'yan, sa field na 'yan. Parang, magkaiba lang yung istilo, pero iisa lang ang direksyon. Kaya magagawa kong magbalance sa panitikan saka journalism.
Q. Nabanggit po ng propesor namin dati na may mga initiation pa daw po nung araw para makapasok po sa dyaryo?
A. Oo, initiation nga siguro ang tawag don ,pero ganito ang alam ko diyan. Cub reporter ang tawg sa yo. Para kang apprentice. Bibigyan ka ng beat, titingnan kung gaano ka kasigasig sa beat mo, kung ikaw ay naghahalukay ng news, kung ikaw ay sumusunod sa tuntunin ng desk, kasi sa dyaryo, desk decides everything. So titingnan don yung disiplina mo saka yung kakayahan. Kung angkop ka don sa gawain, kung ikaw ay nag-aaral ng iyong wika kasi alam mo naman, grammar and syntax. Basic yan sa pagda-dyaryo. Kailangan marunong kang gumamit ng wika mo. Tapos, kailangan daw, marunong kang mag-anlyze ng mga events, para naiincorporate mo sa istorya. Ngayon kung makita na...depende yan eh,...kung makita na, halimbawa masipag ka, at mabilis kang kumuha ng balita, at kung may, kuwan naman yung balita mo, may lalim, malamang bigyan ka bilang regular reporter. Kung hindi naman, ika nga, di na ipo-prolong yung agony mo. Ah, sasabihin ng desk, "Ah,I'm sorry. Pero palagay ko, hindi ito ang, ano mo... hindi ito ang slot para sa yo... mga ganyan parang ano yon,.. ah well, initiation na kase paparaanin ka nga sa butas ng karayom para matuto ka ng disiplina.(may kasunod pa...)
Q. So sinu-sino po yung mga nakatrabaho niyo?
A. Mga kilala? Ahm, marami-rami din, ano di ko na lang babanggitin kasi karamihan don namatay eh. Mga, ano yon, si Raul Gonzalez, former press secretary ng tha late president Diosdado Macapagal. Si Raul Gonzalez kasi, ngayon, adviser ko yan, sa Dawn. Nung mag-editor ako sa Dawn.
Q. Hmn, ano po, istrikto po ba siya?
A. Ah...isrikto, pero nakatawa. I mean kasi PR man yan eh Madigdematiko siya, sa amin. Ngayon, ah, hindi ko siya deretsang nakakilala, yung dating adviser ng DAWN non, si Pocholo Romualdez...executive director din ng MALAYA. Yun daw ang inspektor Bagamat yung istilo non dinatnan ko na. Kung pa'no patakbuhin ang DAWN, ang mga editors, ganyan. Ano talaga, istrikto. Pero kailangan talaga papailalim ka sa mga istriktong ano, pamantayan tsaka di-personal na direksyon, sa editorial kasi nandyan ang buhay ng dyaryo eh. Ang product itself, yan mismo ang dyaryo. Ang nag-aano nyan, ang bumubuo yung editorial.
Q. So punta naman po tayo sa panahon ng Martial Law. Nasan po kayo non? Sumusulat po ba kayo non?
A. Ah...nasa underground movement ako non. Propaganda, ah, analyst, saka translator. Kasi nga kinakailangan mong magtranslate para nga ma-reach mo yung masses...yung readers...Filipino. Ah, ang sinusulat ko non, karamihan. literary pieces. Kasi unang-una, wala ka namang outlet. Kasi kontrolado ng Marcos regime yung publications. Iilan lang yung publications na pinahintulutang buksan non, at ang mga laman pa ay, kailangan pinupuri mo ang Marcos administration. So, kaya, gagawin mong...ang journalism gagawin mong deodorante. Pabango ng, ah, Imelda Marcos, first family. Noon, pwede kang bumatikos pero may limitasyon. batikusin mo na ang lahat, huwag lang ang first family. Huwag lang ang secretary ng national defense.
