SIY. 1st question po. What were the things that made you realize to become a journalist? Bakit niyo po na-decide na maging journalist?
ROSARIO. It's just some sort of an accident kasi I started out working 17 years old and si Sec. Blas Ople pa nun. I was then a photographer. Nag-aral ako and I belong to a family of writers.
Q. What was the first newspaper you worked for and what was your job there?
A. I worked with an office news organ, newsletter, in the Ministry of Labor and Employment then nagtayo kami ng tabloid, newsletter din, for the workers, mga Sakada ganun. Actually, it's more on, it's part of the community work, community organization project tapos kami yung nagsusulat, kami yung photographers.
Q. So hindi po dito kayo nagstart?
A. No. Ano pa lang ako, working student ako. Then I applied with the Evening Post. Tapos tinanggap ako sa Evening Post bandang huli dito ako. Mas gusto ko sa Bulletin because during that time, Martial Law, Marcos era pa nun. Well, matatag ang Bulletin. It's still the leading newspaper sa country. Evening Post, kung baga mas stable sa Bulletin.
Q. Tapos hanggang ngayon sa Bulletin pa rin kayo?
A. Yeah. That was 16 years ago.
Q. Wala po ba kayong balak lumipat or something?
A. Hindi na. Ang problema, dapat kung gagawa ka ng career decision, dapat pag bata ka. I'm now 42. Dapat pag decision, 30 or 25 ganun. Palipat-lipat ka nun saka ka magsesettle down.
Q. Did you become a cub writer/reporter before, Sir?
A. Oh, yes. Correspondent actually ang tawag namin dun.
Q. Sir, how was it before? Paano po kayo tinitreat ng mga superiors niyo?
A. Superiors…kasi I was treated…regular guy lang. Wala namang problema.
Q. Ayan, Sir! Ok na.
A. Cub reporter noh?
Q. Cub reporter po.
A. Ano nga ulit yung question?
Q. Nagstart po kayo as a cub reporter…
A. As a correspondent. We call it correspondent. Kasi yun yung pinakaumpisa. Sa police field ako. Tanong mo kung I was treated differently. As long as you're willing to learn, alam mo na hindi ka magaling, hindi ka mas marunong kaysa sa kanila. Medyo pinapakita mo talagang gusto mong matuto.
Q. Sir, paano naman po yung treatment nila? Yung treatment nila sa inyo? Fair naman po?
A. Yes. I belong to a big newspaper kaya hindi ako puwedeng isnobin puwera lang halimbawa, kung yung dyaryo mo nun Bulgar, mga small papers, talagang hindi ka mapapansin, unlike sa Evening Post. Between Evening Post and Manila Bulletin, kahit na regular staffer ka, regular reporter ka ng Evening Post, pagkatapos magkakaharap kayo ng correspondent ng Manila Bulletin, mas gusto ng mga news sources na dun ka sa Manila Bulletin kasi mas siguradong babasahin ng mas maraming tao, di ba?
Q. Ano po naman yung mga natutunan ninyong lessons as a cub reporter?
A. Ano? In terms of professional? Right conduct? Yun nga. Sabi ko, you have to be humble. You have to, basta ipakita mo sa kanila na hindi ka kasing galing nila.
Q. Parang unique po kayo?
A. Of course, nandun yung competition. You have to compete talaga pero yung magmamarunong and nag-iisnob ka ng ibang reporters…nag-iiskupan kami. Kailangang makipag-iskupan ka. You cannot earn their respect kung hingi ka ng hingi ng istorya. Kailangan iskupan mo sila. Doon nila makikitang marunong ka. Tapos isa pa, pinakamaganda diyan, you have to, alagaan mo dapat yung news source mo. Iyan talaga yung magpapasikat sa iyo. Kahit na wala kang istorya, sometimes your news source, you must act and behave like a reporter. Kung baga alam niya kung ano yung balita. Yun yung magagandang lessons. Although dun naman sa pakikisama, kailangan din pero hindi na masyadong importante yun.
Q. Sir, ano po yung pinaka-una niyong assignment?
Ben: Assignment? Yung una kong assignment was the case of Vic Sotto.
Elaine:Vic Sotto po…
A. He was being sued then by, Vic Sotto and Joey de Leon. It was a press conference called by the lawyer of the late Pepsi Paloma. Pepsi Paloma…bata ka pa siguro nun, baka hindi ka pa ipinapanganak nun, ah hindi, ipinanganak ka na nun. Mga 1 year old ka na nun.
