Rudy Liwanag: Philippine Journalism Oral History
Subject: Rudy Liwanag
Date of Interview: December 3, 2000
Interviewers: Kathy Kenny Y. Ngo and Barbra Reyes

NGO & REYES. Could you please state your full name and occupation just for the record.
LIWANAG. Rudy Liwanag, Manila Bulletin

Q. How long have you been in the business, sir?
A. Nandito ako since 1982, hanggang ngayon. Nagsimula ako rito lay-out artist, mga 2 years. After noon nag-aral ako sa TUP, architectural drafting, tapos lumipat ako sa PWU, Fine Arts. Nagsimula ako sa Bulletin 18 years old lang ako. Nag-aaral ako noon nandito ako.

Q. How did you get started sir? Was it by accident, you apply for a job or you were recommended by a friend?
A. Noong araw kasi yung daddy ko nandito pero sa camera stripping. Sa nature ng work ko, lagi akong nasa labas, field work ako, pero siya yung gumagawa noon dito. Mabigat yung trabaho niya nung araw. Nung araw kasihindi pa tayo computerized ditto. Mga negatives, mga positives, mga nag-ooverlAY, mga color separation. Pagkatapos noon nung nawala siya dito, mga ilang taon, nag-apply ako, siyempre nilagay ko na taga-dito dati ang daddy. Natanggap naman ako, working student ako noon.

