Manolet Santiago: Philippine Journalism Oral History
Subject: Manolet Santiago
Date of Interview: December 2, 2000
Interviewers: Katrina Hassaram and Kristina Hassaram

HASSARAM & HASSARAM. Magandang hapon. Nandito ho tayo ngayon, kasama si Mr. ManoletSantiago, isang photojournalist. Uhm, so, pano, pano ka naging isang photojournalist?
SANTIAGO. Dati kase, ano, palagi akong sumasama sa daddy ko. Ed Santiago, photojournalist sa Express. Ako taga bit-bit ng camera bag niya. Yung parang lang na alalay, tapos nung makita kong maganda yung ano, ah, maging photojournalist pala, ah... nag-ano ako ng ano, pahawak-hawak ng camera. Pagkukuha siya, sumasabay din ako. Shoo-shoot din ako. Nakita niya mahilig din ako kaya tinuruan niya ko. Yung actual na kung papano yung, sa pagkuha ng litrato, pag-gawa sa laboratory, pag-processing ng black and white. Ayan, ayun na. Ahh, hanggang sa maging ah... nawala sakin yung ano, yung... non, commerce ako eh, management... nabalik na camera ang hilig ko.

Q. Ilang taon ka na nung unang-una ka nakahawak ng camera?
A. Siguro mga twenty... twenty-five, twenty-six. Nagsasama-sama sa kanya.

Q. Ano yung unang naging trabaho mo?
A. Hinde, ah. Sa Journ, Women's Journal ako eh. Yung mga fashion photography, pupunta ako sa mga assignment ko yung ano eh, sa Seventeen magazine na Women's Journal. "Candid on Campus" Mga assignment ko yung interviewing... merong questionnaire na anseran ng mga estudyante. Tapos kukuha ako ng isang litratong portrait. Tapos nung '82, eh '82, nag bukas yung Tempo. Kinuha ako ni Recah Trinidad, yung editor, ni Recah. Yun nga, doon kami nagkakilala ni Jenny Santillan.

Q. Ahh... so yung first editor mo si... si...
A. Si Melba Bartolome sa Seventeen magazine, Women's Journal.

Q. So anong pa yung... pagtapos ng Women's Journal ba yon?
A. Yun nga, Tempo '82 hanggang '89.

Q. Hanggang '89, tapos non?
A. Di naka-strike kami nang '89. Nag free-lance ako sa diaryo sa Canada. Pero ang coverage dito rin sa Manila. Mga rally-rally. Pero yung litrato pinapadala ko sa Canada. Philippines reporter... Canada. Tapos ng Canada, lumipat naman akong Malaya 1995. Hanggang ngayon sa Malaya. Kay Jake Macasaet.

Q. So, may mga unforgettable experiences ka ba? Kunwari sa mga historical events dito sa Philippines?
A. Yung dalawang... sa mga ano lang rally-rally na...

Q. Paano ka naging involved?
A. Farmer's rally sa Tempo. Pinacoveran, yung mga dispersal na yung maraming namamatay na farmers. Yung pinagbabaril na, ano, mga marines...

Q. Na-witness niyo yon?
A. Oo... kase may dispersal... kumukuha kami, nasa harapan kami. May mga kuha ako na ano... mga binubuhatan... (na farmers, na binaril ng mga marines)

Q. For Martial law, were you involved?
A. Di ko naabot yung Martial law eh... hindi... '82, '83 yung ano...
Mrs. Santiago. Martial law yung...
A. Oo, yung mga rally-rally nga, sa Tempo.
Mrs. Santiago. Ninoy.
A. Ninoy.
Mrs. Santiago. Mga dispersal, '82.
A. Mga rally na dispersal.

Q. Uhh, sa mga naging editors mo, ano yung mga... hindi mo makakalimutan na encounter sa kanila? Kunwari... napahiya ka or napagalitan ka...
A. Yung ano, nung minsan kase, si ano, yung kay Rudy Navarro, sa sports editor ng Tempo. Pina-cover niya ko ng karrera. Eh, meron akong kasamang sports writer, si Clyde Mariano. Eh si Clyde kase, hindi masyadong maintindihan nung sa karrerng nang na ano... Tapos ginawa ni Rudy, pinakwento sakin yung takbuhan ng karrera sa Sta. Ana. Dahil hindi kase naintindihan yung, story ni Clyde Mariano na parang inano lang eh... kung anu-anong linagay sa storya, walang... mga kulang-kulang detalye. Eh ako lang non medyo nakaintindi, yon. Pinakwento niya sakin na yon eh... simula, patapos... ang masakit...linagayan niya ko ng ano... yung parang bi-line sa ilalim, eh hindi ako sumulat. Sabi ko sa kanya, sir wag niyo ulitin ganyan. Ayoko ng ganon na... pwede sa litrato, caption, pero yung... Eh hindi eh. "Ikaw naman kase nag kwento sakin" Sabi ni sir. Hindi naman ako writer na ano eh... photographer. Yon, linagay niya yung bi-line nga. Siempre nakakahiya sa kasamahan ko na dapat sa kanya yon. Eh hindi daw niya ma intindihan yung storya... yon.

