Noli de Castro: Philippine Journalism Oral History
Subject: Noli de Castro
Date of Interview: November 20, 2000
Interviewers: Kady Iglesia and Celirma Jaysa Tan

IGLESIA & TAN. Sir, diba kapag maliit pa tayo, tinatanong tayo, "o, ano gusto mo paglaki mo?" Ano po 'yung kadalasang naisasagot niyo?
DE CASTRO. Sinabi ko yata, sundalo ako. Gusto ko maging sundalo.

Q. Nag-train kayo?
A. Wala. Nakikita ko lang kasi sa uniporme ng soldiers. Diba maganda 'yung uniporme nila? That was before. 'Yung PC, Philippine Constabulary. Diba naka-khaki sila? Matigas na matigas. Makisig na makisig. Machong tingnan. 'Yun lang.

Q. So sir, paano 'yung shift 'nun? Diba gusto niyo maging sundalo, bakit po kayo napunta dito sa field ng media?
A. Well, 'yung brother ko kasi mahilig diyan. So sinama lang niya ako mag-audition, one time, at ako ang napili, hindi siya. Ako ang nakapasa, hindi siya. So, from then on, parang naka-attract na rin sa akin ang broadcasting, radio especially.

Q. Sir, saan po ba kayo nagtapos ng elementary at high school?
A. Elementary, sa Mindoro na. High school, sa Mindoro Catholic School. And then noong mag-college ako, sa UE. Kumuha na ako ng Banking and Finance. Natapos ko ang Banking and Finance, 1974.

Q. Ano pong atmosphere noong time na 'yon? Base po doon sa surroundings niyo, noong nandoon pa po kayo sa Mindoro?

Q. Mayroon po bang nag-influence sa inyo para mag-pursue ng media?
A. Wala.

Q. Wala?
A. Sa Mindoro? Wala. Parang 'yung brother ko lang.

Q. Hindi niyo pa naisip na, mag-mi-media ako.
A. Wala pa. Noong College na lang ako. Nasa Maynila na ako.

Q. Noong nasa kolehiyo kayo, may mga organizations ba kayong sinalihan?
A. Connected sa media? No.

Q. Social?
A. No. Wala rin kasi concentrated din ako sa eskuwela. Alam mo naman sa probinsiya.

Q. Tapos diba pag nasa high school tayo, pag malapit na mag-graduate, di ba pipili ka na ng course. So paano mo naiisip na kunin 'yung kurso?
A. Banking and Finance?

Q. Banking and Finance.
A. Noong una kasi, kami nabubuhay sa pag-aalaga ng baboy. So ang parents ko gusto nila kumuha ako ng veterinarian. So for one year, pumasok ako ng Araneta University sa Malabon para sana kumuha ng Veterinarian medicine. Pero nahirapan ako at saka malayo. Doon sa Sampaloc ako umuuwi tapos sa Malabon ako pumapasok. So we decided na mag-shift na lang ako sa Commerce para lang may matapos. Kasi hindi ko naman alam kung anong gusto ko.

Q. Kailan niyo naisip na gusto niyo na maging media practitioner?
A. Well, noong mga last years ko siguro sa college. Kasi nag-aanu-ano na ako doon sa media.

Q. Sir, ano ho 'yung una niyong naging trabaho sa media?
A. As a radio announcer. Patugtog-patugtog ng plaka.

Q. Sir immediately after na nag-audition kayo, 'yun na po agad 'yung binigay sa inyong trabaho or nag-audition pa kayo para sa radio?
A. Hindi kasi it's small station lang naman. So nalalaro-laro ko yung pag-piplay ng plaka. Small station. Hindi naman malaking station kaagad.

Q. Sir ano po ba 'yung mga memorable experiences nyo 'nung nag-sstart pa lang kayo sa trabaho?
A. 'Yung palibhasa maliit yung suweldo. Tapos I had to sign the following day is sign on. I had to be in the station as early as 4 o'clock in the morning. May panghapon pa akong program. So what I did is matulog na lang sa station para the following day hindi na ako mamasahe ulit.

Q. Syempre mahirap diba 'yung dinaranas ninyo. May time ba na ayaw mo na? Parang mag-gi-give up ka na?
A. Hindi naman kasi bata pa ako. Glamour glamour pa ako.