Q. Hindi ko pa kilala.
A. Si Pepsi Paloma…Siya yung sikat na, kung baga yung sikat na Rosanna Roces ngayon. Siya yung bold star nung araw. Itong si Pepsi Paloma, according to her, ni-rape daw siya ni Vic Sotto and Joey de Leon. Ayan, nagpapress con sila. Ang press con nila was to announce that inuurong na nila yung demanda. And the press con was held by, batang-bata pa nun, now si Sen. Rene Cayetano. Although that story never came out. Ang una kong istorya na lumabas eh yung kay Lydia de Vega. It was an exclusive story kasi si Lydia de Vega then was one of the country's top athlete, siyempre, alam mo na, sikat na sikat ngayon. Pride of the country. Pero ang ironical dito, pinapalayas siya dun sa bahay nila. Squatter lang pala sila so yun ang lumabas na istorya. Yun ang first story ko.
Q. So, sir, what year did you start to work as a journalist?
A. Mag-aadition pa ako? Bawas mo na lang. 16 years na ako ngayon eh. 1983? Tama ba? Basta ganun.
Q. Mga 80s po. Describe niyo po yung workplace dati? As in compare niyo ngayon.
A. Workplace? Where? In the beat sa Bulletin?
Q. Siguro sa Bulletin na lang.
A. Sa Bulletin, walang computer nun. Typewriter lang lahat. Ok, when you, magpapadala ka ng istorya, kailangan telepono ang gagamitin niyo and may magtatype, nakaganun. Walang fax nun. Wala pang modern communication. Saka napakawalang hiya ng PLDT nun. Talagang solo nila.
Q. Sa facilities po, yung mga buildings…ganun.
A. Buildings…it's the same building. Although nagkaroon na ng mga harang-harang ngayon. It's the same people. Karamihan nandyan pa rin. Old time Bulletin. May radio communication na kami nun. Nag-iimprove naman. Ano pa ba? Yung ginagamit nung press, ibang klase. We have been relying on offset printing. Bago ang printing press ng Bulletin. Pinakamodern in our country and I think in Asia in Southeast Asia.
Q. Uh, Sir, what was your starting salary at the Bulletin?
A. Correspondent…I was receiving then mga 300 pesos per month.
Q. 300 a month. How about here, Sir, in the Bulletin?
A. Oo. Bulletin nga. Correspondent kasi nag-umpisa ako dito.
Q. Correspondent po kayo dito.
A. Pagkatapos yung starting ko nung naging regular ako, I think that was 3000 pesos.
Q. So Sir, do you think that yung salary niyo is enough po to support your family?
A. Well, siguro kung pakakainin mo lang araw-araw ang pamilya mo, kung hindi mo bibigyan ng magandang education, ieenroll mo sa ordinary schools, kulang siyempre. Well, siyempre, kailangan magtrabaho din ang wife mo. If you rely on sa suweldo namin, talagang tagilid. Hindi ka mabubuhay. Although hindi comfortable, hindi ka rin masyadong hikahos.
Q. Sir, who is the writer in our country, alive or deceased, who you admire most?
A. Uh. patay na siya. His name is Pert Franco. He was a senior reporter at GMA7.
Q. Sir, bakit niyo naman siya nagustuhan?
A. Si Pert kasi, idol ko na siya. Actually, talagang nasa dugo na niya ang pagiging reporter. And of course, Ramon Tulfo. He was my former boss. Silang dalawa ang yung parang nagturo sa akin. They introduced me to Journalism. Si Ramon Tulfo, he taught me how to write paminsan-minsan. Si Pert Franco naman, he taught me how to gather news stories tapos how to deal with criminals and crooks in police service kasi police reporter ako nun eh. Katulad ni Ramon Tulfo, yung guts sa pagrereporting, nakuha ko yun kay Mr. Tulfo. Actually, kaya nga lang lumalaki ang sahod ko kasi yung salary niya sa pagcocolumn sa Bulletin, sa akin napupunta. Ganun kabait yan. Matulungin. Sino pa yung mga idol ko? Yung ibang idol kong magagaling na writers like Rusty Otico who is a newsdesk sa Philippine Daily Inquirer, Ding Marcelo who is a sports editor dito sa Bulletin, Recon Trinidad ng Inquirer, Jun Bandoyrel, Malou Mangahas, kumare ko yun. Mga idol ko iyan, magagaling iyan, kaya lang hindi ako nagmana.
