Alberto Garcia: Philippine Journalism Oral History
Subject: Alberto Garcia
Date of Interview: Dec. 6, 2005
Interviewers: Christopher Alcantara, Francesca Villanueva

Villanueva: We’re Chris Alcantara and Cheska Villanueva and for our INPRINT report we are going to interview Mr. Alberto Garcia…

Alcantara: …A renowned photojournalist. ‘Yung picture niya po ‘yung Mount Pinatubo… We have a picture right here… graced Time Magazine and, of course, National Geographic. Good day, Sir.

Garcia: Good day.

A: So, ‘yun nga po… Mount Pinatubo picture, ‘dun po kayo nalilink palagi…

G: (agrees)

A: How do you feel about that… na everything’s traced back to Mount Pinatubo? Don’t you feel like you should, be like, recognized for other things?

G: Basically, okay lang sa ‘kin kasi marami rin naman din akong litrato na hindi lang naging ganito ka-controversial eh. Like ‘yung “Amok”…

A: Ah ‘yung…

G: …The one in Quezon City…

A: …yung pinagbabaril…

G: …pinagbabaril… uhhh sinaksak niya yung pulis na rumesponde ‘dun sa demolition.. meron ding mga batang ---- he used to be a scavenger sa Tondo… tapos dinemolish na ‘yung bahay niya, then later naging NPA siya… tapos nakapatay rin siya ng mga pulis. And today I’m into sports photography noh. A &

V: Sea Games?

G: Oo. Interesado ako sa sports, so… basically naswertehan lang kaya ganon…

A: Pero okay lang po ba sa inyo na ‘dun pa rin bumabalik [Pinatubo Picture]? Or, kapag sinabi pong Pinatubo picture…

G: Ang swerte-swerte nga kasi kahit papaano kapag sinabi mong Pinatubo…

A: “Albert Garcia”…

G: ‘Di kagaya ng ibang photographers syempre diba… basta ako, happy na ako, na kahit papaano mayroon akong maiiwang legacy.

A: So ‘yun nga po, nabasa po naming dun sa interview niyo sa Inquirer Magazine, two years ago po yata, na you didn’t really want to become a photojournalist…

G: Yeah…

A: You were a seaman student?

G: No, actually gusto ko maging photographer… my father didn’t want me to become a photographer…

A: Si Sir Luis?

G: Yes, yes…

V: What was he doing then?

G: He was a photographer. He used to be the Chief photographer of the Manila Bulletin. And my uncle used to be the Chief photographer of Manila Times. And then my other uncle used to work with Philippine Herald. My brother is a photographer… my two brothers are photographers…

V: So why didn’t you…?

G: It’s in the blood eh.,, it’s in the blood.

A: Ah basta ayaw lang niya?

G: Ayaw lang niya.

A: Dahil?

G: They don’t find it lucrative kasi eh. Kung dito ka lang talaga naka-base sa Manila and wala kang outlet sa labas, mahirap talaga. So I’m so lucky to be ano… napunta ako dun sa News report agency dun sa Gamma… I used to work with Gamma… and then now ‘yung Corbis…

A: Corbis Saba?

G: Corbis Saba. Pero ngayon Corbis na lang.

A: Uhmmm nasabi po kasi ‘dun sa interview na… ‘diba yung dad niyo po tinatago yung mga camera…

G: Ayaw niya talaga… ayaw niya talaga.

A: Eh ‘diba you’re the youngest…

G: No, I’m the eldest sa second wife ni dad so…

A: Ah…

G: …sabi niya ‘mag-aral ka. ‘wag ka na lang mag-photography kasi hindi maganda… delikado… Everytime he goes home, may mga story siya na naririnig ko… kinekwento niya sa mother ko, yung mga adventure nila like, yung di ko makakalimutan talaga, nung sinabi niya na uhhh… there was this plance crash in Mindoro… tapos nag-hike sila going to the site. So along the trail, may na-ecounter silang mga Mangyans. Tapos pinalibutan sila, tinali sila… Papatayin sila eh. Papatayin na sila. Buti na lang may isang tribu dun na marunong mag-tagalog… kung bakit sila nandun, pinaliwanag nila. So… I find it exciting ano, parang ang sarap ano… Tsaka everytime na uuwi siya, may kwento siya ‘nun. Tuwing umaga nasa Manila Hotel siya, kumakain na… may kinukunan na Press Con. Biglang tatakbo siya dun sa baha, biglang tatakbo dun sa sunog. Parang sakin exciting siya eh. Walang… hindi boring ‘yung oras eh. So everytime may assignment ka palaging… Palaging ikaw nakakauna…