Q. Ito po yung unang newspaper na napasukan ninyo?
A. Oo, ito yung una at huli.

Q. Hindi po ba photojournalist kayo? Iyong mga events na na-cover niyo nagsimula pa noong Edsa Revolution?
A. Noong 1984, noong malapit na sa Edsa Revolution transition period, para kasi akong reporter noon, noong araw kasi yung training parang cub reporter ka muna, magco-correspondent ka muna bago full-pledge na reporter ka na. Pero sa amin noong araw, pag hindi ka galing sa police beat wala, kailangan mo munang makapasok sa morgue, makakakita ka ng duguan, mga habulan, mga hostage, iyon yung unang training namin noong araw at saka calamities, bago kapag may mga bagong events lahat narating mo na. Tapos mo sa police beat life style naman kasi fine arts naman ako noon, meron din akong konting mata doon, kaya nag-concentrate naman ako sa life style and police beat, napaghahalo ko. Tapos naman noon, noong Revolution na, kasi ako rookie non eh, puro matatanda nandito, medyo may mga edad na, ilan lang yung medyo bata-bata dito, tumatakbo yung matatanda, pero, siyempre kami yung nasa frontline, sila rin nandoon, pero ibig kong sabihin kami yung bagong sibol kaya kailangan tumakbo ka ng tumakbo. After noon nag... siyempre ganun na rin yun eh, parang giyera dating, kasama sa trabaho yun, lahat ng major events na tungkol sa police ibibigay na rin sa iyo. Hindi lang yung Edsa Revolution, noong araw nag-uso din sa headlines, balita tungkol sa NPA, pumapanik din kami doon, madalas na assignment ko iyon noong araw kasi kami ni Nick Sagmit. Madalas lumalabas noon iyan madalas na kasama ng mga NPA noon, kapag wala siya ako, ang assignment ko naman sa Cordillera Region, sa north ako, sa south madalang, pero si Nick all over the Philippines. Iyon kapag may insurgency takbo iyan, ako naman back-up niya, pero ganun na rin iyon. Minsan sama ka naman sa military, mga isang team iyan, walo kayong nakasakay sa helicopter, pang-walo ka na rin tapos ng gunner. Kapag tumalon sila ng 10 feet, kasi hindi sila pwede bumaba doon, talon ka rin, ganun iyon, hanging helicopter. Na-experience ko lahat iyon, meron pang time na minsan Binibining Pilipinas ang kino-cover ko may tumawag na opisyal, biglang takbo nga kami, hating gabi, takbo kami ng airport, naghintay kami hanggang four ng umaga. Lumipad iyong helicopter, iyon pala eradication ng marijuana pupuntahan namin, mga NPA din, wala akong dalang damit, iyon pala pagdating ko 11 days pala ako doon. Pero after 3 days nagulat na lang ako iyong helicopter mayroong initsang bag, nandoon na damit ko. Noong unang tatlong araw pinapahiram lang ako ng mga sundalo ng poncho, yung pang ulan nila, at saka iyong tulugan mo. Ang mahirap yung kinakain nila, ano kinakain ng sundalo, kakain ng delata iyon, kakain ng hinalo-halong gulay lang, parang enselada, iyon ang paborito ng mga sundalo noong araw na nasasamahan ko, may konting suka lang iyon, at pinaghalo-halong gulay, tapos. Kahit na ayoko kinakain ko din, mainit na kanin lang iyon, minsan niluluto pa sa kawayan, ganun. Pagkatapos noon, tapos ng mga insurgencies na ganyan, Revolution na. Siyempre double kami diyan, hindi maiwasan iyan eh, full-force kaming lahat kahit na police beat iyan o hindi, basta photographer ka noong araw kailangan nandoon kayong lahat. Pagtapos noon, nung nag-Cory na, naging back-up naman ako ng Malacanang photographer namin si Resty Samson hanggang sa naging reliever ako. Tapos ako na,nung si Cory na pagtapos ni Mang Resty, naging chief na siya noon, ako yung back-up niya noon kaya ako na napako sa Malacanang. Noong nasa Malacanang na ako, siyempre kapag may assignment sa labas nagkukulang kami, ilan lang naman kami dito, huhugutin ka na naman sa lifestyle, sa police, kaya parang general assignment pa rin ako. Tapos 1989 na, coup attempt noon, medyo madugo-dugo din iyon dahil noong unang gabi pa lang, yung namatay na reporter namin si Angelo Rille, namatay naman iyon sa sakit, tinawagan ako nandoon ako sa karnabal. November iyon, 1989, nandiyan ako sa may karnabal sa may Roxas Boulevard tinawagan ako, rumadyo, "...punta ka rito sa Western..." sabing ganun, "...may nangyayari", o, alam ko na, nakakaamoy na kami noon ng coup. Pagpunta ko doon iyong ibang reporters hindi alam, kasi "iscoopan" noong araw na-iscoop mo sa iyo, kanya-kanyang taguan, 'di kamukha ngayon minsan medyo bigayan na. Hindi kamukha noong araw magagalit sa iyo yung editor, "oh, bakit wala ka nito, bakit wala ka noong istorya, bakit wala kang litrato?" Ganoon pa rin naman ngayon kaya lang hindi na kasing ano... noong araw. Noong araw kasi talagang takbuhin mo ng takbuhin iyon, kailangan ikaw lang ang makakaalam hanggat maari. Pagpunta ko doon sa may Western Police binulungan na ako ni Rille, "Dy, sumabog yung Palace in the Sky", "ganun ba? Umpisa na iyan, halika takbuhin natin." Tinakbo namin, hindi pa alam nung ibang kasama namin, nanonood lang ng TV, doon kami dumaan sa likod malapit sa motorpool. Hanggang sa makarating kami roon sa Palace in the Sky sa Tagaytay, ayaw kaming papasukin, wala lang daw iyon may pumutok lang daw, ayaw pa rin kaming papasukin pero nakakaamoy kami na yun na, umpisa na noon, may pinasabog sila roon sa either Communication, hindi naming alam. Kinabukasan, hindi na ako umuwi, nandito na ako sa opisina, dito na ako lahat, ligo, kain, balik na naman ako sa sasakyan. Kinabukasan naghintay na kami, 'eto na iyong Channel 4, takbo na naman kami ni Rilles. Nang gabi nakita ko noong pagdating namin doon sa may south, dito sa may Fort Bonifacio, lumabas iyong mga bandera, may