Manolo Iñigo: Philippine Journalism Oral History
Subject: Manolo Iñigo
Date of Interview: November 30, 2000
Interviewers: Jerome A. Chua

CHUA. Sir, paki-state po yung full name at yung present employment niyo.
INIGO. Ang pangalan ko ay Manolo Inigo and at present sports columnist ako ng Philippine Daily Inquirer.

Q. So bale, simulan po natin kung paano po kayo nagsimula as a journalist.
A. I started as a proofreader in late 1960. Proofreader ako sa Evening News noon and then after 3 months, nag-cub reporter ako sa sports. And then after another 6 months naging full-pledged sports writer ako ng Evening News. And then after a year, yung aking sports editor, the late Ernie Quitos, napromote. Ako yung naging acting sports editor ng Evening News, 1966 something or 1965. Hindi ko ma-recall yung the right year. Anyway, after that, nag-undergo ako ng trial kung kaya ko nang mag-sports editor. Then after 6 months naging regular sports editor na ako.

Q. Sir, paki-describe po yung environment niyo po noon sa diyaryo niyo.
A. Noon, ang Evening News noong araw ang may-ari si Elizalde, the late Don Manalo Elizalde. Ang aming big boss noon ang swimmer ng Olympics, si Freddie Elizalde na big boss din ng ABC, DZRH, at saka ng Channel 11 dati. Si Freddie Elizalde na swimmer, na kung hindi ako nagkakamali, ang forte niya ay butterfly…butterfly ang kanyang forte noon. Siya ang boss namin noon. Ang isang kasama ko pa doon was the late Louie Beltran, na siya namang kumuha sa akin sa Inquirer when it was organized before the EDSA Revolution.

Q. Paano po yung itsura ng mga journalists noong araw? Yung mga ginagawa nila.
A. Noong araw, mangyari…yung comparison ng dati at ngayon?

Q. Opo
A. Noong araw, mangyari, kami as sports writers, nagtiyatiyaga kami sa football for example. From the first game to the last game nandoon kami. Mangyari ngayon, uso na ang press release eh. Noong araw, walang press release. You have to cover the event pwera na lang basketball. Walang press release yan! You have to be there and see and watch the game for yourself. Yung football eh…we’re going there. Hindi naman sa minamasama ko yung press release. Pero hindi na kinukuha yung istorya. Iyan ang nangyayari ngayon. Ready-made na ang storya. Eh, nung araw you have to be there, to be personally present so you can get the feel of the event. And then you have to study the rules before you get there.

Q. So bale, paki-describe po iyung nangyayari po kunyari po magco-cover po kayo ng isang event.
A. Noong araw, mangyari, hindi pa masyadong sikat ang motor sports. There was a time may drag racing. Kumo-cover ako on my own dahil hilig ko noong araw ang motor sports, although hindi ako marunong magmaneho. But some of my friends, who eventually became my kumpadres, were noted drivers. One of them was the late Dodie Laurel, yung ating Macau Grand Prix hero natin noon. He became the two-time winner sa Macau Grand Prix. Unfortunatley, he died while seeking a third title. Ako ang pumupunta sa Pasig, as Ortigas, in front of Meralco, puro talahib pero meron ng kalye. Ang drag racing, quarter mile iyan eh. Hindi pa masyadong matao eh. Dahil late 60’s hindi pa matao. Nagdra-drag race pa ang CAM Racers Association. Every weekend nandoon iyan, ako ang nagco-cover. Natutuwa naman sila, because unlike basketball, na talagang araw-araw napa-publish. NCAA, UAAP, MICAA and then itong PBA later na lang eh. Itong drag racing like other motorsports like karting, hindi nabibigyan ng space. Ako lang ang matiyaga na nagco-cover. In short, nakuha sa tiyaga eh. At ako naman hindi nagsisisi dahil on my own, in my little contributions, nabigyan ko ng break ang motor sports. Gaya ni Dodie Laurel, he gave me the privilege to make my first foreign trip. Dinala niya ako sa Macau at nakita ko how he won the Macau Grand Prix. Nung namatay siya wala ko nun dahil may Tour of Luzon. Noong araw kumo-cover kami ng Tour of Luzon, yung cycling marathon. Yung Tour of Luzon noong araw, hindi gaya ngayon na maganda ang daan dahil aspaltado at flat roads. Noong araw, very rough at maalikabok, mabato! Noong araw, to become champion like Subalde, Abaquita, Moring, talagang ano sila, sturdy, matibay ang katawan. Nagkaroon na ng konting improvement at naging high- tech ng sila Cornelio Padilla na ang sumali sa Tour of Luzon at nag-champion twice itong si Cornelio Padilla. At ako, very proud kay Cornelio Padilla dahil among athletes siya ang nag-aral para maging abogado.

