![]() Date of Interview: Dec. 3, 2005 Interviewers: Jose Paolo Cervantes, Robert Jansen Musico
Q: Sir, ano, for the record lang po, paki state lang po ‘yung pangalan niyo at saka yung present employment po niyo? A: My name is Robert R. Requintina, right now, I’m the assistant Metro editor for the Bulletin at the same time I’m also in charge of the embassy section of the paper, so those are two of my responsibilities here. Q: Sir, why did you decide to become a newspaper journalist? A: Uh, actually [cellphone rings], sandali [long pause], wait isa-silent ko lang. Actually, hindi ko talaga dream to work for a newspaper. Plano ko was ano lang talaga dito, get some experience and then mag-venture sa TV but I really love to write scripts. Scriptwriting talaga, elementary pa I would write scripts, unusual scripts, weird stories. Hanggang ngayon naaalala ko pa yung ka-weirdohan ng scripts na ginagawa ko. So yun talaga yung gusto ko i-ano yun i-pursue yun but then I don’t know yun nga as I’ve said a while ago that time pinapa-submit na yung mga requirements namin sa school, kasi nga malapit na graduation, class cards and everything, and then… mga signatures ng professors, noh. Instead of pursuing that parang ewan ko, parang umano sa isip ko na, “Why?” Ano…anong sense? [laughs] Eh siguro yung time na ia-ano ko dun maghanap na lang ako ng trabaho not really trabaho kundi mag-ano na ako, magseek na ng experience sa isang media firm, ano, media entity. So dito ako napadpad sa Bulletin. Basta pumunta ako dito, with the purpose na training lang. Que matanggap ako o hindi, basta may training lang so that kapag nagmove-on na ako sa isang company pag tinanong nila kung may experience ka na ba, I said yeah, oo, mayroon na sa Bulletin. Q: So for experience lang…? A: Experience lang talaga ang focus ko. Yun lang talaga focus ko. But, then I started to like it na. For six months wala akong ano dito. Train ako ng train on my own, self-training lang. Sumasama ako dun sa mga reporters, photographers. Actually, I started with Tempo, tabloid ng Manila Bulletin, office doon. After six months, Western Police District ako, police beat with Robert Roque. That time, Robert Roque was the reporter for Western Police District of Tempo. Now, he’s the associate editor of Tempo. So ‘yun, finally, may opening dito. I-beebeef-up nila yung police coverage so they needed people parang ganun, para yun nga, i-beebeef-up yung police coverage, police beat coverage ng Bulletin. So, ayun. Tamang-tama yung taong in-charge ay naging kaibigan ko dun sa coverage na rin, so nakita na rin niya kung paano ako magtrabaho. Hinire na ako as correspondent muna yun. Now sa Philippines, sa local setting, when you say correspondent, casual ka lang, casual employee, meaning, um, may ano e, kung wala kang, nasubmit na story, o wala kang published stories for one month, wala kang suweldo. So ganun ang ano sa Philippines ano… Q: So kada article niyo po…? A: Kada article at saka naipon siya for one month, yun ang pay mo for the whole month so kung masipag ka at marami kang published articles suwerte mo, then higher pay. Although meron na kaming fixed na transportation allowance. Q: Mga magkano po? A: That time… magkano ba?… mga one-five. Q: Malaki na…? A: Malaki na rin, oo. [laughs] For beginners siguro malaki na yun. I remember nga yung first paycheck ko mga 3 plus, 3 thousand plus. Q: Ilang stories po yun? A: Kasi dati sinusukat siya per inch column. Per inch column, 10 ata per inch column. So kung ilang inch siya yun yung ano. Q: Mga anong year po yun? A: 89… 90, yung lumipat ako sa Bulletin? Q: Opo A: 88 ata yun. Q: Tapos from Bulletin hindi na po kayo…? A: Hindi na, although along the way may mga offers kasi. Nakita na nga kung paano ako magtrabaho, ganun, so parang pinapirate. That’s what yung term na ginagamit namin, pinapirate, meaning… halimbawa kukunin kita for me… for you to work for my company. Yung mga tumatawag, may mga feelers na nagpapadala, may ah “sabihin