![]() Date of Interview: Nov. 23, 2005 Interviewers: Giancarlo Cruz, Charlotte Valdez Q: First of all, please state your name and your position at the Manila Times. A: Sa publication? I’m Joel Orellana, sports writer of the Manila Times. The category ko is reporter. Q: How long have you been in the Manila Times? A: I started in the Manila Times 2001 as correspondent then ginawa nila akong regular reporter 2005. Q: First job mo ba ito? A: No, ang first job ko is teaching sa La Salle 1997, when I graduated 1997 I teach at the Filipino, History Department for three years from ‘97 to ‘99 and then nawala ako kasi yung academic requirements for the department is mastery na hindi ko pa natatapos, so I decided na umalis and then pero during my stay with the faculty as facuty member of the university I already applied for correspondent in the tabloid Balita in 1997. During that time, Balita was parang boom yung diyaryo nila that time 1998, mayroong Balita sa umaga at Balita sa hapon. Q: dalawang beses? A: Hinde, hindi naman dalawang beses, dalawang diyaryo so dalawa yung Balita nila so naghanap sila ng reporters, correspondents para magsupply ng beats nila sa sports. I applied for the, first nakita ko na sa diyaryo una they’re looking for a reporter sa sports, then I took a chance, pumunta ako sa office nila nung una nga inalok nila sakin as correspondent sa probinsiya, kasi nung time na yun nasa Laguna ako, Santa Rosa Laguna. Pero, when I was at the office, nakita ko si Mr. Ninoy Supranes, sports editor ng Balita, and I approached him, sabi ko, sir, baka may bakante kayo sa Sports, so doon na nagsimula yung pagpasok ko sa Sports. Q: Diba professor ka paano ka naging journalist noon, parang ang layo? A: Hinde naman, actually, noong college pa ako sa La Salle, nasa Ang Pahayagang Plaridel ako. Eversince naman, kahit noong highschool days ko talagang isa sa mga dream jobs ko yung maging artist, specifically maging sports writer. Kasi unang una I’m into sports, I play basketball, I play football, minsan volleyball, so ano ako, medyo athletic type na noong kabataan ko, so sabi ko, parang naisip, ko bat kaya hindi nalang ako maging sports writer, kasi unang una hilig ko kasi yun. Bali, nung pumasok ako sa La Salle, freshmen ako, naghanap ako ng outlet para mailabas, gusto ko maglaro ng basketball, kasi nung time na yun naging writer ako ng Plaridel sa sports. Dun na nagsimula yung journalistic experience ko sa La Salle. Q: So, na-influence ka ba by anyone in particular? A: Wala naman, kasi ano naman, unang una yung type na, siguro yung subconsciously, nainfluence ako, kasi noong bata ako yung tatay ko parati siya nagdadala ng diyaryo sa bahay so nagbabasa ako. Everytime na magbubukas ako ng newspaper, Sports lagi tinitingnan ko parang doon na nagsimula. Tapos noong bata ako, sumusulat ako sa diyaryo parati, sa Inquirer. Q: Ah sumusulat ka? A: Hinde, not necessarily as part, parang ano lang, letter to the editor, parang ganon lang. So doon na siguro nagsimula yung hilig ko sa Sports, sa pagbabasa. Kasi tatay ko mahilig sa PBA. Q: Writer din ba siya? A: Hindi, hindi siya writer. Q: So parang it’s your choice na maging writer? A: Oo nga, kasi nga laging may diyaryo sa bahay, so naging part na ng buhay ko yun. Hanggang sa lumaki na ako. Q: Diba first job mo yung sa Balita, naaalala mo pa ba yung location niya? Yung kunyari, itsura ng building A: Yung Balita kasi, during that time, it was located at Liwayway Publishing Company. Pero ano yung Balita kasi, parang sister company siya ng Bulletin. Parang tabloid ng Bulletin yung Balita at Tempo. Although yung Bulletin and Tempo, same building sila sa may Fort area, yung Balita hiwalay doon sa Makati. Tinatanong mo kung ano yung itsura? Napakaluma siya, medyo ano siya, ancient yung itsura niya, kasi noong time na yun hindi pa uso yung mga computers eh. Q: Ah, kelan yan 