Q. Kumusta naman po yung sitwasyon nung mga sports reporters na kagaya niyo? Yung sitwasyon po with regards sa trabaho saka sa paano po yung relasyon nila sa mga editors po nila?
A. Noong araw, maganda naman ang relasyon namin basta masipag ka and you can deliver, maganda. Ako naman, in my case, I always give the breaks to my sports writers, my subordinates. Ngayon, kung nabigyan ko na sila ng break at nawala eventually na ako sa eksena, at sila na ang pumalit sa akin, nasasakanila na yun kung tatanawin nilang utang na loob sa akin yon. Ang sa akin e, nothing to lose ako, everything to gain dahil I have given them the chance at nasasakanila na yun if they want to repay me. Pero sa akin okey lang na nakalimutan na nila yung kabutihang ginawa ko sa kanila basta ako I see to it that they get the chance and the opportunity to make good.

Q. Kumusta naman po yung salary niyo nung nag-start kayo?
A. Napakaliit compared sa ngayon. Noong araw you may not believe it as a proofreader, minimum wage lang ang natatanggap ko. Kundi ako nagkakamali, dalawang piso lang. Pero mura lang ang pamilihin noon. Yung Coca-Cola kung hindi ako nagkakamali dyis lang ang isa. Ang pamasahe sa jeep, dyis din. Ang hamburger, hotdog sandwich bente-singko sentimos. Kaya pag may pisong baon ka a day na siya namang ibinibigay ng aking mother na nagtiyatiyaga pa sa akin today, piso lang. Nagco-commute ako from Bulacan to my school sa FEU sa Morayta, piso lang makakaraos ka na noon. Noon naman on my part, para ako makatipid, nag-house boy ako sa Quezon City, sa Heroes Hill. Mangyari, may restaurant ang mother ko sa MacArthur Highway, e nakilala niya yung Amerikano sa Clark Field, na pag weekend e umuuwi ng Manila sa Quezon City sa Jusmag compound. Nalaman nilang sa FEU ako nag-aaral, sinabi sa ‘kin at sa mother ko na ako na lang ang tumao sa bahay habang nasa Clark Field siya. So in order to economize, ako naman e, masipag mag-aral, tinanggap ko nang maging houseboy of sorts sa Amerikanong nasa Clark Field. At ako, nagtitinda ako sa MacArthur habang ginagawa yang highway ng puto’t kutsinta. Nagtitinda ako. Hindi naman sa pagmamayabang pero kahit bumabaha, o masama ang panahon o walang masakyan, I see to it na pumapasok ako at hindi ako naglalakwatsa.

Q. After your college days po, diretso na po ba kayong naging journalist?
A. Nagtanan ako. Anyway, pumunta ako noon sa Evening News. Ang Editor-in-chief noon professor ko sa FEU eh, so nag-apply ako.

Q. Sino po?
A. Si Artemio Patacsil na naging professor ko sa ng journalism subject. Ang mga professor ko sa FEU sina the late Leon Roque, sina Antonio Orendei, Artemio Patacsil. Nag-apply ako, sinabi niya sa akin “Why did you come here to apply”? Sabi ko “Sir I got married eh”. “That’s not what I taught you in school a”! “Sir nandyan na yan, bigyan ninyo na lang ako ng chance kahit papano”. So the following day, nag-start na ko as proofreader.