mo kay Robert baka gusto mong mag-aaply dito?” Personally they would ask you na kung willing kang magtrabaho dito sa ganitong company, para maging staff, parang ganon. Q: But you never…? A: Hindi, yung… mahirap kasing mag mag-back to zero. Magsimula sa… mag-back to scratch, ang hirap e dito pa naman sa profession na ‘to, how do you say it ba? Hindi mayabang e pero medyo yung ego is medyo… medyo high ng kaunti yung mga… lalo na sa mga editorial. Yung sa reporters and editors… [coughs] ewan ko, siguro kaya lang naging ganon lang naman ang mga sa media kasi we have to be like that na kaunting yabang at tapang, because, uhm, namedyo defensive ng kaunti noh. We kasi parang tinerain kami sa simula na ganun pa lang for us to develop parang confidence, parang ganun, in dealing with people. So hindi man intentional yun but then minsan lumalabas anyway [laughs], something to that effect, parang ganun. It’s about yung ano e yung ano ng sabi ng… I have a friend, yung anak ng congressman, sabi niya, “Iyang mga taga-media”, sabi niya, “bakit ganon, ang yayabang niyo? And then ang tatapang niyo at saka ang lakas ng loob niyo?” parang ganun. We have to be strong because this is a tough community. In pursuing your interest na pagkuha ng story you’ll be meeting people, different kinds of people na kailangan mong gamitan ng ganun, ano. You have to be like that, like it or not, kasi kung alam niyang matamlay ka, I mean, this is not a place for you, noh. Mahirap. Act tough. Q: Meron po ba kayong naexperience na napaka-difficult kuhanan ng story? A: Difficult… ah… kasi there was a time noong 1989, I survived a plane crash. Yun sana ang gustong-gusto kong gawan ng story na right there and then nag-survive ako, well hindi lang ako ang nag-survive, thirteen kaming lahat, including former President Fidel V. Ramos. That time Defense Secretary pa lang siya, but then, yun nga, eventually naging president din siya. Yun sana nagawan ko ng story yun because I wrote a story about it… Yung plane crash namin one week after, ang tagal na which for me is lumang-luma na parang panis na, which for me isa sa mga regrets ko, hindi nagawan ng so… And then mahirap Yung coverage ko before ako natransfer sa newsdesk because I use to cover the weather beat… uhhm Q: Like ano po? A: Hindi ako pumapasok. Hindi ako active kapag may araw, meaning kapag sunny. Pero kapag umuulan, duon ako lumalabas which is weird dahil nga kung yung iba nandun sa comfort ng kuwarto nila, ako naglalakad sa baha. Pero okay naman type ko rin yun kasi for sure I know the next day banner story ako at saka may... Yun na yung pakonswelo yun nga lang sometimes I feel like yung prophet of doom na…. uhm… ako natutuwa ako kapag may parating na bagyo because frontpage nanaman ako, banner na naman ako but then kapag sinsabi ko yun siyempre hindi ko naman iniisip na sana may mamatay or what ganun… Wala, personal ano lang naman yun kasi lalabas nanaman yung name ko. For five to six years, nagcocover ako nuon at the same time nag-cocover ako ng Catholic Church… ayun nung nag-visit din yung pope, Pope John Paul. Ang hirap, grabe. You deal with the crowd… Grabe naku.. eh hate ko pa naman yung crowd na buti na lang may sasakyan kami na… wala … nagagalit na nga sa amin. Siguro kung pwede na kaming batuhin doon o murahin nang mga… kasi nag-pass kami duon sa crowd ng mga nag-vivigil may mga nakaupo na roon, nakahiga, talagang dumdaan ang sasakayan. Naku tahimik na lang ako. Deadma na lang ako because you have to go to the other corner. Dadaan na lang kami sa grandstand. So yun yung hirap. Then yung speeches ayaw nilang i-release bago magsalita yung pope. Kailangan natapos na muna niya… yung speech ng pope bago irelease ng Catholic Bishops Conference o CBCP, yung copy ng statement ng pope. So yun yung isa sa pinakamahirap kong coverage na nagawa… and then kapag na-assign ka sa abroad, madali because madaming equipment. So far, yun, yung pinakamahirap na assignment na… Isa pa yung mahirap sa