Q. Sir, how does the editors treat you in terms of accuracy, ethics, grammar and aspects of writing?
A. Isa-isahin natin.
Q. Sige, sa accuracy?
A. Sa accuracy, no problem. I'm very accurate. Mayabang na pero totoo yun.
Q. Straight to the point po.
A. Direct to the point. Ang Bulletin, hindi naman paliguy-ligoy iyan eh. You have to be conservative in writing kaya laging accurate kami and very specific. You have to be very precise. Talagang wala kang although hindi naman sila istrikto, kapag alam nila that you follow the language. Kapag iniba mo yung language, tawag nila dun eh, kapag sinalsal mo yung istorya, mahahalata naman.
Q. Sa ethics?
A. Sa ethics, hindi rin naman sila istrikto. They don't give a damn kung anong gagawin mo as long as you deliver the news. Of course, ang mas strict dito yung management, yung upper management. Sa editorial, hindi masyado. Hindi na kami pinagpapaalahanan kung anong gagawin. Iyan ang kagandahan sa Bulletin unlike sa other papers na pinipilit talagang maging ethical.
Q. Sa grammar naman po?
A. Sa grammar, hindi na kami, unlike before, dati nung bago ka pa lang. Tinatawag ka. Minsan mapapahiya ka pa. Sisigawan ka. "Hoy! Ano ba itong istorya mo? Mali ang grammar mo! Tama ba yung Subject-Predicate? Tama ba itong tense mo?" Malakas iyan. Maririnig ng mga kasama mo. Talagang ganun ang pagiging journalist. Napapahiya ka kung minsan. Siyempre, hindi ka naman perpekto. Ano pa ba?
Q. Sa style of writing po?
A. Wala sa style of writing. Sabi ko sa iyo, very conservative and straight to the point ang Bulletin. Wala ng paliguy-ligoy pa and kailangan iniiwasan namin sa lahat yung libelous. Bibira ka tapos walang back-up. Yung simpleng-simple journalism. Kung ano yung pinag-aaralan mo, yung who-where-when ganun. Magkakasama lahat yun. Tapos halos walang ibang sinusundan talaga. Walang pagbabago ng style. Kung ano yung naumpisahan namin 16 years ago. Hindi mo na kailangang I-featurize.
Q. Sir, how do you handle pressures especially when it comes to deadlines?
A. Hindi ko na alam eh kung paano kasi nakasanayan na. It's no longer, katulad nito. Kaya ko ito dala-dala (paper). May deadline pa ako.
Q. May deadline po kayo.
A. Heto yung isasara ko. Pressure…napepressure pa ba ako? Palagay ko, hindi na.
Q. Pero dati po. Paano po yung kapag may deadline kayo tapos wala kayong masulat?
A. Ah, kapag walang masulat. Bulletin is not very strict. Kung wala kang masulat, that's your own lookout. Kung correspondent ka, wala kang madeliver, sorry ka.
Q. Hindi lalabas…
Ben: Hindi. You're not going to earn anything. Wala kang pera. Kung correspondent ka, kung ano ang sinulat mo, yun yung babayaran sa iyo. Unlike sa kapag regular ka, ang iniintindi na lang namin is the by-line saka yung natural competition in the field, yung iskupan. Iyan na lang yung iniintindi namin. Pero dun sa deadline, the Bulletin has a late deadline. It's 7 o'clock. As far as the other papers, kailangan dapat 3 o'clock, nandun na yung istorya mo. Bulletin, 7 o'clock, ang luwag. No problem. Puwera na lang kung deskman ka. Kaya nga sabi ko sa iyo, I still have another page dun.
Q. Sir, di ba umabot kayo ng EDSA Revolution?
A. Iyan ang pinakamasaya.
Q. Sir, how was it? How was the press then?
A. Then?
Q. Kasi hindi ba after Martial Law…
A. Kopyahan din. Actually, lugi ako. Ako yung kinokopyahan. Ako yung pumupunta ng field tapos pagdating ko sa police headquarters, ako yung kokopyahin ng matatanda. Medyo bata-bata pa ako nun. Masaya. Masaya ang EDSA. One of the best coverages I did. Ang very memorable sa akin eh EDSA Revolution and Ninoy Aquino funeral. Binaril siya nun. Pero yung EDSA, actually, kasi dun ako nakabase nun sa Kamuning. So lahat ng, EDSA yun eh, so nacocoveran ko lahat from Ortigas to Makati to Bon Avenue. Nandun lahat. Alam mo kung sino talaga yung mga heroes of EDSA.