Q. After po noon, ano naman po yung naging position niyo as proofreader?
A. Then as I said earlier after three or four months, na-upgrade ako, naging cub reporter ako sa sports. For two to three weeks naging police reporter pa ko. Because my heart and my love is sports, nag-sports writer ako at nag-training sa sports editor ng Evening News na si Ernie Bitong..

Q. Simula pa lang po nung cub reporter kayo, ano po usually yung kino-cover ninyong sports?
A. Most of the time football, then of course basketball, yung NCAA, UAAP, then eventually MICAA, and then boxing, ‘yan ang hilig ko. Naging international judge ako at hindi naman sa pagmamalaki eh napasama ako kay the late Jun Montano at si Rudy Salud dahil sila eh Chairman at Secretary-General ng Games and Amusement Board o GAB. Si Jun Montano kumpare ko ‘yan, talaga ‘yan eh boxing man. Mangyari isang boksingero at nag-popromote ng boxing, siya ang naging presidente ng Oriental Boxing Federation. And when he attended one of the conventions sa abroad, sa America, he realized na dapat maging presidente ng WBC, World Boxing Council should be from Asia. So we campaigned, sinama niya ko. The only sports writer na sinama niya sa kampanya sa America, sa Mexico, sa New York, sa Honolulu including all boxing capitals in Asia like Tokyo and Bangkok.

Q. Nung hinawakan niyo po yung posisyon na iyon, tuloy pa rin po ba yung pag-sosports writer niyo?
A. Actually, ganito ang ginawa ko eh, habang nasa abroad ako I filed my reports sa Evening News. Ina-update ko yung mga kababayan natin.

Q. Ahh ganoon po ba. So ano naman po yung pagkakaiba nung cub reporter pa kayo nung naging sports editor na po kayo?
A. Eh siyempre, malaki ang pagkakaiba dahil nung sports writer eh I only cover a particular event like baseball for example or football for example. Pero nung sports editor na ko, I have to handle everything. Boxing, basketball, football, baseball, even swimming, softball, sa akin dumadaan lahat. Inaasign ko lahat, unfortunately ang sickness natin dito understaffed ang sports. Kung hindi kulang sa pahina kulang sa tao. At mababa pa ang suweldo, ‘yun ang masama.

Q. Gaano po kababa yung average na suweldo?
A. Ngayon naman in fairness to the Inquirer, ang Inquirer naman ang may pinakamataas magbigay ng suweldo among the newspapers.

Q. So gaano naman po kayo katagal naging sports editor doon sa Evening News?
A. Sa Evening News, I became sports editor in the year 1966 until Martial Law, 1972. So that was a period of six years, from 1966 up to 1972. And then I became sports editor of the Evening Post after Martial Law na ‘yon, 1985 hanggang 1986 bago mag-EDSA. And then nag-sports editor ako ng Inquirer, 1986 up to1997.

Q. Ano naman po yung nangyari sa inyo during Martial Law? Nahinto po ba yung sports writing n’yo?
A. Siyempre na displaced. Galing nga ako sa China para sa "Ping-pong" diplomacy. Pagbalik ko kasama ang ilang players , dito kami sa Bulacan nag-gogood time. Pag-uwi nila, madaling araw Martial Law na pala. Ako naman, galing akong China siyempre yung mga dala kong mga Red Book, yung aking mga Mao-Tze Tung Coat, yung aking mga memorabilia galing sa China, pati mga retrato ko sa sports. During that time nakikita ko ng may potential ang China eh, sa sports. Napakagaling ng mga bata. Bata pa lang tine-training na. Although, compared sa Amerika, ang training facilities nila masyadong primitive. But with their dedication, perseverance at disiplina, talagang may ibubuga. Nakita ko yung mga bata lang sa gymnastics at table tennis at basketball at swimming talagang may ibubuga. Diving lalu na.