A: Parang si kuya… ‘pag sinasabi niya po sakin ‘pag may balita na may namatay talaga, na-eexcite pa ‘yun… Parang kami naman sa bahay…

G: May konting takot… at the same time may kasamang thrill…

A: For example, iyan [points to the Pinatubo picture]… siyempre takot iyan…

G: Oo eto, nung nakita ko ‘yan sabi ko mamamatay na’ko..

V: Oh my… and you still took the pictures…

G: ‘bago ako mamatay, kailangan kong kunan iyan.’

A: Nakalagay ‘dun sa article, ‘the flames were fuming inside’…

G: Tsaka mainit iyan… one thousand degrees centigrade… kung inabutan kami niyan patay na kami.

V: Was that zoomed in or no?

G: No…

A: Naabutan…

G: You won’t believe ah… nung nakunan ko ‘yan… nung sumabog siya… *end of part 1* [before the 2nd tape is set, Mr. Garcia shares about the controversial photo he took of Cory Aquino eating with soldiers --- apparently the front page photo wasn’t his call] Oral History of Alberto P. Garcia (Part 2)

G: Timing… minsan timing… will serve as footage. Sa tiyempuhan… Look, gusto ko to kasi parang pinapalo nung mga ano… Philippines yan eh…

A: Talaga… (mumbles incoherently)

G: So ako ang ginagawa ko pag may nabigay na akong shoot na maganda… kumbaga kampante na ako doon sa shoot ko. Mag-eexperiment… Like yan, may mga ganyan na ako.. Mag-eexperiment na ako ng iba.. Para to make, to show something different. Hindi yung puro nalang ganon.. puro nalang ano.. Ako kasi pag lahat ng photographer nandyan, hindi mo na ako mapapapwesto diyan…

A: Sa iba hahanap..

G: Sa iba ako hahanap.. kasi pag diyan ako pare-pareho rin ang … namin. So I always make it a point na hangga’t maari, kung pwedeng iba, ibang anggulo, ibang aspect ibang approach, ibang approach.. so pag nakita mo nang nagawa na, wag mo nang gayahin.

V: yes.. yes..

A: eh sir, diba, ano.. parang.. never naman kayo naging under ng.. kumbaga correspondent kayo pero never kayo parang naging under ng other editors?

V: yeah.. you’re always like on top…

A: Parang diba chief editor na kayo doon tapos dito, senior…

A: so parang paano yun.. diba parang medyo may conflict halimbawa sa pagtingin ng litrato.tapos ayaw nung…

G: Ayaw nung editor.. I always do my best everytime na magshoo-shoot ako.. kasi inaalagaan mo na yung pangalan mo.. kasi pag kumuha ka ng pangit, wag mo pakopyahan… kahit dapat say niya say niyo rin … pag may ginawa ka dapat gawin mo nang maayos.. kasi tinatandaan ng tao yun.. kahit sino tinatandaan yun.. pag may ginawa kang.. sinabi mo, pwede na yan di ka nagbigay ng talagang effort..

V: all out…?

G: all out ano mo.. di mo binigay yung best mo.. Lalo na sa mga ganitong, ganitong klaseng trabaho.. A and

V: (hushed tones)

A: so paano yun, may narasan ba kayo ganun, sa pagbigay niyo dun sa editor…

G: so far, dito, hindi.. wala pa.. at tsaka nakakatuwa dito kasi nararamdaman ko yung respeto nila sa photographer… kami pag nag layout, bago mag layout ang page one kailangan may litrato muna..

A: ah ganun.. yung mga litrato..