mga bandera iyong mga sundalo, mga pula pa, yung mga magcoup-coup nga sana. Lumabas na ako, kuha na ako, nagpaalam nga ako doon sa sundalo pero medyo nakasimangot pa, kasi syempre baka masunog, ibig sabihin malalaman kaagad. Pagkuha ko ngayon may bande-bandera sila. Nagpaalam ako sa c.o. nila, tawag agad ako sa radyo, pahihinto ko ang pagtakbo ng dyaryo, noon mapipigil mo pa, medyo mabagal pa ang takbo hindi kamukha ngayon sandali lang dahil bago na ang makina namin dito. Napatigil ko pa 'di nakapag re-matte pa kami noon, na re-matte iyong litrato, kasi black and white pa kami noon, de-develop ka dito, kakalog-kalog ka diyan ng tangke. Ikakarga mo ang hirap, nagkakaputi-puti mga kamay namin noon dahil sa fixer, acid, eh. Kinabukasan kami lang nakapag labas agad, unang-una nung istorya nung coup na iyon. Ayon nga uso noon, "iscoopan", si Angelo yung unang unang may nakaheadline, ako naman yung unang litarato na may nagyayari nang coup. Kinabukasan takbuhan na kami sa kanya-kanyang assignment, ako Makati, ikot ako diyan... ahh Quezon City muna. Pabukang liwayway na, ang daming sundalo sa doon sa kanto ng Quezon Avenue at Edsa. Hindi ko malaman ngayon kung sino yung government forces at sino ang rebelde. 'Di patakbo-takbo ako, yung island ng Quezon Avenue may mga sundalo pa lang nakatago hindi ko napansin, yung ilalaim niya meron pa lang kanal doon, doon nakalubog mga katawan nila nung gabi, eh 'di nakita pa rin ako. Tapos yung kanto ng Quezon Avenue may isang building doon sa kaliwa puro sundalo pala iyon. Noong paliwanag na. 'eto na, putukan bigla, nakikita ko galing doon sa Quezon Circle papunta dito sa amin, puro machine gun yung tumitira makikita mo yung tracer bullet kasi may interval yung bala, makikita mo yung pula. Naipit na ako sa gitna, tapos sila Angelo nakasakay sa service namin noong araw, ako na lang natirang nakadapa. Ang tapang nung driver, pati driver ang tapang, eh. Aktibista pa ata yung nakuha naming driver. Wala na ditto yun. Ginawa parang pelikula, sinabi sa aking "...diyan ka lang!" Andun ako sa kanto ng Quezon Ave. Parang giyera, umikot habang hinahatak ako nung sasakyan. Bago pala mangyari iyon may sumabog na sa may kabila, pero nakadapa na ako, buti nakadapa na ako kasi kapag sumabog iyon tangay ka rin nun, siguro naharangan pa ako nung pader doon sa gitna. Tapos noon lumiwanag na, maya-maya ito na binobomba na yung Camp Aguinaldo. Doon ako sa gitna kumukuha, eh, limitado pa yung lens kong dala, dahil hidi ako handa, medyo maiksi pa, hindi ko maalala kung 135 ang lente ko. Kinukunan ko yung binobomba kailangan lumapit ako, hindi naman ako makalapit ng husto dahil yung kasama ko si Nick Sagmit nandoon na sa loob ng kampo, ako naman nandoon kinukunan yung mga tora-tora na tumitira sa mga Army truck sa gitna, may truck kasi ng government forces sa gitna. Tapos pagbalik ko ulit sa may Quezon Avenue nakita ko yung hinahatak na mga patay doon sa gitna. Iyon pa lang mga nakita kong nung gabi sa gitna patay na, yung sa kanal na hinukay. Pagbalik ko parang nade-demoralized na yung government forces, pagkita ko kinunan ko na naghuhubad na ng inuporme, tinatapon na, may damit silang makuha nagpapalit ng t-shirt, naglalakad yung baril nila iniiwan na lang. Tapos lipat naman ako sa White Plains, 'yun yung isang grabe! Galing sila sa south na hindi malaman kung government forces sila o rebelde kasi yung kanyon nila hindi malaman kung saan nakaharap. Nagbabarilan na naman, naipit na naman ako, kaya ang pinakamalapit sa akin yung hinahatak na mga patay sa tabi ko, mga putol-putol na mga paa, mga tinamaan ng M14, may litrato na naman ako. Hindi ko naman makuhang tulunagn dahil tutulungan ko naman nagliliparan ang mga bala, eh, puro camera dala ko sila puro baril. Tapos pagtingala ko may tumutunog pero hindi ko na nakita yung eroplano, kasunod nun may bumagsak na na bomba. Hindi naman ako nakakakita ng ganitong klaseng eroplano dito, hindi ko alam kung kaninong eroplano yun. 'Di meron na namang mga casualties, kuha na naman ng kuha. Ibig kong sabihin nga talagang yung tarabaho namin mas malaking porsyento madisgrasya basta nasa ganyang sitwasyon na. Kaya lang sa trabaho basta mahal mo ito, eh, susugurin mo. Kasi kami dedicated sa trabaho namin, noong araw minsan yung camera namin kinukumutan pa namin kaysa sa amin, kapag umuulan yung camera pinapayungan namin sarili namin hindi. Iyon ang trabaho ng photojournalist, kagandahan kasi kapag photojournalist ka hindi lang ginagamit tapang, kailangan meron kang puso, meron kang utak, mabilis ka tumakbo. Siyempre kailangan sa tapang meron ka pero gagamitin mo ng tama, sa utak meron ka, creativity kasi, magco-compose ka ng litrato, hindi lang naman may hawak ka ng camera klik ka ng klik, creativity mo kailangan. Pagsilip mo ng frame, pagsilip mo pa lang ng ganun nagco-compose ko na yung image mo sa loob ng frame na alam mo na agad pagpasok mo sa frame mo ayun na iyong litrato mo hangga't maaari. Kaya bago ka mag-shoot kahit gaano kagulo kailangan kasi photojournalist ka, hindi ka naman photographer ng Luneta, kailangan talagang isipin mo pa-planuhin mo ang litrato mo - ang drama ng litrato mo. Kasi ang diyaryo naman hindi naman nag-uumpisa, naglelay-out ...... hindi nagaawa ng lay-out. Hihintayin talaga yung picture mo. Hindi katulad ng reporter, kahit tapos na yung event, puwede silang magtanung-tanong sa tabi-tabi, doon sa mga witness. E kami, hindi naman puwede ulitin ang litrato. Kailangan hangga't maaari, andun ka nung nangyari yun. Ang writer pwede ang write-ups kami hindi.