Q. So nakita niyo talaga lahat?
A. Yes. Nakita ko lahat. Si Lim, hindi. Baka akala niyo, si Lim, hindi hero of EDSA. He was never a hero in my book.
Q. Sir, how about the press today? Do you think that the President is threatening the freedom of the Press at the country?
A. Ganun na siya noon eh. Kasi I covered ERAP, mayor pa lang siya. During that time, I was the President ng Press Corps ng Northern District. That was from Valenzuela to San Juan, Quezon City. Medyo mataas yun nung ako yung Presidente ng Press Corps. Ganun na talaga si ERAP. Talagang pikon, talagang lasenggo, hindi lasenggo, babaero, masaya nun eh. Erap then was very protective sa mga tao niya tapos sa mga katabi niya, sa mga pulis niya. Actually, binibira namin siya then sa juetengan at sabungan, very rampant ang sugalan. It seems that he didn't want to do anything about it. Iniisnob niya lang yung media and iilan lang naman kami. Ang kaibigan niya roon, although more on, yun nga, sabi ko sa iyo, pikon. Kapag tinanong mo, minsan hindi ka sasagutin. Vindictiveness, hindi ko nakita nun. Hindi ko nakita na naging vindictive siya. Although siguro noon, he was then a mayor of a small town in San Juan, that's in Metro Manila. Kapag pipintasan mo, wala pa siyang masyadong power and he can't afford to be vindictive then. Hindi niya kayang labanan ang media nun. Unlike ngayon, kayang-kaya. Tingnan mo nangyari sa Inquirer. Mukhang wala na. Taghirap na ang Inquirer ngayon. Sige, ano pa?
Q. Sir, what do you think are the limitations of a writer? As in, hanggang saan lang siya puwedeng magsulat?
A. He can write anything. Bakit magiging limitado?
Q. He can write anything?
Ben: Oo, as long as not libelous, as long as you take care, not to trample vped, the rights of the others. Yung others, hindi mo sasagasaan. Kahit anong isulat mo, walang diperensya yun. Writer ka eh. Kung gusto mo sumulat tungkol sa buhay ng may buhay, bakit hindi? Basta hindi ba…eh yun na nga yung ginagawa natin eh. Habang hindi naman nakaka, as long as, the most important of all is the public interest. As long as you believe you are protecting the public interest, walang problema yun. Isulat mo.
Q. Sir, do you think that the Manila Bulletin should compete with the other newspapers?
A. It's very competitive. It is competing.
Q. How does it compete?
A. In terms of, ano ba? Saan ba kami nagcocompete? Sa balita, hindi ba? Nakikipag-iskupan kami.
Q. How about production? Tachnology?
A. Oo, kaya nga yung press namin ngayon, yung mga printing press namin, state of the art. Talagang napaka, katulad nito, almost 30 minutes to 1 hour, kunwari kapag nagsara kami ng pahina, in 30 minutes to 1 hour, nandyan na yung dyaryo mo. Pinakamoderno, I think, in Asia, sabi nila.
Q. Sabi nila…
A. Totoo naman kasi. Wala namang nagdidistribute dito. Competition in terms of editorial contents…iba-iba kasi. Kanya-kanyang editorial policies yan. Katulad ng Bulletin, it's not like Inquirer na bira dito bira doon. Ang Bulletin is more on hindi masyadong, the writing theme is conservative. Hindi kami nagbibira. Mas marami pa ngang puri dito. Kanya-kanya naman iyan. Maraming nagbabasa ng ganun, maraming may gusto ng ganyan. Kaysa habang binbasa mo baka atakahin ka sa puso, sa Bulletin hindi. Kasi meron dito ng, sa tingin namin, halimbawa, kung mag-susubmit ka sa akin ng istorya na medyo sa tingin ko ay libelous, hindi namin inilalabas yun. Sa tingin namin kulang, kailangan pa ng data, kailangan pa ng support, hindi namin inilalabas yun. Very careful kami. Ewan ko, nagkiclick naman, so far. Ilang page? We'll be coming out with 90 pages tomorrow. Tomorrow's Monday. Anung dyaryo ang nagna-90 pages? It's only the Bulletin. Sasabihin nila puro ads. Kaya puro ads, maraming nagbabasa.