1998? A: 1998, Oo, although yung mga diyaryo noon, mga Inquirer, Star, nagcocomputer na! Meron na naglalayout sa computer. Nung time na yun, naabutan ko pa cut and paste ang ginagamit nila. Yung cut and paste, ano yun eh, yung process parang may printout silang papel, may dummy, and then tinatantsya lang nila yung size ng story, gaano kalaki, cinucut lang nila. May malaking mesa diyan, may ilaw sa ilalim, so tinitingnan nila kung tama. Ganon ang style ng pag layout. Q: So basically ano yung mga equipment niyo, yung basic lang talaga? A: Hindi ako familiar sa equipment, kasi most of the time nasa field ako, so hindi ko na-experience yan. Q: Never mo na-experience yung cut and paste? A: Ah, no. Nasa field ako eh, field reporter, so hindi ako nadedesk. Q: So padadala ka lang nila kung saan ka assigned? A: Oo, during that time ang beat ko yung Olangapo, yung beachball sa Rizal Memorial, yung volleyball tournaments, and then later on noong tumanggap yung editor ng reporter, 1999, yun na yung chance na medyo malaking beat yung PBA. Q: Tapos, ano yung mga, lighting and ventilation, okay ba? Sa Balita? A: Dapat ganon, kasi kung pangit yung ventilation, kasi hindi ko masyadong alam yung office. Lagi ako nasa field. Q: Na-experience mo ba ang makasama sa mga tao doon? A: Oo, may chance, may time na ganon, halimbawa pupunta ka, kukunin mo yung sweldo mo. Kasi nung time na yun, ang rate ng payment mo, sinusukat ng editor, so ibig sabihin per inch yung bayad. Halimbawa, yung diyaryo sa tingin mo ganoon kahaba, susukatin yun per inch. Nung time na yun naalala ko, per inch namin is twelve pesos, so kailangan kaibiganin mo yung editor. Q: Palakasan? A: Hindi naman palakasan, kasi may time na nadedelay yung sweldo mo, nahuhuli kasi hindi nafofollow up. Hindi ka kilala ng tagagupit, hindi mo inaabutan ng pasalubong… So parang ano yun, parang kung gusto mo mapabilis yung sweldo mo, kaibiganin mo yung editor, yung taga cashier. Q: Yung trabaho niya ba editing? So bawat, kunyari 12 x 6 inches, sinusulat? A: Hindi sya ganon ka-consistent. Kasi depende sa space ng page mo. Minsan may ads yung sports page, so limited lang kayo. Eh may mga oras na 2 pages kayo, minsan one page lang, minsan half page so naka-depende ka sa gaano karaming pahina meron. Q: Diba sabi mo sa field ka, gaano ka katagal doon? Ilang hours usually? A: Nagbabago siya, kasi depende sa beat mo. For example, I was assigned once doon sa Rizal Memorial yung PSC, Philippine Sports Commission, POC, Philippine Olympyic Committee, diyan medyo maaga matapos yung oras mo, kasi ang kasabay diyan yung office hours ng PSC at POC. So punta ka diyan ng 12 o 1, matapos ka ng 5. Gawa ka ng article, 6 tapos ka na. Unlike sa PBA, pupunta ka ng 3, matatapos ka ng 10 to 11 ng gabe. So hindi siya ganon ka consistent. So ang number of hours mo sa field, depende sa beat na in-assign sa iyo. Q: Depende lang ba yan kung ano gusto nila makuha sayo? A: Panong gusto makuha? Q: Kunyari gusto lang nila malaman kung sino mananalo? A: Yun ang expected output mo for that day, sinong nanalo, pero more than that, dapat hindi lang yan kasi ang labanan sa amin paramihan ng article, so hanap ka ng hanap ng mga article. Q: Hindi ba parang sobrang punong puno na yun ng articles> A: Nasa desisyon na ng sports editor yun, kasi for example, nung time namin sa Balita, apat kaming reporter so naguunahan kami, kung sinong pinaka malaking storya, yun ang banner story. Banner story, yun ang pinaka-headline. Yun ang pinakamalaki. Mas malaki ang bayad ng article mo. Q: Yung next newspaper na pinagtrabahuhan mo, ano yun? A: Yung next yung Philippine newspaper, Kabayan. Yung location niya, doon lang sa may papuntang Zobel Roxas. Q: Ah dito lang sa may Manila? A: Ah dito rin, Makati rin. Ano naman siya, nagsimula siya as OFW paper, yung may ari si Dante Ang, dinala niya dito sa Manila, ginawa niyang broadsheet