Q. May mga kilala pa ba kayo na nakulong o naparusahan?
A. Ako, dapat nakulong kundi ako na...aktibista ako non. Nasa order of battle ako non. Sabi nuhng mga kaibigan ko nasa listahan...Marami kasing dinadampot talaga noong aktibista. Kasi nga sumasama ako sa demro non eh. Ah...siguro maaaring blessing in disguise, di ko malaman, bagamat
napinsala ako, naaksidente ako non eh. Nadurog itong buto sa ribs. nabalian ako ng braso, paa...19...before ah...1 or 2 months before the declaration of Martial Law...1972 yon eh. Naaksidente ako sa biyahe. Paggising ko, nasa ospital ako. So yung iba dinampot sa...dinampot sa Crame. Kinulong sa Crame. Yung iba naman eh...nilibing, na-sementeryo. Ako naman nagbakasyon sa ospital. Siguro nga blessing in dsiguise. Di ko na...tapos nung mabalitaan ko na nahuli na ang mga kaibigan ko, barkada ko...maraming nahuli dyan. Halimbawa si Ricky Lee...Ricardo Lee. Kilalang script-writer yon. Si Ric Lacaba...mga...oo contemporaries ko yan. Nakulong ang dalawa na yan. Oo, aktibista. Mga wroter-activists yan. Saka si Bien Lumbera. Kilala niyo si Bien siguro. Si Nemencio Prudente, dating...ah...ng Phil. College of Commerce na PUP ngayon. Nakulong yan. Yung mga barkada ko lahat yun, halos lahat mga kilalang writers nung decades ng 60s, 70s, nakulong. Tulad nyan, Satur Ocampo. Kaya lang mas matanda sakin yan. Ako hindi nakulong, naaksidente naman ako. Pero nakapagsulat ako habang...ngayon, ang laman ng...ang sinusulat, either poetry, short story or essay, tungkol sa repression ng paninikil ng rehimeng Marcos...sa progressive sector. Buhay ng magsasaka...kasi peasant stock to eh. Anak ako ng mga magsasaka. Kaya majority nung writings ko, tungkol sa ano, buhay ng mambubukid...sa kanayunan.
Q. So, marami po ba sa mga works ninyo ang na-publish?
A. Meron akong 3 books ng poetry, 1 libro ng essays saka short stories. Ngayon, meron akong naka-ready na mga 5 na libro pa. Sa iba't-ibang categories.
Q. Anu-ano po ang mga title ng mga...
A. Ah...19...yung unang libro ko kasi manipis eh. 20 poems lang yon, dalawampung tula. Yon...talagang slogan hearing yon. Activist poetry yon. 13 copies lang yon. Naaksidente nga ako eh, hindi ko nailabas eh. 13 copies lang yon. Kaya ko lang pina-ano yon, pinalabas, sinali ko sa Palanca. Nanalo naman, ano. Tapos nung after a decade yata, kinolekta ko uli yung mga tula ko. Nilabas ko yung aking poems of a decade, yung Hagkis ng Talahib. Tuloy, na-review sa La Salle yun eh. Isang kaibigan kong propesor si Soledad Reyes, nung nagtuturo pa dyan, ni-review na yan eh. Lumabas sa Malay, May Malay pa ba kayo dyan o wala na? Dyan mismo sa ano, sa...dito sa Taft, ano, ah...medyo naging hit yon sa acadame. Ah...ang tingin nila doon talagang activist poems. Pagkatapos, ahh...1981 yon eh. Sumunod 1990 o 1991, naglabas naman ako ng...ay hindi! After 5 years pala, naglabas ako ng another set of poems. Meron pa ring activist poems don.pero largely ang dominant ano don, very witty. Saka nag, ah, wala na yung gaanong...hindi activism ang persona ng karamihan kundi nagsusuri din sa paligid, pero hindi na yung militant masyado. Oo kasi ine-enlarge ko na yung scope ng involvement eh. Hindi lang pulitika. Meron na ako dong economic, philisophical...more on philosophy. Philosophy ng struggle...hindi yung...hindi yung kilala nating struggle na ano, pambansa. Sumunod don yung una kong book of prosa, ano, libro ng prosa. Dun pinagsama ko yung aking mga essays. Mostly columns yon eh. Tapos yung isa pa, yung collection ng short stories ko, na nilabas sa Liwayway saka nanalo sa Palanca yung sumunod don, yung pinakalatest ko. Itong ano, published by Ateneo. Itong Tiyan, iyan ang pinakamakapal kong libro sa ngayon. Maraming napanalong awards yun eh. Halos 5 major awards. Iba't-ibang award-giving bodies. Yun nga, nakaraan ayan naghahanda ako ngayon ng mga collections.
Q. Mapunta naman po tayo sa EDSA revolution. Nung EDSA Revolution, pano po ang sistema ng dyaryo non?
A. Ano pa rin eh...merong token. Token na para ipakita ng Marcos regime na hindi diktatoryal yungpatalkaran. Ah...halimbawa, yung Malaya, pinapayagan nilang lumabas yan. Malaya pero bahala ka ha...bahala ka. Ika nga, at your own risk. Bukod don, wala ng...tapos yung ano, pinayagang nang lumabas, Mr. & Ms. saka yung...Daily Inquirer ngayon...