Q. Maraming gustong mag-advertise.
A. Marami kasi very effective. Ibig sabihin, marami ang nagbabasa ng dyaryo mo. Kaya kumapal, 90 pages, biruin mo.
Q. How about, Sir, with the other media instruments such as radio and television? How do you compete with that?
A. There is no point of comparison. Ang electronics media, mas effective iyan kaysa sa Print. Sa totoo lang, mas effective yun kasi mas mabilis siyang nakaka-influence ng tao pero ang problema naman sa electronics media, in radio, maiksi ang oras unlike yung Print, puwede mo ulit-ulitin yung binasa mo.
Q. Anytime.
A. Kinabukasan, basahin mo ulit. Siyempre, mas mabilis yung impluwensya, maka-impluwensya, yung radio and TV pero mas lasting ang Print sa tao.
Q. Sir, did the state of the Philippine Press grow/change for the better/worse? Mas okay ba yung dating press?
A. Siyempre, mas maganda ngayon kasi we have how many papers do we have now? We have at least 20 papers now, kasama yung Bulgar, kasama yung Toro, kung anu-anong dyaryo dyan. May Tiktik pa, sa bagay Tiktik, that was pre-Martial Law paper nga pala. Mas maganda ngayon yung competition, mas libre lahat ngayon, mas smooth ngayon, mas lumalabas yung totoo ngayon dahil yun lang naman yung ma-o-offer mo sa tao, yung totoo.
Q. Sir, do you still see yourself in this business for a long time? As in, hindi niyo ba gustong lumipat ng ibang job or establishment?
A. No, I'm 42 na kaya nga sabi ko, 42, mahirap ng maghanap ng ibang, ano bang gagawin ko?, hindi naman ako puwedeng artista.
Q. Hindi, Sir. Gumawa ng sarili niyong business or something…
A. No. I am into, kaya nga, sabi ko sa iyo, kung aasa ka sa dyaryo, hindi ka… I have a restaurant. I'm running a restaurant. Kakafall-out lang ng mga video shops ko dahil sa mga ACA and Video City. Malalaki ang mga puhunan nung mga nun. Nagnenegosyo na ako. Kailangang magnegosyo. Kung may kaunto ka, ilaban mo sa negosyo. Kung gusto mong magpagutom pati pamilya mo, magreporter ka sa Print.
Q. Sir, sa tingin niyo, kung hindi kayo naging journalist, ano kaya yung job niyo ngayon?
A. Ngayon? Siguro, lawyer siguro. I was planning then to take up law but yun nga, I was 17. Paano ka makakapag-aral nun? Nagtatrabaho ka na tapos pag dating ko ng 21, nagsusubmit na ako ng mga istorya ko sa dyaryo. Masaya na ang buhay ko nun. Yung mababasa mo yung pangalan mo. Tapos pagdating ko ng 23 or 24, nandito na ako sa Bulletin. Correspondent pa lang ako nun. Nagsusubmit pa rin, naging formal correspondent ako nung kailan lang naman.
Q. Sir, was it financial kung bakit hindi kayo nakatapos ng school?
A. More on, financial, actually hindi. Kaya naman ako pag-aralin ng magulang ko.
Q. Ayaw niyo lang talaga? Ayaw niyong mag-aral?
A. Nag-aaral naman ako pero sasabihin ko sa iyo, mag-law pa, hindi na. Ngayong kumikita na ako kahit papaano tapos masaya pa ako sa buhay at trabaho ko. Yun lang naman eh. Yung satisfaction naman eh. It's not just the financial aspect. Kung masaya ka na, nakikita mong nakakatulong ka. Well, oo nga pala, naging Bgy. Captain pa pala ako. Ibig sabihin, basta masaya ka sa ginagawa mo. Yun nga lang, pag ka you no longer enjoy your job katulad ko, nag-e-enjoy pa ako, dapat maghanap ka na ng ibang magagawa.
Q. Sir, in your journalism career, were you ever charged of any criminal offense?
A. What do you mean criminal? Libel?
Q. Libel. Nasue na ba kayo ng libel?
A. Oo. I was sued for libel many times. I think 6 times. All of them, they were dismissed except one, yung sa Iglesia ni Kristo na na-file sa court and talagang malaking mali rin yun. I didn't bother to check my news source. I relied more on my source. Medyo nagkamali ng bigay. I didn't bother to check the data or documents or kung ano man yun.