Q. Dapat kung nagbabarilan nandoon kayo mismo? Kasi ang mga writer pwede pagkatapos magtatanong na lang.
A. Oo, at isang punto pa pala, hindi lahat ng diyaryo, kasi noong araw naglalalabas ng mga ganyang litrato kasi pana-panahon din iyan, kapag ang style ng dyaryo broadsheet hindi kami basta-bastang... hindi naman sine-sensor iyan. Ang nasesensor na litrato... ang iniiwasan kapag kunwari nagka-kape sa umaga, kumakain sa umaga makikita ang litrato putol ang kamay, putol ang paa, putol ang kamay dumudugo, eh, 'di tumaob ang kape nun. Kaya kailangan mga gory na pictures iniiwasan namin iyon. Isa pa pala kailangan maipakita niyo ang litrato na hindi gory siya, hindi siya nakaka walang ganang tingnan kapag kumakain ka. Kamukha sa patay... Bakit ang patay nilalagyan ng dyaryo kapag kinukuhaan ng TV?

Q. Para hindi ma-upset iyong mga nanood sa TV.
A. Siyempre kasi minsan kapag binaril at tinamaan sa ulo, luwa na ang mata niyan, kapag ang tama sa ulo... sabog.

Q. Pero 'di ba po nagbago na ngayon? Sa channel 2 ngayon iba sila, kapag may nagbigti pinapakita nilang nakasabit pa yung tao. [RL]]: Kanya-kanyang style iyan.

Q. Pero dito as much as possible hindi?
A. Oo, kasi ang bumabasa ay class A, B, C. Sa tabloid pwede mo ilabas iyon, hindi naman sinasabing pang-masa iyon, pero ibig sabihin sa class A at B kumakain makikita ang dyaryo, sabihin "ayoko na basahin ang balita na iyan puro dugo." Iyong iba naman, tulad ng tabloid gustong-gusto iyon - pang masa.

Q. Sensationalism?
A. Oo, pero pag broadsheet usually hindi namin pinapakita yung malalaswang litrato. Sample sa patay kailangan aanguluhan mong hindi makikitang sabog-sabog ang ulo. Ipakita mo na lang kung ano yung cause ng pagkamatay niya, kunwari nasagasaan... sino sumagasa? Para na lang ipakita umpisahan sa paa tapos yung katawan niyang sabog-sabog natatakpan ng pulis. Kailangan creative ka nga kapag gumagawa ng litrato mo.