Iyon mga token of gesture yon ng Marcos regime. Merong ano, merong press freedom rito pero pag sinuri mo talaga, wala. Kaya nga nagka-EDSA revolution. Makikita mo, after the EDSA Revolution biglang dumami ang ano, babasahin. Mga magazine, dyaryo. Kasi nasabik sa panunumbalik ng democratic space ang mga mambabasa at generally, mga publishers at editors. Ang nangyari lang, nag-suffer naman ang quality. Siguro dahil sa bugso ng katuwaan, namulaklak ang mga tabloid, mga iskandalo kaliwa't kanan...mga tsismis. Yan naman ang isang ano dyan....ang manifestation niyan, ng pag-eenjoy ng impraktikong kaeapatan ng mamamayan sa pamamagitan ng paglalathala ng mga babasahin, ay isang sub-commentary na lang, ano, para sa akin, nag-suffer naman a ng quality. Ngayon kasi ang balita na humahabol sa periodista, di pa ganon kaayos kung magpresent ng balita. Nung araw kasi kailanagnikaw ang humabol sa balita. Go for the big news, ganon. Ngayon kasi uso na ang press release. Iba na ang technologu ngayon, mabilis eh...ngayon, ang mga reporters ngayon ay masyadong pampered eh. Hindi na nagpupunta sa ano, nasa beat na lang. Tatawag lang, di na nagpupunta sa dito mismo, sa home base, bihira...
Q. So side question lang ho, kasi jo parang ang sinasabi niyo parang yun po yung vanishing news room na tinatawag...
A. Oo
Q. Sa tingin niyo po ba, talagang nakakasama ho yon?
A. Ah, nasa... depende sa ano yan, sa initiative na rin ng mga kinauukulan halimbawa. Ito ngang aking ano diyan eh, may irony diyan eh, para sa akin kung kailan umunlad yung teknolohiya sa pagbabalita, naging atrasado ang mga nagbabalita. Kasi nga na-pampered sila, ini-spoonfeed lang sila ng inpormasyon. Hindi na ina-analyze. So, mahalaga.. kasi nga, ah, ayan, andiyan na ang Internet, ano, sasalain mo lahat. Itatranslate mo na lang, sinasalin mo. Pero nawala na yung creative na ano don, na pagsisikap. Saka yung.. lalo na yung critical. Hindi na ina-analyze mapapansin mo yon. Kasi nga ang dami ng technology. Ah, parang ano 'yan eh... marami na ngayong tamad mag-basa. Kasi nakakapanood ka ng TV. Eh instant click molang, ok na. Nawawala yung ano.. parang nawawala yung initiative na maging creative. Palawakin ang imahinasyon sa pamamagitan ng pag-gamit mo ng.. yun nga, ng guni-guni. Hindi yung kung ano lang yung nakita mo sa TV kasi 'yan, pag nakita mo yan, andon lang yon. Whereas, kung nagbabasa ka, sarili mong version yung paglikha ng mundo, ng karanasan, na batay sa nabasa... teksto, nababasa mo rin.
Q. So, pano po, malaki po talaga yung pinagkaiba?
A. Oo.. ah, yun nga, yung nasabi ko na, lahat ng kagamitan ngayon na maaaring makuha ng publication, ay nakukuha. Noon ay may makinilya.. makinilya lang yon ah. Minsan aha-agawan pa kayo, nakapila kayo para lang ipa-makinilya mo yung news report mo. Pero mahuhusay ang produksyon ng pang-periodismo. Kasi nga, mayroong mga pagkukusa yung mga editors na mag-aral. Pag-aralan yung kanilang _______. Hindi yung basta ano lang, natapos. "Ah, wala ok na 'yan. Babalik na lang ako..." Hindeh. Kahit na nagsara na yung diyaryo, kahit na umuwi ka ng bahay, dala-dala mo lahat ng 'yan sa isip mo. Kailangan maging ano ka.. diyan, serious ka talaga sa career na 'yan. Kasi isang paraan yan sa paglalakad ng katotohanan eh. Periodismo. Biro mo, araw-araw, ano ang mga pangyayari na 'yan? Manifestations 'yan ng reality. Social realities. Kaya 'ya, magandang material 'yan ng ano, creative writing. Ako, kaya ginagamit ko 'yan kasi iyan mismo realidad eh, nangyayari. Ah, paggising mo sa umaga, kinakailangan makikinig ka ng radyo, manonood ka ng TV, pero mahalaga, kasi, ang pinakakumpletong presentasyon ng balita, sa print eh. Hindi naman sa broadcast eh. Sa print. Mas detailed. So paggising mo, dapat alam mo ang nangyayari as buong mundo. Nagbabasa ka ng balita. Ngayon, dito kami sa diyaryo, halimbawa, sa desk kami, babasa ka ng iba't-ibang ano diyan, tabloid o kaya broadsheet. Gagawa ka ng comparison. Ano bang na-miss namin na balita? .. Maganda sa daily kasi pag nagkamali ka ngayon, pwede mo iwasto kinabukasan, araw-araw pwede ka mag-improvise, mag-improve. Ganon.