Q. Natalo kayo dun sa case?
A. Actually, tabla lang eh kasi talo kami kasi the case was filed before the regional trial court then nag-apologize kami sa Bulletin. Parang talo na rin. Pag nag-apologize ka, aminado kang nagkamali ka which is talagang nagkamali.
Q. If you were given a chance to change one thing in your life, what would it be?
A. Ano?
Q. Sa life niyo? Ano yung nireregret niyong ginawa niyo?
Ben: Nireregret ko…wala. Masaya naman ako. Bakit? Anong kinalaman? Ah yung sa personal…
Q. Ah, hindi po. Sa Journalism career po.
A. Isa lang ang babaguhin ko sana.
Q. Ano po?
A. Ah, dapat nagpakadalubhasa ako sa Broadcast Media. Para hindi ako nakikinig kay Noli de Castro, sus Maria naman, sila Ted Failon kasi nag-e-enjoy ka na, kumikita ka pa nang malaki.
Q. Sir, what advice could you give to the young and aspiring writers? As in anung puwede nilang gawin para tumagal sa industry?
A. Ang isipin mo lang palagi, tomorrow, you'll be learning a new one. Parang non-stop yung learning process sa pagrereporter and bukas, iba na naman ang istorya mo. Iba na naman ang matututunan mo. Ibang pangyayari na naman. Yun ang kagandahan nun. Ngayon, if you want to do that, kung gusto mong ganun, lagi na lang nadaragdagan ang kaalaman mo, you stick with journalism. Siyempre, importanteng matulungan mo sarili mo, mayaman ka naman, siguro mas maganda kung makatulong ka. Just stick to the truth tapos tingnan mo, baka marami kasing dapat tulungang ibang tao eh. Lalo na yung mahihirap.
Q. Sir, in terms of educational background, sa tingin niyo ba na yung pinakarequirement para makapasok yung isang tao sa isang newspaper?
A. No. Kahit na hindi graduate, as long as alam mo yung ABC ng Grammar.
Q. Sir, Paano ba yung hiring process dito?
A. Yun yung hinahanap nila. Yung mga graduates pero kung sa dyaryo ka, you should know the news. Meron pa nga akong kasama noon, hindi nga graduate ng high school. Patay na kasi yun. He started out as a driver of Manila Times and then he scooped everybody tungkol sa pagsuko ng Huk Supremo, Luis Taruc. Oh, naging reporter na siya, simple lang.
Q. Sir, how about the working hours before? I mean, usually, gaano kayo katagal nagwowork dito sa Bulletin?
A. Hindi, nasa field kasi ako dati. Ngayon, ang work ko ay sa House of Representatives tapos sa hapon, tumutulong ako para magsara ng pahina kasi we have so many pages. Yung work hours…aabangan mo lang kung may press con tapos dun ka. Standard naman. Hindi naman tuluy-tuloy yun. Minsan sa umaga, puwede kang pumasok ng ala-una, alas-dose, makukuha mo na yung balita dun. Mag-iinterview ka lang. Ano ba yung interview? 5 to 10 minutes lang. Ayun lang, balita na yun. Magfofollow-up ka ng istorya, magscan ka ng balita tapos tingnan mo kung ano.
Q. Sir, pero meron bang instance na umabot kayo ng 24 hours kayo walang sleep?
A. Oo, yung EDSA pati yung coup. Non-stop talaga nun. Nandun kami sa mga kalye. Natutulog sa mga sasakyan dun sa sidewalks.
Q. Sir, ano naman yung mga sinulat niyo during EDSA?
A. Kung ano yung nangyayari at kung sino yung mga nagbabarilan. Oo nga pala, hero nun si Aguinaldo dahil nakita ko talaga sino talaga si Aguinaldo. Napakatapang na tao iyan. Nakita ko siyang nakipagbarilan sa helicopter nun. Hindi ko pa siya kilala nun.
Q. What were the top 3 news that you've covered? Aside from EDSA.
A. Yung coup.
Q. As in nandun kayo, Sir?
A. Oo. Magtatago ka habang binbaril ka. Nandyan yung bala sa gilid mo. Ganun lang naman. Nandito ka sa tabi tapos tinitingnan mo nandun. Nagtatago ako nun sa may bahay ni Amy Austria, yung artista.