na Pilipino. Q: Hindi siya tabloid? A: Hindi siya tabloid, kung baga di ako sure kung yun ang ka-una unahang Pilipino broadsheet na natayo, kasi may Diyaryo Uno kasi that time, broadsheet din siya, pero feeling ko nauna yung Kabayan kesa sa Diyaryo Uno. Ewan ko lang noong una, kasi hindi natin alam. Q: Yung sa Kabayan, ano yung naging role mo doon? A: Ganon din, as correspondent. Noong kinuha nila ako, wala silang position for regular reporter. So correspondent muna ako, hanggang tumagal. Pero hindi ako na-regular kasi nagsara siya. Hindi naman siya nagsara, lumiit siya naging tabloid. Q: Kelan yun naging tabloid? A: Naala ko nasa mga 2001. Kasi ang nangyari ang may ari ng Kabayan, si Mr. Dante Ang, binili niya yung Manila Times. Q: Kasama ba yung Kabayan sa Manila Times? A: Hindi pa, that time, hindi pa. Noon lumipat si Dante Ang ng Manila Times, kinuha niya yung Kabayan, yung mga tao, so kami yun. Q: So nag-merge? A: Oo, nag-merge, may mga naiwang tao sa Manila Times, meron din naiwan sa Kabayan, so mi-nerge niya yung dalawang diyaryo. Q: Pero separate pa rin yung dalawang diyaryo? A: Separate yung editorial staff, separate yung reporters. Although ginagawa nila minsan para makatipid, yung laman ng Manila Times, tinatagalog nalang nila. Mina-maximize ang resources. Q: Diba nag Manila Times ka? Yung Manila Times naaalala mo pa dati kung ano itsura niya, yung location niya… A: Kasi yung Manila Times, one of the established newspapers noong time na yun. So maganda na yung facilities, well-equipped na. Computerized na sila, may sariling printing machine. Q: Yung mga tao doon, nakasama mo ba sila? May office ka ba sa Manila Times? A: No, hindi kasi nasa field din ako. Field pa rin trabaho ko, never pa ako nag desk job. Kasi yung mga desk job, mga editor, editorial assistant, proofreader. Ako never ko pa na-experience mga ganon. So most of the time nasa labas ako. Q: Nakakasama mo ba yung mga editor at publisher mo? A: Nakakausap lang. Q: Hindi kayo close? A: Yung editor kakilala ko, yung publisher medyo malayo during that time. Q: Eh yung mga ka-office mates mo, nakakasama mo ba? A: May mga officemates ako na galing sa Kabayan, tapos dinala sa Manila Times, so kakilala ko sila. Q: Ilang oras kayo per week or per day? A: Hindi, flexi-type ang reporter, so walang particular time. Unlike yung mga employees na nasa desk, yun may oras sila. Q: Kelan lang ba kayo pumupunta doon? A: Pag kumukuha ng sweldo… Pumupunta din, pero hindi siya yung tipong 8 to 5. Q: Paano kung may report kayo, pumupunta kayo doon? A: Minsan, may times na, usually pag Sunday, may mga requirements, noong time na yun, hindi pa gaano karami. So pupunta kami doon para gumawa ng article. Pero ngayon dahil sa technology, mayroon ng e-mail… Q: So ine-e-mail niyo na lang? A: E-e-mail na lang. Ang procedure namin, pag dating sa site ng beat mo, tatawag ka sa boss mo. Sabihin mo, boss nandito na ako sa PBA. Sasabihin ng boss mo, wala tayo masyadong espasyo, 10 to 12 paragrapgs ka lang. So at least, may idea ka na kung paano mo gagawin article mo. Q: Sa Manila Times ba, paano ang pagbayad doon, per inch pa rin, or per story? A: Per story na so may rate sila, yung banner story iba yung rate, regular story, iba ang rate. Q: Kelan kayo nagpapass ng stories? May deadline ba? A: May deadline. Yung ibang beats, mga POC, PBL, UAAP, kasi maaaga yan, natatapos yan usually mga 6 o 7 ng gabi. Q: Anong oras niyo ipapass? A: Ganon din. Ang pinaka-latest niya is 7 ng gabi. Sa PBA kasi, late natatapos, mga 8, so dapat by 8 nasa computer na ng boss niyo yung article. Q: So bali, isang oras lang kayo pwede, may allotted time kayo magsulat ng article? A: Oo, pressure ka talaga, sa time. Q: Noong nag-umpisa ka sa Manila Times, ano unang naging position mo? A: Naging contributor muna ako. Noong inassign ako, sabi ng editor ko, si Mr. Filippo Bartolome, sabi