Q. So bali po nung Martial Law medyo nahinto po yung…
A. Natigil dahil nasarado yung old newspapers. Nung Martial Law naman nagtayo kami ng weekly, Sports News. So we have to get permission from the authorities in Malacanan, I mean Camp Crame. Dahil during Martial Law, hindi ka makakapaglabas ng dyaryo kung hindi ka kukuha ng permit.

Q. Ano po ito magazine?
A. Weekly magazine, Sports News ang tawag namin diyan. Ako ang editor-in-chief during Martial Law. Ang isang top newsman roon si Willie Hernandez, dating kasama ko sa Evening News at dating personal secretary ni Don Manolo Elizalde sa Elizalde & Company, ECom. So kumuha kami ng permit sa Crame dahil Martial Law. Nabigyan naman kami ng permit, tuloy-tuloy na. That was between 1972 to 1973, isang taon akong editor-in-chief. Then lumipat ako sa Graphic Publications sa Quezon City, sa Murphy and then another year itinayo yung Evening Post nila the late Juan Tuvera at yung asawa niya, isa sa ating magagaling na writer na si Kerima Polotan-Tuvera. They gave me the break, they took me in as sports editor sa Evening Post. Natutuwa ako kasi I learned a lot from the late Juan Tuvera and of course from Kerima Polotan, who is one of the best writers in the country. Marami akong natutunan sa kanya and I am proud na sabihin sa inyo na she helped me a lot in instilling to me the value of integrity, credibility and accuracy.

Q. So nung sports editor na po kayo, ano naman po yung training ninyo po para sa inyong mga subordinates?
A. Ang ginagawa ko, I’m very firm but fair. I treat them like my younger brothers or younger sons. And as I said earlier, binigyan ko sila ng breaks. Actually, may imbitasyon ako, hindi ko tinatanggap eh, para they can experience the thrill of covering an event abroad. Hindi ako katulad ng ibang editors na ang gusto sila nang sila ang.. ako hindi. On the contrary, I gave all my subordinates the chance to travel abroad. Even though they gave me the invitation personally, ipinapasa ko sa kanila.

Q. So during Martial Law, sa Sports News, sino po yung mga kasama ninyong nagtayo nun?
A. Ang aming publisher noon si Marcelino Dizon. Kasama rin namin diyan sina the late Sim Soto, Larry Galvez, si Perfecto Monois. Ang mga contributors ko noon sina Simplicio Simon, si Rudy Navarro, Willie Hernandez who helped me a lot in running the Sports News. J:So nung nasa Evening Post naman po kayo, gaano po kayo katagal doon?
A. Sa Evening Post, siguro 5 to 6 years din ako.

Q. 5 to 6 years po?
A. After that lumipat ako sa Inquirer from 86 to 97. 11 years ako dun sa Inquirer more or less.

Q. Bali bago po naging Inquirer nag-Evening Post…
A. Evening News, Sports News, tapos Evening Post and then Inquirer.

Q. So sir, paano po yung proseso po nung transfer ninyo to the present Inquirer?
A. Eh, actually during Martial Law noong akong nilapitan ako ni Marcelino Dizon para mag-organize ng Sports News. The same as I said earlier sa Evening News, nag-apply ako as proofreader sa propesor hanggang sa ma-promote ako. Noong during Martial Law nang nilapitan ako ni Marcelino Dizon para itayo at kumuha ng tao para sa Sports News. Noong nakuha ko yung mga tao, siyempre walang trabaho, Martial Law mangyari, nakuha sila. Sa pamamagitan ko naman, na-organize namin ‘yan. Doon sa Evening Post naman, tinawagan naman ako ni Minister Tuvera. Inaalok ako, ino-offer akong maging sports editor. So I accepted the offer dahil noong una nag-resign na ko, nalaman nilang wala na ko sa Sports News, kinuha ako sa sports, I was offered the position as sports editor sa Evening Post, which I accepted. Sa Inquirer naman, tumawag sa akin si the late Louie Beltran. In-offer sa akin ang position ng sports editor.