Q. Nandun din sila?
A. Ah, hindi. Nandun sila sa bahay nila. Eh nagbabarilan sa kalye. Nandun lang ako between sa bahay and the kalye. Nasa sa sidewalk ako.
Q. Sir, hindi ba kayo natakot nun? Parang iwas na lang kayo…
A. Matatakot ako kapag pumasok yung bala sa bunbunan ko. Makapal naman yung concrete na kinalalagyan ko.
Q. Kayo lang nun, Sir? Wala kayong kasama?
A. May kasama ako nun. Si Martin Marfil yata ng Inquirer. Tempo pa siya nun eh. Yun yung ka-buddy ko nun. Ano pa ba exciting? Puro barilan eh. Yung barilan naman sa Bago Bantay, mga nagwawalang NarCom police agents nakikipagbarilan sa mga pulis, mga sundalo at pulis pala yun. Yung strafing naman sa E. Rodriguez, in Libis, maraming patay nun. Kung makikita mo, habang binabaril, hinahati ang katawan.
Q. Ganun ka-dangerous?
A. Ganun. Ganun ka-grabe.
Q. Pero pinursue niyo pa rin yung pagsusulat?
A. Exciting naman eh. Mali, mas dangerous, hindi naman ikaw. Mas dangerous yung trabaho ng mga photographers. Ang photographer, kung wala kang lenteng mahaba, patay ka. O kahit na may lente kang mahaba, mas gusto mong nandun ka sa aksyunan. Unlike kami, kahit sa malayo, nakikita namin. Puwedeng tumingin lang. Pero minsan, hindi naman lumalayo sa iyo yung danger. Lumalapit katulad ng ikinukuwento ko sa iyo, maraming barilan. Suwerte lang. Malay mo mamaya eh pagtawid ko dyan mamaya eh masagasaan ako ng pison.
Q. Sir, gusto niyo bang mamana ng mga anak niyo yung journalism?
A. Hindi. Gusto ko yung mga anak ko maging Presidente.
Q. Wala ba silang hilig?
A. Wala eh. Ako lang siguro yung nagkahilig. Yung isa, gusto ko siyang maging basketball player, mas malaki ang kita ng basketball player eh.
Q. Sir, sinu-sino po sa family niyo yung nasa Journalism?
A. My father was a former journalist. Katulad ko siya eh. Habang nag-aaral, nagsusulat.
Q. Who is your father?
A. He is a lawyer, a government corporate lawyer. Retired na siya eh. Although sumusulat pa rin ng write-ups. Magaling sumulat yun. My brother is a columnist sa isang tabloid. I was also before a columnist. My uncle was before a columnist at the Philippine Post. He's now writing with another paper. Ewan ko, baka sa Manila Times ata saka sumusulat din siya kay Ople. My younger brother na writer ngayon sumusulat. Yun lang.
Q. Sir, wala bang competition?
A. Wala. Respetuhan lang naman. Kanya-kanyang field iyan eh. Tingnan mo, makapagcompete ba ako sa speech writer?
Q. Sir, where do you think the Philippine Press is heading to? I mean, kasi parang meron daw technology sa InterNet na mababasa mo na yung news?
A. Parang malayo eh. (Interruption) Yung sa InterNet kasi bihira pa iyan. Hindi pa mangyayari iyan. Siguro mangyayari iyan pag may…eh ngayon nga sa may parts of the country, they still rely on sa balita na pagdating sa kanila ng dyaryo eh 1 week old na. So kailan pa yung nasa InterNet na iyan? Saka palagay ko, hindi mangyayari iyan. Medyo siguro kapag tumaas pa ang antas ng buhay natin, siguro, pero as of now, Philippine Press is still a very reliable source of information saka it's still the best from this time going forward. This is the best to draw, to improve, kasi nakakatulong yung technology. Although ang sabi nila, ang diyaryo, tuloy pa rin iyan. Ewan ko lang. Kung ang tao siguro ay tinamad ng magbasa ng dyaryo, siguro, mawawalan ng saysay ang dyaryo. Pero as of now, kahit na sabihin niyo na 50 years, nandyan pa rin iyan, yung Print Media, buhay pa rin iyan.
Ben Rosario was born on May 25, 1957, in Manila, and studied journalism at the Lyceum of the Philippines. He joined the Manila Bulletin in 1983.