niya, wag muna, punong puno, bawat beat may tao na kasi. So pinag-contribute muna ako. Q: Anong year yun? A: 2001. May 2000 tapos 2001. During that time meron silang section sa sports, women’s sports. Sabi niya, dito ka muna mag-concentrate. Feature ka muna ng mga women athletes, women referees, basta tungkol sa kababaihan. So during that time, Sea Games 2001. So yun mga women athletes natin sa Sea Games. Doon ako nagstart as contributor muna. Tapos later on naging correspondent. Q: 2001 pa rin? A: Oo, 2001, tapos 2003 naging full time reporter na ako. Q: Noong nagstart ka sa Manila Times, naging cub reporter ka ba? A: Hindi ko na-experience yan, siguro yung pagiging cub ko, yung pagiging sweeper. Yung sweeper, kng may reporter na hindi pwede, nagkasakit, ikaw muna rito. Q: Ano ba ang cub reporter? A: Parang pa-ikot ikot. Kaya siya cub. Q: So parang sub? A: Parang substitute, kunyari may na-assign ditong reporter, nagkasakit. Ikaw ang tatawagan. Ang tawag namin diyan eh, sweeper. Q: Pwede ka magsabi tungkol sa first beat mo. Yung experience. Ano ba ang first beat? A: Siguro sinasabi mo yung first time na pumasok ako sa pagiging sports writer. Kasi yung culture ng mga sportswriter, close silang lahat, parang family. Kasi ano sila, magkakakilala. So noong pumasok ako noong 1998, siyempre natural reaction nila, “sino to? Saan galing to?” Siguro feeling nila may ka-kumpitensiya. So hindi ka kakausapin. Bihira kang kakausapin. Dapat ikaw ang mauna, ikaw mag-iinitiate ng conversation, ikaw ang tatanong. Hindi sila ang lalapit sayo. So yan ang mga first experience ko as reporter. Hindi ka papansinin. Tapos later on, madedevelop mo ang friendship, so magiging at ease ka na sa surroundings mo. Q: Noong pumasok ka, ano yung beat mo noon? A: Yung unang inassign sa akin, naala ko, yung Philippine Sports Writers Association, mayroon silang weekly column, dating Holiday Inn Manila, ngayon Manila Pavillion, sa UN. Yung weekly forumn, nag-iinvite yung PSA, Philippine Sports Writers Association, nag-iinvite sila ng guests, sports officials, athletes, tapos magfoforum, talk. Doon ako unang inassign Q: Sumasali ka doon? Naging reporter ka doon? A: Oo, inassign ako doon. Gawa ka ng article tungkol sa sinabi niya. Q: Ano yung mga important lessons na natutunan mo noong first beat? A: Kailangan dapat makapal ang mukha. Kasi kung mahiyain ka, sisipain ka, kakaya kayanin ka ng matandang reporter. Pakita mo na kaya mong gawin yung tabaho mo. Pangalawa, makisama ka, kasi pag di ka marunong makisama sa mga sports writer, ganon din ang ibibigay sayo. Kasi grupo grupo yung mga yan. Tapos magtanong ka, kung hindi mo alam. Q: Meron ka bang mga memorable na editors? A: Wala naman, kasi 98, wala ako masyadong memorable na experience. Siguro kung meron, yung nangyari one time, nagcover ako ng Palarong Pambansa, 99, sa Naga City, may isang reporter, “nanguryente” nagsulat ng maling balita na pickup ng editor sa Kabayan, noong that time nasa Kabayan pa ako. Kinopya niya, mali pala. Hindi niya alam na nakuryente. Yung term na yun “kuryente” ibig sabihin, maling balita. Kinuryente, so napublish sa Kabayan, lumabas. Nagalit yung organizer ng Palarong Pambansa. Akala nila sinulat ko, di nila alam, kinopya lang ng editor ko sa Kabayan. So memorable yun, kasi tinawagan ako ng mayor… Q: Nakapangalan ba yun sayo? Hindi ba iba yung nagsulat? A: Hindi nga, siguro, yung nagsulat kasi taga Manila Times din. Sister company namin, akala ng editor ko, totoo. So di niya alam na nangloloko lang, nangunguryete lang. So naipublish, kasi medyo malicious yung balita. Nagalit yung organizer. Di naman ako pinagalitan kasi alam naman nilang hindi ko fault. Nagalit sila, Yun ang memorable first time ko, nasa Naga City ako noon. Kasi pinapakita sa local people ng Naga na “bagitong reporter, Joel Orellana, nagsulat ng maling balita.” Sa radyo ng Naga, kasi nagalit