Q. Para sa huling katanungan na lang po marami na po ang inyong karanasan atsaka matagal na kayo sa propesyong ito, sa tingin niyo po, ano po iyong pinakamahalagang naiambag niyo?
A. Ako? Wala. Hindi, ganito noh, ah hindi siguro ambag kundi nagtatangka ako ngayon na makatulong sa abot ng aking makakaya kahit gaano kaliit na una, maging malinaw ang isip ng periodista tungkol sa karera niyang pinasok, una sa paggamit ng wika kasi main weapon mo ang language. Kailangan alam mong gamitin yan. Kailangan lagi mong hinahasa yan. Pangalawa, anong laman nung wika? Sisidlan lang ng ideya iyan. Kailangan ang idea mo press noh, relevant. Day to day inaano mo yan, inaangkop mo sa nangyayari maging lokal o pandaigdig. Ngayon yung kombinasyon ng dalawang yan, na kahusayan... at tumbasan mo ng angkop na ideya batay sa nangyayari sa lipunan ay bibigyan mo rin yan ng kombinasyon ng pagiging creative at critical. Hindi lang kailangang critical ka, kailangan mahusay ang manner of presentation mo, ano ang kinikritika mo para maging convincing tsaka entertaining, yung entertainment na hindi mababaw ang kaligayahan, ika nga kundi yung malalim at pangmatagalang kasiyahan. Kasi ang bagay na binabasa mo kahit mahusay pagka boring ang presentation, hindi ka masisiyahan baka hindi mo tapusin. So ganun, may mga demands ang writing ang writing whether creative or journalistic na kinakailangan kang humanap ng mga combinations para kung hindi ka man makasabay sa trends, ay mauna ka pero huwag kang mapagiiwanan para kang naiscoopan ika nga. Nakuha na lahat ng balita... magmumukha kang tanga. Mapag-iiwanan ka na.. ngayon yung sigurong ano ko, yung pagpioneer sa, kasi ang dami ko kasing inedit, yun ang isang napansin ko sakin. Strikto ko kung gumamit ng language at gusto ko lagi may kombinasyon ng propsmanship tsaka relevant yung content. I go for combinations eh. Hindi ako yung one track man kasi. Pwede akong maging tradisyonal pero ayokong maging conservative. Magkaina yan eh. Ang conservative kasi andun ka lang, flat na lang eh. Where as yung traditional may mga factors yung traditional eh noh, positive pwede mong gamitin, ipositive mo. Ngayon, pwede akong maging modern pero ayoko naman maging masyadong radical, nadedepart akong malayung-malayo sa realidad na para bang I have the.. future ganyan. Marami ngang dapat isa-alang-alang ang writer eh. Ah siguro ang pinaka-ano ko dyan pinaka-buod noh, hindi biro ang umunawa at magpaunawa ayan. Another combination yan.. unawain mo yung mambabasa kung papaanong ang mambabasa ay dapat umunawa rin. Give and take yan eh. Kasi maaring may problema yung reader, hindi nauunawaan yung mga technical terms, gagaanan mo yan para sa kanya. Kung talaga namang yung writer eh.. lalo sa creative eh mataas yung antas ng kamulatan baka kinakailangang pag-aralan din ng reader kung paano sya aakyat. Hindi naman pwedeng ano lang lagi, yung writer.. Kailangan nagsasalubong. Give and take lang yan pero sa pagiging creative ng isang writer, kinakailangan may sarili siyang desisyon, yung hindi nadidiktahan ng propaganda o anuman. Yung mga pansamantalang moda o mga persuasions dapat hindi ka nadidiktahan non. Maaaring i-consider mo pero dapat mong tignan ang importansya kung iyon ba ay makakatulong sa kabuuan.. o hindi.. at siguro maari sa isang experimental state mo gawin yon. Yang experimental laging tentative yan eh. Pag napatunayan mong durable tsaka talagang makabuluhan ay doon ka na.
Lamberto Antoio was born on November 9, 1946 in Cabiao, Nueva Ecija. He studied political science at the University of the East. He has worked for a number of newspapers since 1981 and, at the time of this interview, was editor in chief of Kabayan.