G: yung mga litrato.. unlike sa ibang dyaryo gagawin na agad yung layout ano.. gagawin na yung layout.. halimbawa ang layout nila yung litratong…patayo eh ang magandang litrato pahalang so ang gagawin nila tatanggalin nila ito ngayon tapos…nila ngayon.. para lang maaccomodate. Eh ako, ayoko ng ganun

A: talagang litrato…

G: litrato muna

A: tapos bahala na siya isiksik..

G: Tsaka, wag kang magka-cramp ng hindi mo alam.. Ito yung natalo ni ano eh, ni Sanchez eh.. Ito gusto ko sana yung litratong ito, gusto ko sana siya itabi dito kaya lang wala na akong ispasyo

A: Ah yan yung natalo…

V: Aaahhh…

G: Yung natalo niya..

V: That’s nice..

G: Ito yung nanalo…

A: Magfa-front page po ba yan hindi?

G: Gagawin to namin sa ano, maglalabas kami ng parang

V: Sea Games special…?

G:..Sea Games special . Ayan gusto ko sana gamitin pero wala na kaming space eh.

V: Sir I have a question, so like.. you wanted, you were into photography diba.. pero did you ever… want to be talaga like a photojournalist or whatever lang came?

G: Yung tinatarget talaga National Geographic.. gusto kong maging…

A: hanggang ngayon..

G: oo… tsaka Pulitzer gusto ko yun.. nung nagi-istart ako sabi ko noon.. sabi ko, mapublish lang yung litrato ko sa times at sa newsweek masaya na.. ano na ako noon.. kumbaga…

A: sold na!

G: sold na ako noon..

V: it’s happened na eh..

G: After nung lumalabas na ako sa newspaper at nahang-over na ako.. National Geographic naman... so medyo mabait sa akin si Lord..

V: Pulitzer naman..

G: Ay ito pala yung sa World Quest.. Ito yung una.. dito siyang unang nanalo..

V: ah there!

G: Yeah, sa Amsterdam.. so yun noh, pag may meron nang ako…kumbaga safe na ako.. may litrato na ako, meron na akong pwedeng pamalit, yan! Mag-eexperiment na ako nang sa akin.. Yung gusto kong itatanungin ko naman..

V: So… what…?

G: [shows recent Seagames pictures] So ilan yan… mga pito.. so yun…Shift nalang ng medyo dull… Experiment na.. Kahit sa conventional ko lang na…

V: (mumbles)…yung parang solid yung isa tapos blur yung isa..

G: Mas maganda ito kung may flash.. Kasi yung cara may siya special feature na ganun.. Buka yung diaphragm ng ganyan, tsssss….. pagdating sa dulo yung flash…plok!

A: puputok siya...

V: aaaahhhh….

G: Paggalaw mo ng ganyan, pagdating sa dulo if-freeze yung, sharp yung ano, sharp yung mukha mo pero may movement..ganda noon! Marami na kaming lumabas na ganong litrato rito eh..

A: next term pa po kami photography eh…

G: (mumbles) Mahirap tiyempuhan na ganon.. Nakakatuwa.. Ang tagal.. Ang tagal kong tinyempuhan yun.. Siguro, almost the whole…

A: Nag-aabang lang ng litrato..

V: So sir, do you always…. in your car? Do you always go around with a camera?

G: Ah yeah! I always carry my.. kahit yung point and shoot lang.. Kung madilim kailangan mo ng malakas na lens... Yung editor namin nakatanggap ng tawag, nakatanggap siya ng text.. Yung nagpadala sa kanya.. Sa editor and publisher, somebody texted him.. A/

V: (reading text message in hushed tones --- text message praised the Manila Times’ photos of the Seagames)

V: wooooow!

A: Kaya pala meron sila Sea games special eh… Kailan po lalabas yun..

G: Hindi ko pa alam eh… (mumbles)…nila eh..

V: So are any of your family members like now also now.. just you nalang..? and you don’t want your kids…

G: Yung dalawang anak ko is graduate ng mass comm so tiningnan ko kung may hilig.. eh advertising..