Q. Ano 'yung pinaka mahirap na experience niyo sa media, 'yung natatandaan niyo? Parang ayaw niyo na ulitin.
A. Wala. As long as mahal mo 'yung trabaho, diba? Hindi mo na iisipin kung ano 'yung mahirap doon or what.

Q. So sir, syempre marami kayong natutunan, ano po 'yung mga natutunan niyo?

Q. 'Yung lesson na pinaka hanggang ngayon inaalala niyo pa?
A. 'Yung matyaga ka nga sa ambition, sa choice of profession mo. Work hard. 'Yun lang. And for a while, kumuha ako ng Mass Com noong ma-introduce na ang Mass Com noon but ah, unfortunately nagsisimula palang ako sa broadcasting noong mga one year palang ako, nagkaroon naman ng martial law, diba? So nasara ang mga stations. Wala na naman akong trabaho. So atras nanaman ako doon sa kinukuhang Mass Com sa FEU. After that hindi naman ako makahingi sa inay ng pang-tuition so huminto nalang ako sa pag-aaral para kumuha ng mass com, kasi ilang years ko nalang kukunin dahil mga major subjects nalang. Tapos na ako ng commerce. Major subjects nalang sana, nawalan naman akong trabaho dahil nagsara ang mga stations. Nasama sa mga isinara ng Martial Law kaya nawala, nawalan ako ng trabaho.

Q. So 'yung una niyong trabaho bilang radio announcer, sino 'yung mga nakasabayan niyong mga tao na ngayon din sikat na?
A. Wala. Sa radio, si Joe Taruc pero late nalang yun after Johnny de Leon died. Kilala niyo si Johnny de Leon? After Johnny de Leon died pero wala na akong natatandaan nakasama ko na sikat na rin.

Q. Sir, diba nabanggit niyo po Martial Law, mayroon po ba kayong mga first hand experiences ng mga kahirapan noong time na iyon?
A. Well, ang hirap noon kasi walang freedom of the press, walang freedom of expression. The owners of media radio, television and newspaper ay iisa. Mga crony pa rin o dummy so wala and if you notice during that time, wala pa kayo, ang mga headlines noon ay iisa halos tawag nga namin sa mga press release ay praise release dahil pine-praise lagi ang administration and if you'll buy mga newspapers, apat o lima o anim lang newspaper noon. There's only one headline. Hindi katulad ngayon na pagnag-headline diba ang dami. Iba-iba ang headlines ngayon ng isang dyario, diba? If you notice ang dyario iba-iba yan. So 'yun 'yung mga experiences ko. So 1981, nabwisit na ako umalis ako ng Pilipinas noon. Nag-try ako sa abroad, sa states. One year ako noon 1981 but after that hindi rin ako nakatagal doon bumalik ako and 'yun, the rest is history.

Q. So paano naman ang edsa revolution, paano naman ang participation niyo doon?
A. Wala. Sarado ang station naming noon kasi RPN ako noon. So nandoon lang ako as a private individual not as a media man. Kasi wala kaming estasyon noon. Sinara nila estasyon.

Q. Ok Sir, so lets go to TV patrol, Can you describe how you got into TV Patrol kasi diba spin-off siya before martial law ng radio patrol ng ABS-CBN?
A. Hindi naman spin-off. Kasi radio patrol 'yun.

Q. Ano po ang nangyari sa radio patrol?
A. 'Yan ang spin-off DZMM ng radio patrol.

Q. So 'yung TV Patrol, kanino pong idea 'yun?
A. Ang alam ko kasing idea noon kay Mr. Freddie Garcia, who's our president now. Inalok lang nila ako. And then, nasa radio kasi kami noon pero, may program kaming Magandang Umaga ni Korina Sanchez noon. And there was a time na nagkaroon ng coup d'etat ng coup sa GMA parang tinake over ng sundalo ang GMA, channel seven. So we 're the only TV station- local wala pa gaanong cable noon,wala pang cable yata noon. Nag-anchor kami ni Korina pero ang mga reports live but coming from radio patrol reporters, radio radio lang hindi on cam, hindi katulad ngayon, may mga live on cam tayo ngayon. Ayun nakita raw nila na 'yung anchor, how I handled the coverage kasi radioman naman ako kaya parang no big deal sa akin yung pag-co-cover parang normal lang sa experience ko and 'yun pala sila may plano nang gumawa ng TV Patrol newscast, parang tabloid tabloid type of newscast.