Q. Paki kwento naman po yung position ninyo as sports editor in relation doon sa Martial Law.
A. Alam mo noong Martial Law talagang mahigpit eh. In a way blessing in disguise yun eh. I will cite a very specific example. Noong araw as sports news editor ako, naglalabas kami ng mga basketball dahil ‘yun ang hilig ng mga Pilipino, basketball. So among the teams,alam niyo naman noon, Crispa-Toyota ang naglalabanan eh. Si Dante Silverio coach ng Toyota. Eh si Dante eh palibhasa ika nga eh “up-to-date”, modern, mahaba buhok. Noong nilagay namin yung picture niya noong nag-cocoach siya, mahaba ang buhok. ‘Yun ang style eh. Tinawag kami sa Crame. As editor at yung columnist ko si Willie Hernandez, we went to Crame. Sinabi na bawal ang mag-publish ng mahaba buhok bawal. Sinabi nung columnist ko “Ba’t si Bongbong Marcos mahaba ang buhok hindi pinagbabawal”? In short naramdaman nila na mali naman yung policy nila. Although in a sense, tama rin eh dahil ika nga eh hindi naman tayo dapat pangit ang dating eh. Kung mahaba ang buhok mong regular eh ok lang ‘yon. Gusto lang naman siguro ng military na madisiplina ang mga Pilipino na in a way blessing din yun eh. Compared to the Martial Law years at ngayon, para sa akin mas malala pa ngayon eh at hindi Martial Law. Biro mo ngayon ang daming daylight robbery, nung Martial Law wala ‘yan. Ngayon ang daming daylight hold-up, nung Martial Law wala ‘yan. Ngayon openang pagda-drugs sa kabataan at matatanda, sobra-sobra, nung Martial Law wala ‘yan. Sinampolansila noon eh, ‘yung isang drug lord or whatever, public execution ang inabot. Ngayon malala ang drug addiction, sobra! Kaya ako dito sa Bulacan, lalong-lalo na sa Marilao na bayan ko, once ayear or throughout the year mayroon kaming campaign against drugs. Ayaw talaga namin sa drugs at once a year mayroon kaming week-long training dito sa Constantino Gym namin na basketball clinic for the youth, 7 up to 16 years old. Na ang huling tapos namin basketball para mawala yung kanilang bisyo na mag-drugs o na magbisyo. That is during the summer months kapag bakasyon sila. Para during vacation mayroon silang ginagawa.

Q. Sir noon time ninyo po as sports editor po sa Evening Post o\po, ano po usually yung mga patok sa mga readers niyo?
A. Sa survey namin, patok sa mga readers, number one ang basketball. And then dahil nung mga panahon na ‘yan nandiyan sina Flash Elorde, Rene Barrientos, sina Bernabe Villacapuz, sina EubitoColauauvia, Pedro Adique, siyempre boxing ang pumapangalawa. Pero ‘pag laban ni Elorde, sold-out ang tickets, sarado na ang gate at ang boxing is in its Golden Era during the 60’s and the 70’s. Eh nung 1975 Martial Law na, yung “Thrilla in Manila” dito ginawa. One of the best and most memorable fights in boxing history. ‘Yung Muhammad Ali against Smokin’ Joe Frazier dito ginawa sa Araneta Coliseum ginawa ang pangalan Philippine Coliseum or whatever. Dahil Martial Law, wala kang magagawa.

Q. So paki kwento naman po ‘yung beginnings niyo po as sports editor nung nasa Inquirer na po kayo.
A. Sa Inquirernaman, of course, under man ako. Small beginnings, pero eventually naman nasusunod ‘yung aking gusto within reasons.