A: aaahhh..

V: and diba you have a son?

G: o..

V: eh what about him?

G: computer lang yun..

V: So wala na.. the line ends there with you na..

G: Buti nalang ganun eh..

A: Sir may question ako, diba nag freelancing kayo 86’ to 99’ before..

V: 86’ to 99’? that’s long ha…

A: yeah… free lancing siya.. diba Bulletin tapos Tempo tapos here na.. dito na

V: tapos here na..

G: basta nung nawala 86’ to 99’ malakas loob ko kasi alam ko na meron ako mga dito alam ko kumikita siya eh.. may naipon ako konti tapos bili ako ng gamit.. kaya malakas ang loob ko.. makakapagphotographer ako kasi meron akong pambili ng gamit.. meron gamit na bago.. tapos yun..

A: ano ba tawag diyan? Royalties ba yun?

G: oo royalty..

V: Where have you worked the longest? Here?

G: No… sa… Tempo.. 10 years ako doon.. Ngayon pang limang taon ko lang dito..

V: really…

G: Nag change na ng staff.. ng may-ari yung kompaniyang ito.. tapos everybody, pag takot papasok matatanggal.. ako I’m still lucky, kasi ako tatlong balik na nandito pa ako

A: Question, diba Tempo ten years kayo doon, diba Martial Law Period yun..

G: Hindi..uh… 73 yung Martial Law..

A: So wala, wala walang effect yung..

G: Ah yung time ng ano, yung nasa Bulletin ako noon.. tumawag sa akin Newsweek.. (mumbles --- talks about a photo he took of an armed man)

A: na publish po ba?

G: napublish yun.. nakalagay doon sa caption, Streets of Manila.. so parang ang dating gamito kagulo ang manila.. nagsasaksakan.. naghahabol ng baril.. Tumawag sa akin yung editor.. Sabi niya sa akin, mag lie low ka muna hinuhunting ka ng Malacanang.. Kasi ako yung masipag mag cover ng rally.. mga strike.. nagiging kaibagan ko yung mga striker..

A: sa Mendiola..

G: Hindi lang Mendiola.. all over the..ano..Manila! (mumbles).. tapos may rally, tapos may breaking… mahilig ako mag cover ng ganon.. kaya lang, nag…nagpublish.. so nakita ni Marcos yun… nakita niya pangalan ko.. eh di nag lie low ako.. (mumbles)

A: Besides yung Marcos…(mumbles) ano pang other political incidents na…

G: ah.. kuwan.. yung ISAF noong araw.. may ni-raid na NPA na agency…tapos yung..

V: weren’t you scared?

G: tapos yung.. yung.. ISAF… di ko alam yung mga ISAF akala kung sino ako.. hinuhunting nila ako… (mumbles)…hinihingi yung mga pelikula sa akin.. I have to call the attention of my editor.. So pinakilala ako dun sa..

A: talaga…

G: sa kay General Bert..

A: aaahhh…

G: kasi ang akala sa akin NPA ako eh.. akala leftist ako.. so.. and then yung isa yung kay Balweg..

A: sino yun..?

G: si Commander Balweg… Father Balweg.. hindi niyo matandaan si Father Balweg

A: ano pong issue?

G: NPA to na pari na naging commander ng NPA sa Cordillera

A: ahhh oo… oo… [phone conversation of Mr. Garcia]

G: Eh yun si Balweg, (mumbles) siya eh.. nung time ni Marcos… naglabas ng storya yung military na Balweg was into hiding.. sinabi may sakit, nasa kweba.. kung saan saan kweba lang siya.. see he’s very active in the Cordillera mountain, lalo na pagdating sa… (mumbles) Gusto ko ipakita, totoo ba, kung tama.. kung tama ba ang military informant.. nagtatanong ako.. Noong high school days ko kasi mayroon ako koleksyon sa mga leftist na estudyante..

A: ah talaga…

G: naghanap ako ng koneksyon.. tapos sulat.. na informing them na interesado ako makipag... kahit saan… ito yung address ko.. ito yung, ito yung bio data ko.. binigay ko.. to convince. Sumagot.. Yung feedback sakin.. Ready ka bang pumuntang Baguio.. somebody will pick you up in Baguio.. check in ka sa ganitong hotel tapos hintay ka lang doon..