akin emotionally yung pagcover ng NPA atrocity sa Metro Manila. Kasi there was a time na yung mga NPA baril ng baril ng mga pulis, patay ng patay ng mga pulis. Kumbaga they brought war to the city. My father was a police man so siyempre kahit ako naiinis din ako sa violence ano [laughs]. For one, natatakot akong dumikit sa father ko kapag magkasama kami sa labas kasi police nga siya, baka bigla siyang barilin ng NPA, for quite some time ganito ang narararamdaman ko nakakainis but naovercome ko naman yun. Yun medyo mahirap yung part na yun kasi it deals with emotions… Q: Sa other side naman po yung pinakagusto niyong expereience in the field? A: Experience… siyempre ano ba?… uhhm, assignments sa abroad siyempre. Q: Ano-ano po? A: Noong 1991 hanggang 2000, every year, may mga assignments abroad. Medyo mahirap pero exciting because you go abroad; you visit other countries. Yung first assignment ko was sa South Korea. Dito presidente na si Ramos noon. Medyo hesitant ako sumama kasi nga sinabi ko nga baka mamaya mag-crash nanaman yung eroplano [laughs]. Ang dami kong ginawang ritual bago sumama—like nagpamisa, nagkatay ng manok at ako pa ang naggilit sa leeg. Dapat daw ganon. Dapat daw yung blood inano ko sa… Tapos pagbaba ko sa plane, paglabas sa plane sa Korea gaganon daw, ewan ko kung totoo daw. Just the same, ginawa ko rin yun. Tinouch ko yung floor doon sa airport sa Seoul [laughs]. Ewan ko. Weird, pero malay ba nila kung nagbibiro lang ako or what. Medyo yun nga going back nuong nag-crash yung plane namin duon sa Legaspi, I mean sa Samar from Legaspi, we went to Samar, nag-crash plane namin. So the next day yung dalawang helicopter na nag-fetch sa amin nag-crash din. So I dont know kung meron talagang plot to, kay, against sa future president of the Philippines. Ayun, okay naman, [laughs] it was an emotional year for me that year kasi the same year na nagcrash yung plane namin namatay yung mother ko nun so medyo … Q: Yun nga po nasabi niyo kanina na aside from Weather Beat at Church ano-ano pa pong ibang beats…? A: Yeah, nagcover din ako ng Health and then, siyempre police, local government and then I went to Camp Crame then to Aguinaldo for the defense beat. I remember isa sa pinaka unforgettable experience ko din nung when I cover Church and Health beats. That time si Cardinal Sin… at saka si Cardinal Sin at Flavier ang mga head ng... sa Church si Cardinal Sin, si ano naman sa Health… magkaaway sila e… kasi nga… whether to use condom or not, whether to endorse condom use or not… yun yung pinag-aawayan nila. For one, pinagkamalan ako na spy ng isang grupo. Spy for the other ano, hanggang 3 years ago may balita pang ganon na espiya daw ako, hay naku ewan ko ba, isa sa mga weird na allegation sa akin…ang hirap noon because you have to make sure na kapag kinococover mo yung dalawang yun of equal treatment. Make sure na hindi mo sila mamimis-quote kasi maya’t maya baka mag-spark ng ano eh. Meron silang word war sa diyaryo for a while. Hanggang sa one time nga, si Health Secretary Flavier napagbibintangan niya akong nag-iispy, espiya ako ng Catholic Church. E ex-seminarian pa man din ako, so akala niya nag-iispy ako for the Catholic Church; so akala niya isa ako sa mga nagsasabi kay Cardinal Sin na “Cardinal, sabihin niyo na, ganyan ganyan ganyan ganyan.” Kasi nga may mga statement si Cardinal na napipikon dati si Flavier. Once ata, nagsabi ata si Cardinal Sin na lagyan ng lubid si Flavier tapos ihulog sa Manila Bay, parang ganun, tapos “Ikaw siguro nag sabi niyan ano?” E ako tahimik lang ako, kaya tinatanong niya sa mga kaibigan ko sa media “Mabait ba ito?” Kung mabait daw ba ako kasi nga baka daw isa ako sa mga nagsasabi na i-critcize si Health Secretary Flavier. But along the way, nagkasundo-sundo kami, kasundo ko si Cardinal, kasundo ko rin sa Flavier, hanggan ngayon kasundo ko pa rin si Flavier, Senator Flavier, kasundo ko pa rin, kapag nagkikita kami, pero wala na yun, nakalipas na yun eh, besides ah wala