Q. Ilan po yung mga reporters niyo po?
A. I started at least mga tatlong reporters.

Q. Tatlo lang po yung for sports?
A. Isang cub reporter, at yung dalawa full-pledged reporter so tatlo plus ako,apat which is fair enough. Then dumating si Al Mendoza na siyang ngayong sports editor ngayon. Malaking bagay din siyang tumutulong sa akin at ang coverage ay nag-expand. So in a way, maganda na ring ang nangyari dahil little by little nagkakaroon kami ng added man power at ang aming coverage ay mas nagiging comprehensive at expanded. In the case of Al Mendoza, siya ang kumo-cover ng golf. In my case, ako naman ang kumo-cover ng boxing at motor racing. In the case of other reporters, like swimming, other collegiate events, mga Palarong Pambansa. Si Chito de la Vega kumo-cover ng Marlboro Tour. Si Roy Luatan kumo-cover ng chess events. Si Mark Anthony Reyes kumo-cover ng Philippine Olympic Committee at saka ngayon kumo-cover na rin siya ng PBA. In short eh, all- around, well-rounded ang scope ng aming sports coverage.

Q. Ano naman po ‘yung mga experiences ninyo noong sports editor pa kayo ng Inquirer?
A. I enjoyed my stint sa Inquirer as a sports editor. One of my best years, one of my most memorable experience nung sports editor ako ng Inquirer which I cannot forget.

Q. Paano ninyo naman po nasabing most memorable?
A. Mangyari eh, dito sa Inquirer, I had the feeling na ‘yung prinsipyo ko na to fight for the cause, na tama eh they give me the leeway. Basta’t it is fair to everybody, you can hit, you can criticize basta hindi libelous at basta’t hindi kasinungalingan. Kung mapapansin niyo, ang aming logo “ Fearless views, ____news” yun ang sinusunod namin. At saka ‘yung publisher ko si Isagani Yambot ang gusto accuracy, accuracy, accuracy. ‘Yun ang sinusunod namin.

Q. Kumusta naman po ‘yung relasyon niyo with your publisher and with the…?
A. Lahat sila maganda ang relasyon. Ok naman, no problem about that.

Q. So hanggang kailan po kayo naging sports editor ng Inquirer?
A. Overall eh from Evening News, 15 to 18 years.

Q. Sir, sa buong career niyo as sports editor, ano po yung ponaka memorable ninyong sports coverage? International and local.
A. Nandito sa aking ano, my most memorable experience ko noong kumo-cover ako ng Ping Pong Diplomacy sa China. I was a member of the Ping Pong team, Philippine Delegation to China, before Martial Law. Martial Law of 1972. We went to China as part of the Ping Pong Diplomacy concept. 1972 may Munich Olympics. I was made to choose with the Munich Olympics and the table tennis coverage. So naisip ko, the Olympics will always be ther, once every four years. Pero this one is a breakthrough kasi wla pang Filipino sports writer na nakakapunta sa China since 1949. And this is historical as far as I am concerned. So I opted, I chose to be the lone Filipino sports writer to go to China that covered the Chinese Table Tennis International Tournament. 86 countries ang dumating doon. Kasabay ng Munich Olympics. Ako lang ang Filipino sports writer na naandon. Ako lang ang Filipino sports wrier since 1949 na nakapasok sa China with the blessings of Malacanan. Mayroon kaming passport na part of the Philippine delegation kahit na wala pa tayong formal diplomatic relation.

Q. Sir nakapag-cover po ba kayo ng Olympics?
A. I was in itong Seoul 1988, Atlanta nito nga lang ‘di ako pumunta sa Sydney.

Q. Nung mga past years po?
A. Asian games akong nagko-cover.

Q. Asian Games po at saka SEA Games?
A. Asian Games, SEA Games ang maganda rito nung 1991 dahil second place tayo nung 1991 overall.

Q. Kumusta naman po pag nasa international scene kayo?
A. Very educational at very informative You meet different kinds of people with different kinds of culture. In short, you engage in different people with different kinds of ideas, different kinds of political inclination, political beliefs and even religion for that matter.