V: that’s scary…

G: so punta ako Baguio.. tapos from Baguio I was asked na punta sa Sagada.. punta akong Sagada mayroong binigay sakin hotel.. stay ako doon for two days.. yung third night ko, noong one in the evening, one in the morning.. may kumatok doon sa kwarto.. sa tinitirahan ko.. parang residential siya eh.. hindi naman siya hotel eh.. tinanong kung ako si Albert.. kung pwede ako sumama.. makikipagkita sa doon isang gustong interesadong taong puntahan.. so hindi ko na tinanong kung sino ba.. sakay kami ng tricycle.. yan.. tapos punta kami sa isang bahay.. nag-stay kami doon.. six o’clock in the morning, dumating si Balweg.. dumating.. (mumbles) sinabi niya may sakit ba ako.. ang lakas lakas ko.. so gawa ako interview sarili ko.. wala akong ideya, kung ano itatanong kasi photographer lang ako.. eh di ako pwede magsama ng writer.. so nag-isip lang ako.. binasa ko yung mga, yung mga past issues niya ng nakaraan.. kinunan ko siya nagsasalita, naglilinis ng baril, yung mga ganon… noong bumalik ako Manila, binigay ko yung mga litrato.. sabi nung editor, wala ka na bang ibang makita.. and to me, maganda na yon.. yon ang gusto namin gamitin.. so ginamit niya ang litrato nakaganon sa akin si Balweg [nakaakbay] hawak hawak yung armas, yung baby armalite niya kasi gusto kong magkaroon ng souvenir photo.. kasi para sa akin, souvenir lang… not for publication.. so nagpakuha ako isa lang o dalawa.. nakaakbay sa akin si Balweg.. hawak hawak ko yung baby armalite niya.. akalain mo yun ang gamitin.. so ngayon hinunting ako ng military.. imagine yung editor ko mismo nagsabi sa akin.. uuhh… interesado yung military sa akin.. yung lugar.. at bibigyan ako ng reward..

A: payola..?

G: hindi.. hindi payola.. (mumbles)

A: pabuya na…

G: oo… naisip ko kawawa naman yung contact ko, maiipit.. pati ako, pati pamilya ko.. kawawa naman kung balikan… pero hindi ko sinabi.. ang kwen.. ang ikinuwento ko tinakpan yung mata ko.. tinakpan yung mata ko..

V: blindfolded..

G: blindfolded ako noong pinuntahan namin yung lugar..

A: pero hindi ka marunong.. di sigurado..

G: Hindi rin ako sigurado although alam ko yung lugar.. pero, bakit ko sasabihin.. during the interview meron pang chopper na umiikot ganon..

A: talaga? Chopper niya?

G: chopper ng military.. kinasa yung pusil.. kasaan ng ganun.. takbuhan eh…

A: sabay sabay..

V: this is it nanaman..

G: sabi ko eto na, aksyonan toh..

A: o.. pangalawa… una, pangalawa… yun pala yung una..

G: ito o.. yung paborito kong litrato.. [shows Seagames pictures again]

A: Pilipinas ba yan?

G: o… so sa edting mamimili ka rin eh.. so mayroon kang makikitang mas outstanding

V: look, that’s nice o.. yung blurred background..

G: kung, kung papipiliin mo ako sa dalawang ito, ito yung pipiliin ko.. so yun yung ano, yung pinaka point ng editing.. ito.. yan.. maganda na ba yan..

V: dark siya..

G: hindi, hindi yun.. hindi yung dark siya.. tingnan mo yung expression ng mukha.. o iba siya.. tingnan mo yung ano niya.. look at his, eyes niya.. tingnan mo yun.. tingnan mo yung buka ng bibig at dila, diba.. yung mata lang.. malaking impact..

V: so sir since we’re on the topic of like “scary” things, did you ever encounter the Abu Sayaff?