Q. Sir, diba 'yung TV Patrol syempre number one na so maraming naninira, criticisms, paano niyo hinarahap 'yung mga criticisms?
A. Wala

Q. Ano po yung attitude niyo? Ok lang sa inyo? Hindi niyo pinapansin?
A. As long as gusto ng tao. Before boring ang newscast diba?

Q. Opo.
A. Nobody wants to listen to a newscast dahil napaka-stiff ng newscaster, diba? and English. For the first time. At hindi kumikita. Parang sustaining lagi. Sinusustentohan nalang ng estasyon. Kumikita 'yung mga program- mga sayawan, mga variety show. Newscast TV Patrol naging history, diba? Wala naman makakatatwa niyan, no one can say na hindi TV patrol ang nagbago sa attitude ng mga viewers sa newscast. So sa akin as long as ang tao nanunood sa newscast ko, ok lang sa akin. Pero noon kasi mga police report ang kinukuha nila but we changed that, yung masyadong gory but before it attracts viewers, diba? So after that binago na namin up to now binabago na iyon but kung minsan natatak na sa amin 'yun, pinagbibintangan pa ring samantalang ibang estasyon na dahil gumagaya sa amin. Naiba namin. After that kumikita na ang TV Patrol and up to now, it is a highest earning program. Number one ang TV Patrol.

Q. Sir, diba dati 1 hour 'yun? Tapos ngayon naging 30 minutes nalang?
A. Oo, Kasi nagsolo nalang ako. Apat pa kami noon. May pulso pa. Ginawa nalang straight news at ako nalang. Isa nalang babayaran nila.

Q. Sir, shifting to Magandang Gabi Bayan naman po. Kanino pong idea yung Magandang Gabi Bayan? Kasi po sir diba, yung Magandang Gabi Bayan na line, 'yun 'yung sinasabi niyo sa TV Patrol.
A. Ayun, nagawa nilang programa but noon gusto ko rin yung programa ng 60 minutes, I don't know kung alam niyo. Sa states 'yun. Sa ABC ata noon, sa NBC. 60 minutes program investigative program. 1981, sinabi ko nasa states ako, diba? So I admire yung mga tina-topic nila doon, saka mga host, mga anchor naisip ko 'yun. Nawala kasi Magandang Umaga so nilipat namin 'yun, nalipat, nabigyan ako ng bagong program so naisip lang nila, Magandang Gabi Bayan, sabi ko nga pano nga kung pangit topic, Magandang Gabi bayan parin.

Q. Favorite ko doon, 'yung tuwing November 1.
A. Tapos ni-revolutionized nila yung November 1, naggayahan na diba? Kami ang una noon pero gumaya ang marami kasi nag-re-rate.

Q. Sir, pagpumupunta kayo doon sa mga places, talagang kayo po ba yung on hand, kayo po ba ang nakikipag-usap sa mga tao o parang may researchers din kayo?
A. May researchers muna, may writers.

Q. Pati 'yung topic? Paano po nag-iisip ng topic?
A. Mayroon kaming parang meeting, bull session every Monday. Lahat 'yun magsalita. Kung gusto mo magsalita, bahala na. Magulo kami doon. Ganon. Parang TV Patrol, every morning. Doon lumalabas mga ideas including the titles, kung anong topic paano mo i-tri-treat.

Q. Sir, napansin ko 'yung Magandang Gabi Bayan, parati siya may fini-feature about nature, tapos narinig rin naming na mahilig ka sa nature.
A. Ya, I love nature.

Q. Ano 'yun? Saan galing? Matagal na?
A. I don't know. Lumabas nalang sa akin. Siguro kasi laki akong probinsya, diba? I love trees, I love birds. I love animals.

Q. Sir, mayroon po ba kayong memorable experience sa Magandang Gabi Bayan? Diba marami na kayong naging topics?
A. Napakarami na, ihang memorable doon.