Q. Pag pinapadala po ba kayo, ‘yung expenses niyo po ba sagot ng opisina?
A. Sagot ng opisina.

Q. Paano po pinipili kung sino ang pinapapunta?
A. In the case of sports, may invitation na dumadating sa akin as sports editor. Ngayon, namimili ako kung dapat i-cover o hindi. Ngayong pag nag-iimpbita for international events, as far as I’m concerned dapat yan koverin. Kanya lang ang ginagawa ko, ang pinapadala ko yung mga sports writer kong bata para matikman nila, ma-experience yung international coverage. Pero sa akin naman dahil hilg ko talaga ang boxing, that is in my blood, ako ang kumo-cover ng international boxing at yung Olympics. ‘Yun nga actually, there was a time in one years time, at least once or three times akong naging international judge ng boxing sa labas. Sa Bangkok, sa Seoul Korea, sa Tokyo Japan, sa Mexico, sa Honolulu. Nag international judge ako. And I attended several WBA and WBC conventions abroad.

Q. Sir, para sa inyo naman po, ano po naman po yung pinaka-memorable na kinover niyo sa local scene?
A. Ah dito, siyempre yung “Thrilla in Manila”!

Q. Ahh kayo po yung nag-cover?
A. Nandon ako, and when Elorde won the World Junior Lightweight Championship, March 12, 1960. Nasa Araneta Coliseum, I was there at ringside.

Q. Ano po yung atmosphere po habang nag-cocover kayo?
A. Aba, siyempre medyo kinakabahan! Ibang discription yun e! As a Filipino and as a young sports writer, I was uppose to be neutral, which I did when I was covering the event. Pero deep inside, nananalangin din akong sana manalo si Elorde dahil kababayan natin eh. Natupad naman yung panalangin ko nang ni-knock out niya si Harold Jones.

Q. Para sa inyo po caompared sa local and international, ano po yung mas preferable na i-cover?
A. Alam mo mahirap sabihin kung alin ang mas preferable eh. Actually, some local events are better than international events eh. Kamukha ng “Thrilla in Manila” it was held here. It was the best and classic fights in the history. Dito ginawa ‘yon. Isang boksingero naman, si Elorde, he fought some where in New York, natalo nga lang. I wrote a something about that. Ni-retire namin siya sa GAB, ‘yung life artcle, kinuha ng Life Magazine, na-publish. During the time of Dodie Boy Penalosa, I wrote a story about Dodie Boy because he was the only Filipino boxer with double championships, junior flywieght and flyweight, IBF at saka WBC. I wrote a brief history about Dodie Boy Penalosa and it was published by Ring Magazine.

Q. Ngayon naman po sa Inquirer as sports columnist,ano naman po ‘yung sitwasyon niyo with regards to writing?
A. I was given the freedom to write on any subject anything uder the sun, especially sports. Kaya sports columnist ako, puro topic ko sports, most of the time. Pero walang prohibition. I can write whatever I write. The only right of the editor is to correct my grammar and if it is libelous, they will not use the column.

Q. Nagkaroon na po ba kayo ng case with regards to libel?
A. Actually si Al Mendoza ang nagka-libel case kasama ko. Ako ang sports editor mangyari pero the case was dismissed.

Q. Para sa inyo po, What can you suggest doon po sa mga gustong mag-engage sa writing?
A. Para sa akin it will be very nice for young people to engage in sports writing because it will develop their values eh, and spirit and character. Fairplay, sportsmanhip, and strong personal discipline. Maalis ang bisyo saka they are always aware, physically fit. A sound mind and a sound body.

Q. Sir, para sa inyo ilang years pa yung ititgal ng career niyo as sprots writer?
A. I feel good, as far as I can write, ok lang. Pero hindi rin forever, eh semi-retired na ko, ika nga eh masaya pa rin ako dail binigyan ako ng buhay ng ating Panginoon. Kaya nga ang aking column, Clean Living, like I want to show everybody na nag prinsipyo natin as a person should be there hindi lang sa salita kundi sa gawa. I have stopped smoking. I have stopped drinking and going-out. Since 1990 that is ten years ago.

Q. Sir thank you very much.
A. Thank you rin.



Manolo Iñigo was born on October 27, 1937 in Manila, and studied journalism at the Far Eastern University. He has been a sportswriter since 1960 and, at the time of this interview, was sports columnist at the Philippine Daily Inquirer.