sila, kasi sila yung nag-organize, siyempre pangit yun as host city, magagalit sila sa akin. Q: So ngayon okay na? Na resolve na siya? A: During that stay ko sa Naga, naresolve na siya. Q: Yung editor mo ba noon, masyadong malaki ang pressure niya sayo na magsubmit ng article? A: Oo, most of the editors, ganon ang labanan, kasi, especially, may tinatawag kaming scoop. Ang ibig sabihin ng scoop ikaw lang maglalabas ng balita. Pag may lumabas na scoop na article, tatanungin, o bat wala ka nito, anong nangyari? Lalo na kung beat mo sa PBA. Dapat lagi kang nakahanda. Laging alam mo yung nangyayari sa paligid ng beat mo. So yun ang pressure, pressure sa editor, pressure sa kapwa reporter. Di mo alam kung ano isusulat nila eh, kinakabahan ka. Q: Yung editor mo kunyari nagsusulat kayo, pinapansin niya ba yung grammar niyo? A: Hindi, wala siyang chance na makita ako na nagsusulat. Manyayari na lang pag pasok ng article, doon niya ma-eedit. So, lahat naman ng sportswriter aamin na na-edit sila ng editor. Dumadaan ako sa process na yan. So may times na nabago article mo, di naman bagong bago, parang nabago yung lead paragraph, nabago yung anggulo. Nangyayari yan sa sports. Q: Yung sa deadline ulit, paano kayo nappressure, ano ang ginagawa ng editor para ma-pressure ka na magsubmit? A: Tatawagan ka sa cellphone. Pero hindi ko pa na-experience yan. Hindi naman parating on-time, medyo understanding yung mga editor ko. Kasi pag na mention mo, lalo kang magccram, so pinapabayaan ko na lang. Q: Sa Balita, Kabayan, Manila Times, mayroon ka bang mga memorable na officemates? A: Wala naman, kasi hindi kami masyadong magkakilala. Kilala ko lang yung mga sports reporter din? Q: Meron bang memorable doon? A: Kasi walang chance na magsama kami sa ibang beat. Q: Meron ka bang memories, noong nag-uumpisa ka pa lang? Yung best memories A: Siyempre, nakilala mo yung mga basketball players, sila Jaworski, so imagine mo ang reaction namin diyan. Kasi napapanood lang namin sa tv, tapos ngayon nakakainterview mo na. Yung mga memories mong maganda, libreng accommodations, nakakabiyahe ka ng Pilipinas. Q: Mayroon ka bang significant events na nacover? A: Sa sports kasi, siguro, yung, ewan ko kung significant ito, yung unang coverage ko ng PBA, unang unang game, nagbirthday si Jaworski sa Araneta. Yun yung huling birthday niya as basketball player. Q: Nag birthday siya habang naggame? A: Hindi naman, siyempre birthday niya. Naglaro siya. Parang may ceremonies, memorable yun. Di naman ganon ka significant na naka apekto sa Pilipinas, pero sa PBA malaking bagay yun. Kasi si Jawo icon sa PBA. Pangalawa yung darating na SEA Games, kasi first time ko magcocover ng SEA Games. Q: Di ka ba nagcover noong 2001? A: Hindi, hindi ako pinadala doon. Noong 2003, sa Vietnam, di ako pinadala. Nagstart ako sa mga probinsiya. So ito, tingin ko, magiging significant to. Isa pang significant yung nagchampion yung Philippine team sa isang tournament sa Brunei, ako nagcover doon. Laltely lang ito, 2005. Nanalo tayo sa Japan, China. Yun lang, yun lang ang memorable ko. Q: So far gusto mo naman ang trabaho mo ngayon? A: Oo naman, unang una kahit low paying job siya, enjoy ka. Kung baga parang di mo nararamdamang nagttrabaho ka, kasi na eenjoy mo yung ginagawa mo. Sabi ko nga, if ever mag retire ako, magreretire ako as sportswriter. Q: Hindi ka na ulit magtuturo? A: Siguro, may plans ako na magturo ulit. Kung may time na matapos ko ang MA. Nakapagstart na ako, pero hindi ko pa natapos. Siguro next next school year baka may oras. Kasi noong time na nag-MMA ako, nagtuturo din ako sa La Salle, tapos sportswriter pa ako, so medyo mabigat. Di ko na-maintain yung masteral, iniwanan ko. Q: Ah, sige. Yun lang. Thank you. Orellana was born on Dec. 9, 1974 in Muntinlupa. He studied majored in history and education at DLSU. He is a sports reporter for Manila Times. |