G: I was in ano.. Jolo.. I was with Commander Robot.. I was with Commander Robot.. ooo…

V: as in picture…

G: yeah… noong ano, noong kasagsagan ng ano, noong kasagsagan ng.. sa Jolo.. takbuhan kami.. andun tumakbo.. sa Basilan.. kung alam na namin yung lugar.. so may nag, so may ilas na pinadala si Commander Robot.. anim, apat na kami na photographer na local.. ako lang ang local pero nagshoo-shoot parin ako sa kasama ng tatlong whites.. apat kami.. so hindi pwede lahat sumama.. kailangan palabunutan..hindi rin pwede ako nalang.. hindi rin pwede ikaw nalang.. so para patas dahil isa lang pwede bunutan tayo.. talagang gustong gusto ko pero hindi ako nabunot.. so in the following day, yun nakasama ako.. pero si commander kasi, paganun-ganon eh.. Jolo, Basilan.. doon sa Basilan, doon ako kinabahan kasi nahiwalay ako doon sa isang cameraman, Channel 4.. ang ginawa ko nakisakay ako sa isang sasakyan.. napunta ako doon sa mismong… nandoon yung kuta ni Commander (mumbled name)... dito sa baba yung checkpoint.. (mumbles) so I pretended na familiar na ako doon sa lugar.. tapos may mga lumalapit sa akin na Abu Sayaff.. hanggang sa nagkita kami ng mga kasama ko.. exciting kaya lang.. (mumbles)..

A: eh sir.. GMA government.. wala? Besides yung..

G: nabo-bore ako pag ganun..

V: yeah like the EDSA, did you ever cover it?

G: yeah…

V: both?

G: the whole EDSA..

V: 1… 2…

G: 1, 2, 3..

A: wooow…

V: Even Erap’s?

G: oo… hilig ko yun, si Erap.. pagdumating kay GMA..

A: nag-aabang na ng ano..

V: nag-aabang… (pause) so sir aside from that do you have any other favorite picture?

G: yung amok, yung amok…

A: (mumbles)

G: wala nasa bahay yun..

V: ah, for your eyes only..

G: uhhmmm… amok, ano yun eh.. uhmmm… yun yung nakakatakot.. kasi hinabol niya ako.. tapos nung kinuha niya yung baril…talaga gusto kong balikan.. (shows another recent picture) Sea Games toh o.. Yung referee.. Akala mo siya yung (mumbled laughter).. Inaawat niya, nadulas siya.. Mas maganda nga sana kung kita yung mukha..

V: sir are your ano, editors strict when it comes to like deadlines?

G: ah oo..

V: very?

G: very strict…

V: what’s your deadline?

G: 7:30 yung deadline namin... so walang kwenta yung litrato kung hindi umabot sa deadline..

V: are you guys using digital photography na here?

G: lahat.. lahat na…

V: all digital..

G: lahat yan digital..

V: di na kailangan ng mga darkroom..

G: nakakatuwa nga ngayon eh.. nakakatuwa na yung technology eh.. dati, dati.. papadala mo yung pelikula sa manila eh.. pag magshoot ka sa probinsya, alamin mo yung flight pabalik ng Manila..

V: right away..

G: or bus.. or bus.. so nung nauso yung internet.. iiscan mo yung pelikula mo..

V: and then..

G: and then i-email mo..

A: email lang si kuya minsan eh..

G: tapos na uso yung digital.. tapos ngayon may WiRom na.. yung wireless.. yung signal lang ng Smart makakapagpadala ka ng litrato mo.. grabe… nasa kotse ka nagta-type ka, nag-eemail ka.. galing, ang galing.. tsaka ngayon right there and then pwede ka mag edit.. ganda.. pagnagshoo-shoot kami ng isports, makikita mo pagbreak makikita mo yung mga … burahan ng burahan..buburahin yung mga pangit.. para to save memory.. iwan mo na yung maganda.. pwede rin gamitin.. (mumbles).. nakakatuwa eh.. Thank You, sir for your time.



Garcia was born on Feb. 3, 1956 in Quezon City. He studied journalism at the Lyceum of the Philippines.