Q. Okay. So sino pa ba yung mga colleagues mo na mga memorable?
A. Mga kasama ko na sikat ngayon, ah si Albert Garcia, yung...e... edit... (photojournalist ng Manila Times nagyon)

Q. Saan mo siya nakasama?
A. Sa Tempo. Siya yung (chief photgrapher ng Tempo) namin eh. Siya yung nakuha sa Mt. Pinatubo na nanalo sa World Photo Contest. Ngayon, siya ang chief ng Manila Times ah... Siya ang Photo Editor at saka Photo Journalist sa Manila Times. Si ano rin, si Luis Liwanag. Yung ah, magaling din na parang si Albert.

Q. So uhm, sa mga colleagues mo, parang, sa photo, photo ano, diba...
A. Journalism

Q. Photojournalism. Is it parang, competitive? Like writing... kunwari, is it competitive rin? Kase diba, photography, kukuha ka ng scene... so, as a team ba, yung mga photojournalist?
A. Hindi, ang ano, ang mahirap lang sa amin kase, kunwari kase sa police, nagsimula, kunwari nga, sa police, nag-cover din ako. Siguro mga three months eh, bago nag...Ano kase, iba-iba eh. Police, fashion, entertainment, ah, sports... Kailangan kase...

Q. Pareho lang yung mga beats?
A. Oo, iba-iba kaseng ano eh pero sa photos kase maski saan ka iano ng editor na inutusan ka sa ah...fashion show, ah awarding ng mga artista, sports, mga pictorial na...kailangan kase lahat alam mo eh. Pwedeng sa news na ano...sa mga rally rally, mga ...hindi ka pa pwedeng sa police ka lang, police lang, kailangan lahat matutunan mo.

Q. Walang specialty?
A. Wala, walang special na...kunwari may sunog takbuhin mo, o kaya may barilan don puntahan pag inutusan ka na ng editor, yan. Ang lamang lang ng ano, ng writer samin ah sila maski wala sa...yung kanilang...maski hindi nila naabutan yung ano...kunwari nabaril, sulat lang sila non. Samin kailangan abutan mo yung napatay na...ano ba yon, holdaper ng banko. Sila ano eh, ah, detalye lang nga, nagtatanong lang sa mga pulis na imbistigador. Eh samin, kailangan actual na ano eh...hindi namang pwedeng lagyan nalang ng dyaryo ng ano...kailangan may kuha ka, kung hindi...ah kase yung inabot ko sa Tempo non, ano... hinda ka makaka hingi ng ano, litrato sa ibang dyario na... lalo na kalaban mo. People's Journal...Walang bigayan samin nung araw eh.

Q. So, diba may fashion, may police... May favorite ka ba na... ano...?
A. Hindi, ang dati ano, madalas ako sa news eh, pero pinagaralan ko yung mga ano eh, kase mga human interest, fashion show, sports, yun. Nagyon, madalas ako, puro sa isports. Hanggang ngayon. Pang, pang-gabi kase ako eh. Basta kung kulang sa tao sa umaga pwedeng Malacanang, kay Erap. Basta bigyan nalang, usapan don sa mga kasamahan ko kung kulang ng tao.

Q. May regular working hours ba?
A. Meron, meron kaming ano... pero hindi naman ano... kung gusto kang utusan, kailangan sumunod ka. Kunwari may lakad sa Bicol. Importante anong... lakad sa Cebu...

Q. Kailangan flexible...
A. Mm.

Q. How about yung ano... yung holidays... may holidays din ba kayo?
A. Yung holiday...

Q. Are you entitled to vacations?
A. Hindi yung ano eh... day-off ako... pagsinabi ng, na ng editor na, ah cancel day-off bukas. Kailangan kase natin ng tao na ano... Cancel day-off ka. Hindi ka pwedeng tumanggi na ano eh... Maliban kung may sakit ka siguro.

Q. Okay, ah, sa photographer, sa, sa sa mga office ninyo, may equipment ba kayo don? For photography?
A. Mm. Laboratory na, ako kase ah... kami kase ah... ako kase natuto ako sa daddy ko, ano eh, sa laboratory muna yung kuha ko. Ako magdedevelop ng film, ng negative na ano... ako na rin mag-eedit. Meron kaming lab non pero hindi ko...

Q. Hindi mo ginagamit...
A. Ano kase, mahirap baka masira yan, magalit na... Kaya kung...

Q. Personal use...
A. Oo...nagpro-process ng mga...

Q. Pero may mga facilities?
A. Meron, yung black and white meron, saka enlarger... Pero ngayon kase hindi na ano eh... uso ngayon color na. Kaya kukuha nalang kami, ieedit namin tapos print nalang sa Mabini Photo. Wala kaming color ano eh... pangcolor.