na rin si Cardinal Sin…so it’s a good thing na nag-cover ako ng Church because it reminded me of values… kung ano ang dapat, ganun pala yun eh because sabi ko nga sa kanila you are what you cover, meaning kung nag-cocover ka ng police beat nagiging brusko ka, mukhang siga ka parang ganun. Pagnag-cocover ka ng sports medyo mukhang athletic ang dating mo na mahilig ka sa mga sports. Sa lifestyle mahilig kang magpaganda; o yung mga kaibigan ko sa showbiz nagiging sa showbiz ano na rin sila, pati the way they talk. Sa church din, ayun sa church nga ako, kunyari holy ang dating ko [laughs], “Oy masama iyan, ganyan ganyan.” Q: So adaptable kayo kahit saan po kayo? A: Yeah, oo, dapat sana ganun ang ma-experience ng lahat because para sa inyo rin iyan, personal experience so that kapag napromote ka na rin and if you may have to deal with the younger ones, you know what to tell them and you know what to do. Q. Ayun so sinabi niyo po kanina na hindi ito yung original na gusto nyung ano, so sino-sino po or ano-anong expericence ang naginfluence sa inyo na magstay dito sa field. A: Uhhm, I came to like na rin yung ginagawa ko kasi this is all also about writing, ganon, kasi scriptwriting is writing, so nagsusulat din ako dito before. Gustong-gusto ko talagang nag-cocover lagi nung nasa labas pa ako but now well, sabi nga we have to move on. Kaya nasa newsdesk na ako, so given the chance gusto ko pa rin dito halimbawang dumating yung time na yun because it’s a learning experiece, never-ending learning experience. Dito maya’t maya, lalo na kapag may pumapasok na bagong technology, naiiba rin yung galaw namin [laughs], with editing, newswriting, ganun. Q: Dati po ba ano yung technology? A: Typewriter, naabutan ko pa yung typewriter. Minsan sira pa yung mga keys na ginagamit mo sa typewriter. Naabutan pa namin yun, yun nga nag-evolve kami sa fax machine, and then naabutan niyo pa yung Pocketbell? Q: Ah beeper po? A: Beeper [Laughs], minsan doon namin inaano yung story sa beeper, ganyan, ngayon sa cellphone, sa laptop and so on… ngayon yung blue... Blackberry? Q: Hindi ko na po matandaan…? A: Ah ano that’s what our reporters use kapag nasa field sila it’s a small gadget na may maliit na keyboard where you type your stories. Ang liit-liit lang talaga niya. Q: Eto pong office niyo ganito po ang itsura dati o talagang ganyan na? A: E… hindi na, nag-iba na. Nag-iba na ang ayos nung news desk dahil nadagdagan na kami, may nagawa na rin, may mga nadagdag na rin. Iba-iba nga, minsan nasa dulo ngayon nasa gitna naman. So iba-iba. And then yung ayos… nawala na rin yung mga typewriters before hindi namin kasama yung mga paste-up artist at saka yung typesetters nasa ibang section sila pero now nandyan na silang lahat. Pati now kasama na namin pati yung paginators, artist, marami na ring revisions ang nangyari. Q: Ah kada ano? A: Wala namang timetable for that siguro kung dapat ng palitan na o irenovate that’s the time the management decides. Q: Kumusta naman yung working conditions niyo ngayon sa dati? A: Mas better ngayon dahil mas ayos. Meaning, ayos, everything nasa proper place na niya, like kung sino yung… like dito lang mga artists, naka-separate na yung mga artists may sarili silang group, may sarili ding set yung mga paginators, desk editors, reporters may sarili silang desk unlike before kahit saan ka lang umupo na kung saan may free o kung may gumagamit ng computer or typewriter, talagang kalat-kalat but now its ano arranged na rin. Q: Yung hours and holidays po? A: Naku holiday, December...which reminds me na ako pumapasok ako kasi single pa rin ako [laughs], so last year, yung last year na lang i-aano isa-cite ko na lang yung last year, nandito ako nung January 1, December 31, December 25, 24, 26 tuloy-tuloy kasi kami… Q: Kahit holiday po? A: Oo, nandito kami ng holiday. Kahit na holyweek nandito kami. Ang compensation na lang namin ay higher pay, because holiday yun eh, yun na lang compensation siguro namin. Although, anyway