Q. Hindi po ba demoralizing din iyon sa taong namatay at sa pamilya?
A. Pamilya, oo, iyon pa ang isa.

Q. Namatay na nga iyong tao bino-broadcast pa kung ano itsura niya.
A. Pero ngayon sa ibang dyaryo nakakakita ka na rin ng ganyang litrato. Kanya-kanyang style nga iyan. Pero sa amin hindi nga... naumpisahan na namin sa ganito. Parang etiquette iyan, parang sa ospital yung iba hindi ka naman papasukin para kuhaan iyon, kailangan humingi ka muna ng pemiso sa pamilya o doktor. Private na iyon, sila na nagsasabi kung papapasukin ka o hindi kasi buhay nila iyon. Pero ganyan talaga reporter at writer - pakielamero, iyon ang trabaho namin.

Q. Sa ngayon pinaka-latest issue si President Erap, kayo din nagco-cover nun?
A. Since Cory time hanggang kay FVR hanggang ito kay President Estrada, lahat halos ng press conference kasama ako.

Q. Regarding po yung President Estrada, ano po kino-cover niyo? Iyong impeachment niya o yung daily activities niya?
A. Daily activities. Kasi yung impeachment hanggang ngayon hindi namin malaman kung makakapasok kami ng senado. Kanya-kanyang beat iyan, beat ng senate, beat ng Malacanang, nataon sa senate iyon kaya senate photographers nandoon.

Q. Hindi po kayo?
A. Kami pa rin, pero pinagtatalunan nga kung sino papapasukin. Kasi isang representative lang bawat newspapers at braodcasting. Pinagtatalunan din iyon sa channels, hindi alam kasi kailangan isa lang, kaya hindi pa namin alam kung kasama kami doon.

Q. 1982 pa po kayo dito? Was there ever a time that you regret na eto yung nagging trabaho niyo?
A. Hindi.

Q. Kahit yung times na nagpupunta kayo sa gitna ng barilan o nasa bundok kayo?
A. Ang istorya kasi noong umpisa hindi ko alam na magiging photojournalist ako. Kasi noong maliit ako hindi ko alam na iyong talent ko tutubo ng ganun. Kasi mga 5 o 6 years old ako yung Vietnam war noong araw sa magazines sa Newsweek, naguuwi daddy ko noon nakikita ko yung mga cover photos, mga sundalo, mga vietcong. Akala ko gusto ko maging sundalo o maging pulis. Kaya noong high school ako magpu-pulis ako, pagdating ng college nag-training pa ako sa Taguig. Nagalit daddy ko, yun pala hindi dahil sa gusto ko mag-uniporme gaya ng nakikita ko sa magazines, yun pala naaapreciate ko ang ganda ng litrato gusto ko pala maging photographer para sa dyaryo.Hindi ko alam na ganun pala gusto ko, kasi fine arts ako hindi ko lang natapos. Pero inclined ako doon, yun pala mas masahol pa yun kasi sila may dalang baril ako wala habang tumatakbo sa giyera. Buti ngayon advance na technology. Hindi tulad noon kapag nasa bundok walang dadating na helicopter kaya pupunta kaming airport tapos DHL lang namin yung films namin para dito na idedevelop sa Manila. Ngayon may internet na, may digital cameras. Dala namin laptop at digital camera na lang. Pag-shoot mo idown-download mo na lang wala ng film yun, flash card nalang, naka-load sa camera, 96 MB, madami-dami din ang laman.Pag-shoot mo mae-edit mo na agad sa likod n camera, may screen yun. Kung ayaw mo delete mo na yung litrato, kaya maganda nga ngayon kapag nakita mong pangit I-delete mo. Tapos nun hanap na ng landline idown-download mo yung kuha mo sa computer, kapag na-edit na meron ng caption, isu-suksok mo na lang sa telepono yung modem, itra-transmit na diretso sa opisina, mga 5 minutes tapos na lahat ng litarato mo. Madali na ngayon, 'di tulad noon hanap ka pa ng photo shop para ipa-develop yung films tapos ipadala mo yung prints. Sayang sa oras, ngayon nagiging modern na, wala na kaming hard copy o prints talaga.

Q. Iyon lang po. Thank you very much po...



Rudy Liwanag was born on February 13, 1964, in Manila, and studied at the Technological University of the Philippines and Philippine Women's University. He has been a photojournalist for the Manila Bulletin from 1982 up to the time of this interview.