Q. Ano yung pinakapinaka memorable?
A. 'Yung mga lahar-lahar na iyan. Dahil naghahabol kami ng lahar. O, saan tatakbo ang lahar? Hahabulin namin 'yung dulo ng lahar. Kasi syempre nag-flo-flow iyan from the bundok. Mabilis iyan. Hahabulin namin ang possible town or ilog na dadaanan niyan. Hahabulin namin ng sasakyan iyan para lang salubungin ng camera. And there was one time na hindi ako makatiis, doon ako nag stand-upper sa lahar. Mainit pala 'yun at saka maraming pebbles 'yung mga bato-bato, diba? 'Yung lahar tumatama sa binti ko. Tapos nakahawak ako dahil madadala ako.

Q. Sir, hindi naman po kaila sa lahat na kayo na po ang most trusted news and current affairs programs host, meron pa ba kayong iniidolo?

Q. Kahit hindi taga media.
A. Madami naman. Mga political leaders din natin. I-na-admire ko rin iyon.

Q. May balak po ba kayo pumasok sa politics?
A. Wala muna. Sa nangyayari ngayon. Kung may balak man ako.

Q. Kasi po maraming tsismis na mag-se-senator daw kayo.
A. Hindi, magulo pa kasi.

Q. Magulo ngayon.
A. Magulo ngayon. Baka mapasama ako sa gulo, diba? Mapasama ako sa galit ng tao.

Q. Sir, sino sa mga kabataan ngayon ang pumapasok sa media, sino 'yung nakikita mong parang katulad mo?
A. Hindi ko masabi. Kasi sa akin hindi ko naman plinano maging number one, dumating at dumating lang. Siguro right time, right station. Ewan ko. Hindi ko alam. Basta ako nagtrabaho lang nang nagtrabaho. Ginawa ko lang ang dapat kong gawin. Naniniwala ako na ang media man wala talagang, what do you call this? Doubt sayo mga viewers mo, listeners mo, credibility mo is number one, priority mo no one.

Q. Sir, when you retire, ano ang mga plano mong gawin?
A. Magsasaka ako.

Q. Babalik po kayo sa Mindoro?
A. I will plant trees, so many trees.

Q. Sir, Lastly po, how does one make a Noli de Castro out of himself? Ano po 'yung mga advice katulad po kami Com Arts po kami, syempre po plano po rin naming pumasok sa media?
A. Oo, syempre kung plano niyo, gawin niyo. Ngayon palang practice na kayo, 'yung control ng boses niyo, modulation niyo. Mga ganon. Try to read. Study hard. Continuing study naman ang pagiging broadcaster, kahit anong profession naman tuloy-tuloy lang iyan, diba? Alam mo ngayon, iba ang labanan hindi tulad ng panahon namin, even before us kung minsan pagandahan pa ng boses. Kung may chance kayo, try to grab it. But kung minsan pagnandoon na ang chance ninyo, like an ordinary employee, pagnandoon na tinatamand na, ayaw na malamangan, Ba't siya ganito? Laging ganito ganyan. Ako trabaho ng trabaho, siya lakad lang ng lakad. Dapat iyon sa sarili na niya, diba? Self discipline nalang sa sarili niya. I'm working for myself, for my future, ika nga not only for the company na nagswesweldo sa akin but for my future. Sa akin, wala na nagturo but I taught myself how to discipline myself. 'Yung dapat credibility is number one. Kapag mediaman ka, number one ang credibility on and off the air. 'Yun ang problema diyan. Hindi pwedeng on the air lamang, off the air kasama yan. Kung anong field ang gusto niyo, newscasting o magsasayaw kayo o magbold kayo. Study hard. May anak nga ako. Gusto ko mag-aral siya kahit nasa media na, mag-aral parin, mahalaga yan. Time will come, iba na takbo ng media, there's so many medium ngayon, diba? May email.

Q. Interactive na.
A. Magiging kalaban narin yan ng ano, pero matagal pa iyon.

Q. Pinaka last, how do you want to be remembered pag wala ka na sa media?
A. Well, gusto ko lang opening lagi na nong panahon ni Noli de Castro, ganito ang ginagawa niya kaya number one ang program niya. Mga ganon. Panahon ni Noli de Castro kaya siya number one newscaster, dahil ganito siya. Bahala na ang tao who will judge me after that.

Q. Sir, thank you very much!
A. Good luck!



Noli de Castro was born in Pola, Oriental Mindoro, and studied at the University of the East. He has been a broadcast journalist since the 1980s and, at the time of this interview, was the news anchor on ABS-CBN. He was elected shortly thereafter to the Philippine Senate.