may naka-designate naman sa amin na ano eh, lahat kami may issual vacation leave. Naka-designate naman yun. Ako like, sa case ko tuwing November 1 nag-uumpisa annual vacation leave ko. So that’s for 15 days: November 1 up to November 15, this month unless magkasakit lang ako doon ako mag-aabsent actually, every saturday may day off, today, Saturday, dumaan lang ako for me to check yung pages na sinarado namin last night, because medyo marami so we have to double check na baka may mapalitan, ganyan. Q: Yung salary niyo po diba dati po per article? A: Oo, pero now its fixed. Fixed na yung salary… uuhm, and some benefits. Okay naman pero mas okay kung tataas [laughs] siyempre. Q: Yung mga deadline niyo po? A: Iyan, isa pa iyan. Nakaka-cause ng tension and pressure then highblood and grabe. Kasi yan, like minsan kapag hindi mo ma-contact yung mga reporter, kapag ilang beses mo nang pinapagalitan, may mga pasaway kasi eh, kulang na lang sakalin mo hindi ka na man pwedeng magalit minsan kasi nga minsan may problema sa, uhhm… may situation sa field nila. So hindi mo ma-contact, so doon lang yung tension kapag hindi mo ma-contact yung reporter. And then what else, kapag kulang-kulang yung detalye, yung details na nilalagay sa mga stories nila, kaya nga I always tell them na we need to have an open communication line between the editors and the reporters para kapag may mga questions sa stories nila they can go with it easily. Dapat kasi if you are in this field you have to be reminded na isa sa dapat mong sundin lagi is beating the deadline, its one of the most important responsibilities of being a reporter: beating the deadline, because this is what is all about, unahan, or sa pagsubmit ng bagong news. Q: Ano po ba ang deadline niyo po dito? Anong time? A: Iba-iba eh…well sa amin sa Metro section I’m going to speak for the section, Metro section, kailangan around 5:00 na-inform na kami kung ano yung mga stories ang ginagawa pa nila, although nag-umpisa na kami mag-close ng page mga around one o’clock. So pwede na silang mag-submit ng stories niyan. Pero dapat pag dating ng five o’ clock at meron pa silang story na kinocover o pinepursue dapat sabihan nila kami “Sir may darating o may ginagawa pa kaming story, around six o’clock darating ganyan ganyan.” Kasi kapag hindi na namin mahantay ipapasa na lang namin sa isang section. Q: Noong early years po, kayo po may deadline din? A: Oo, nung reporter pa ako, correspondent. From the area pumupunta pa rin kami sa office para mag-type-an ng story kasi ano eh. Well, naka-converge kami sa isang press office, like Pasig o Marikina. Sa dami-dami ng reporters, iisang telepono lang. So pila-pila kami ngayon, so kaming mga kaibigan kong taga-Philippine Star, at saka taga People's, at saka Tempo, minsan Abante kasabay namin. Pupunta na lang kami sa office, sa kanya-kanyang office ah, so dun kami nag-uumpisa. Q: So mas madali po...? A: Mas madali dahil malamig, walang tension. Atsaka kung may question pa sila nandoon na kami agad. Q: May time po ba na na-late kayo sa deadline? A: Lagi, lagi... Pero kapag malaking story naman, hinihintay naman nila. Q: Hindi po ba kayo nakagagalitan ng editor niyo noon? A: Madalas. [laughs] Lalo na nung bago pa lang ako. First time ko na sumulat about weather. Nung weather story pa naman nun, umuwi kaagad ako dahil natatakot ako baka ma-stranded ako e, pero hinahanap na pala ako ng boss ko. So pumunta ako sa bahay, kumakain ako ng dinner, tapos nag-riring yung telepono ko. Yung boss ko, “Nasaan ka,” sabi niya. “Sir nandito po nag-didinner. Kain po kayo sir”, sabi kong ganoon. “Hindi, hindi ako sasali sa dinner mo. Next time kung may weather story, I will tell you kung kailan ka uuwi o what time ka uuwi. You are not suppose to go pa kasi,” sabi niyang ganon, “May mga questions pa sa story mo.” Q: Sino po yung hindi niyo makalimutang editor? A: Yung isa patay na eh. Si Mr. Aquino. He's kinda strict in his day to the point na parang gusto mo