Q. So ngayon, so, matagal ka na rin na nagtatake ng mga photographs... May particular work ba na... do you have a particular favorite work that you're proud of? Na parang... pinagmamalaki...
A. Ah, hindi, yung sa, sa ano... sa photo contest sa bale sports na ano photocontest.

Q. Sabi ni, sabi ni tita Jenny na mas-exciting daw kapag photographer kase uh, minsan uuwi ka na may ano, may dugo sa t-shirt.
A. Hindi, meron kase, nung dispersal ng Mendiola, kase ah, and ginagamit kase nung araw, marines eh... yung mga galing bundok na nila-lim, si lim pa nga n on. Kayayang mga marines, puro mainit ang ulo non... sa Recto, ah... naghahabulan kase pagka ah... kung sino hinahabol ng mga marines, sinusundan naming mga photgrapher kase siempre, kukuha ka ng... eh minsan nagalit sakin ang marines. Na... pati kami pinagpapalo na. Napalo nga yung camera ko eh... Buti hindi ko nabitawan na ano. Natupi eh. Buti nabalik pa yung ano, yung dati niyang lugar na...

Q. So, may experience ka ba na sinabi mo na ayoko na maging photographer after that time?
A. Hindi naman. Nung araw na, hindi kase ako sanay sa news pero... na ano kase... yon ang assignment ko, di yun na. Nasanay ako. Pati tear gas yung mga... yung sa bumbero... babasain yung mga estudyante. Sile Chino Roces sa Mendiola. Eh ano namin na...

Q. Ayon, about yung salary at that time...
A. Ah, mababa! Nagsimula ako sa Tempo, 1,100 lang eh. Tapos umabot ng... bale na resign kami dito ano, '89 eh noh? Nasa ano nako non, 5,500. 1989. Iba naman 5,500 na. Dahil kase meron kaseng union eh. Na every 3 years, tumataas yung ano namin. Pero ngayon, company union na yung ano, naiwan don eh. Kaya wala na silang ano...

Q. Okay... (Mr. Santiago steps out for a while to get his award winning photographs)

Q. So, eto, eto... anong award? Award winning toh diba?
A. First prize sa PBA, 2nd Conference.
Mrs. Santiago. 1999
A. Oo. 1999. Saka December '99 PSA (Triple Deck) photo contest. 1st Photographer Photo Conference. 1st prize din.
Mrs. Santiago. Bale, Sports Photo of the year yan of 1999. Last year's Sports Photo of the year.
A. Eto naman, nung nakaraan lang. Toh, 3rd prize. Ang title nito, "Yikes!"

Q. Yikes.
A. Eto, "Dirty Dancing" nung nakaraan.

Q. Dirty Dancing...
A. 2nd Conference. Bale 2nd prize naman to "Dirty Dancing". Eto, wala toh, panglaban ko lang tong mga bago eh. Tong Conference na tog nasali ko.
Mrs. Santiago. Yung iiba mong first prize?
A. Wala na. Nakatago na yon.

Q. Ano yan, so, pag uhm, uh, kumukuha kayo ano... naghihintay kayo or dire-diretso lang?
A. Mm. Kailangan... Hindi. Kailangan naka abang ka na... kung nasaan yung ano... nakasilip... talo nga ko ngayon sa ano, lahat sila puro auto-focus. Yung sakin luma eh. Yung camera ko, pakita ko sa yo.

Q. O sige.
A. 18 years na sakin yon.

Q. 18 years?
Mrs. Santiago. Eh kase yung, yung uso ngayon, automatic ang focus. Yung kanya manual.

Q. Manual pa rin.
Mrs. Santiago. Oo, kaya yung, yung skills ng, ng... photography skills, masmahahasa kung manual ka eh. Compared to auto-focus, hindi mo na maa-ano yon...
A. Tignan mo oh, 18 years na oh. Tignan mo hitsura oh.

Q. Wow.
A. Lumang-luma na eh. Dito napalo yan. Buti naibalik pa nga eh.

Q. Diyan yung napalo.
A. Oo. Tumupi toh eh. Buti nabalik.

Q. Buti hindi nabasag yung prism.
A. Hindi, hindi naman. Nabalik nitong head niya.

Q. Ba't napili mo PBA? Assigned ka lang talaga sa PBA?
A. Ano kase pang hapon ak, 2-10. Ah... siempre lahat ng hapon na assignment pictorial, awarding ng mga artista... ayan. PBL. Ayan ang na-asign sakin. Mga pang gabi.

Q. Okay. Thank you.
A. Okay na?

Q. Yes.



Manolet Santiago was born on March 4, 1957, in Manila, and studied at the Polytechnic University of the Philippines. He has been a photojournalist since 1981 and, at the time of this interview, was shooting for Malaya.