nang umiyak. Iniisip ko yun eh, si Mr. Icban, very strict din but dahil dun sa mga ginawa niya, mayroon na manan akong natutunan. Now I know, alam ko na, kung bakit sila ganoon. Nung time na nag-eedit sila ng mga report ko. Ngayon I'm one odf the editors now so naiintindihan ko na yung mga sinabi nila. Q: Strict din po ba kayo? A: Medyo [laughter] but um, pag sumosobra na sila that's the time na dun ako nagiging strict. Q: May mga memorable po kayong nakasama sa field, mga colleagues niyo po? A: Wala masyado e… si um.. yung mga taga-TV. [laughs] Ang dami that time nag-aano sila sa… from TV, umaalis sila sa diyaryo, I think sa 2 at saka 7 yun eh, nagtitipon na lang kami dito Q: Ano pong advice ang maibibigay niyo sa mga gustong pumasok sa field na ‘to? A: Yung mga gustong pumasok? Um, sandali, em, well, um, kinoconsider mo yung higher pay sa pagpasok mo sa profession na 'to, eh, you'd be disappointed lang. Kailangan pagkagusto mong mag-pursue ng career sa journalism. Well, you have to start with the usual salary; maliit ano. Siguro along the way, siguro with perseverance, determination, good skills, along the way, ma-propromote ka din - higher pay. Yun nga, yung sinabi ko kanina, act tough, be tough, ganun, because you'll be meeting tough people. Um, wag kang papatalo. Yun nga, kanina nga sabi ko, may mga time na dapat mong gamitan ng yabang and, uhm, siga. Although madalas, nauuwi sa powertrip yung mga... in situations, do it in moderation lang; to the point na huwag mong ipakitang takot ka and most of all, kaya mo yung mga ginagawa mo. What else? Number three: read, read and read. Um, because pag nasa media ka people will expect you na ano ka, walking encyclopedia, kailangan alam mo lahat ng mangyayari sa paligid mo. Kasi, doon mo minsan ma-tetest kung gaano ka kagaling sa media, kung marami kang alam. Number four: read, read and read to increase you vocabulary, to improve your grammar. Malalaking bagay yun pag nasa dyaryo. Actually sabi nga kapag writer ka, kung magsusulat ka, reporters are better read than heard. Siguro pasulatin na lang huwag nang pakinggan. So kailangan i-polish mo yung grammar mo. Ang bread and butter mo yung profession mo, it's one way of improving your skills para gumanda yung articles na sinusulat mo. Number five: be presentable. You have be neat especially when you have to dress for the occasion. Yung iba kasi, formal yung occasion, papasok naka tsinelas which may be the case, galing sa ano yung event, occasion, so dapat, dress accordingly. Pag rugged eh 'di rugged. One time, sinabi ni Flavier, huwag magdadala ng mga high-heeled shoes sa bundok. Yung isa sa mga ano namin, naka- ano ba yun? Stiletto ba yun? Yung sa babae na... So natatapilok-tapilok siya. Ginawa na lang, nag-stop kami sa isang palengke, bumili siya ng tsinelas. So, [laughs] nakapalda siya tapos naka tsinelas siya. Hindi kasi siya sumunod sa ano eh... Anyway... you have to be friendly because it's one way of increasing your sources or contacts. Kung friendly ka, maraming makikipag-kaibigan sa 'yo. Kung marami kang kaibigan, marami kang contacts. Pwedeng, um, well, kung hindi man sa ngayon, magagamit mong lahat sila but there will come a time na aanuhin mo rin sila eh, hihingin mo rin yung point nila or na kailangan mo silang makausap. So, diyan lang sila. Be friendly lang. Be friendly mula, from the sosyal to yung mga tindera, mga janitors, messengers. Ayun pa, isa pa, huwag kang mamimili ng taong hini-hear mo o kinakausap mo pag nasa media ka na because hindi mo malalaman na yung pinakamaliit na tao, siya pa yung pinakamagandang source ng story mo. Sasabihin ng isang tagatinda ng sigarilyo, "Sir, dumating na po yung opisyal". Samantalang denedeny ng mga ano na hindi pa dumarating. Nandyan na eh... mga tipong ganoon. Ano pa? Basta yun yung mga basic traits.
Q: Thank you po sir. A: Okay. Thank you din. Requintina was born in Quezon City. He majored in communication arts at FEU. He has been a journalist since 1987. |