Radito Torres: Philippine Journalism Oral History
Subject: Radito Torres
Date of Interview: December 10, 2000
Interviewer: Miko Calma and Meryll Chavez

CALMA & CHAVEZ. For the record, pls. state your name and your current position
TORRES. I am Radito L. Torres. My designation is executive editor of formerly our vernacular tabloid People's bagong Taliba but I was transferred and reassigned here at People's Tonight. I carried my new position as chief of correspondents for the three newspapers for the Philippine Journals Incorporated.These newspapers are People Journal, People's Tonight and the new daily of our management Midday Courier which is Courier now, it's the broadsheet of the corporation company.

Q. How did you start in this newspaper business and when?
A. Actually, I started with the Philippine daily express but I'm also in the vernacular newspaper which is Filipino express in tagalog that was some 28 years. I started as a proofreader because when I was out of job then, I have a family to raise I read in the newspaper also from the same newspaper Daily express that they needed badly at least three proofreaders because they have also many publications. They have a magazine the philippine Daily express, evening express, and the Filipino express also the vernacular tabloid of the then administration newspaper. Actually I landed pang fourth meron nang tatlong nauna and the third placer happened to be according to the personnel manager then the third placer is a lady cum laude graduate of mass communication from University of Sto. Tomas but the first two were taken already. Actually they have started already. I was about to give up when after two weeks the chief proofreader who happened to be the son also of the popular Johnny Perez called up my attention sabe niya "pagtiyagaan mo lang at hindi nagrereport yung pangatlo at kung sakaling hindi pa, titignan natin uli yung mga nagexam kung interesado kaya lang mababa ang sweldo and i understood then na kaya hindi nagpupunta kase kung graduate ka with honors cum laude ka at papasok ka lang as proofreader ang salary non ay P555 tapos meron lang allowance. Pero hindi alam nung lady examiner na nakapasa na merong mga overtime during that time sa express Publication. one proofreader will not enjoy any overtime unless dun sa susunod na papalit na grupo dahil three shifts yun na may magaabsent. Di ka pwedeng magabsent kung walang proofreader na hahaligi sayo to take over your place. Pero hanggang lumipas, syempre mga binata kasama ko. May asawa na ko, may pamilya na ko sila laging nagaabsent siguro may date, may mga lakad. Ako na walang ginagawa, pinagtiyagaan ko na hanggang dumating yung mga panahon na naobserbahan naman nitong isang editor dito si Mr. Tony Mortel, who happened to be the editor ng vernacular na Filipino express na maayos ang pagkakatrabaho ko sa kanya. Hindi nga ako pumapalya kaya ang ginawa niya minsan he called my attention. Sabi niya "upo ka muna dito", tanong ko sir, ano pong gagawin ko dito? upo ka muna diyan. Ang naging trabaho ko, ang tawag don catcher dahil noong panahon na iyon hindi pa masyadong ginagamit ung fax machine kaya ang ginagamit ng mga reporter para makapagbigay ng storya, tumetelepono. Ako sasagot, dinidikta sakin Wala pa ngang computer noon so makinilya, dinidikta tapos yung ibang storya na wala yung english version trinatranslate ko, iginagawa ko sa english yung tagalog diretso na. Yun yung isa sa mga advantage ko sa tagalog kasi ang mother ko bulacan. Bulakenyo ako eh kaya hasa ako sa tagalog more or less naiintindihan ko ang pasikot sikot sa tagalog mapalalim man yan, mapasalitang kanto kabisado ko. At ganon nga, unti unti napamahal ako don dahil ako sa pagtratrabaho, mula nang nagdiyaryo ako kung siguro bibilangin ang talagang naging absent ko, hindi naman actually absent, siguro nagday off ako, baka wala pang sampu. Hindi ako nagaabsent, hindi ako nagdeday off miski walang bayad yan, dahil nagustuhan ko ang trabaho at dumating na ang panahon na nagkaroon nung people's revolution, nagsara kami at yung nadevelop kong mag p.r sa editors napaganda. Iyong isang editor dun si Mr. Val Abelgas kinuha naman ni Mr.Rod Reyes, naging press secretary na lumipat dun sa diyaryong itinatayo naman nila which is yung Manila Standard ngayon kaya naging automatic yun. Paglipat ni Abelgas kasama na ko. Later on, after 2 years nagkproblema rin si Val Abelgas doon sa isa sa mga editors sa mga may ari umalis siya, kaibigan ko eg di sumama ako. Mga ilang months din yun pero hindi ko inaalis yung hilig ko sa pagsusulat non. Sumusulat din ako dun sa pamilya Burgos, kina Mr.Roberto Burgos may diyaryo rin sila non, yung sa may malaya, may masa. Sumusulat din ako habang nagsasideline ako sa Quezon City hall. Later on, nagtayo naman ng diyaryo yung isang kaibigan ni Mr. Abelgas, si Col. Cabangon Chua. Kinuha rin niya ko ron nung one of the editors. Noon nandon na kami hanggang yung isang kibigan ko non na dating editor ko non sa Filipino Express si Mr. Tony Martel kailangan niya may katulong siya dahil nga nakita niya yung trabaho ko, "mapapagkatiwalaan ka, pwede kang iwanan sa opisina" niyaya naman ako sa Taliba, yung Filipino newspaper ng Journal Group of Comapanies at nagtuloy tuloy na hanggang ngayon andito pa ako. Actually, dito sa JOURNAL GROUP 13 years pa lang ako pero sa industriya ng pagdiyadiyaryo kung sa tagal ng panahon, mayroong 28 years na. Palipat lipat yun nga lang ang mapapagmalaki ko, minsan lang ako nag apply sa Daily Express at kung makikita tuloy tuloy ang trabaho ko. Malaki ang utang ko sa pagdiyadiyaryo dahil napagraduate ko mga anak ko dahil dito. Yung panganay ko, ngayon reporter na rin siya ng Sunstar, nakaassign sa Malacanang, pangalawa ko naman nasa supreme court na kumuha rin ng journalism yun. nagtrabaho rin sa Chronicle. Pero nagbago ang isip kumuha ng law. Iyong pangatlo ko nasa abroad sumusulat sulat din daw. Yung pang apat ko nasa Manila Hotel. Yung bunso naman hindi niya hilig pero baka eventually... sabe ko mag aral ng camera baka eventually madevelop. Itong pagdiyadariyo hindi naman ito pagalingan. At isa sa mga hinahangaan ko sa nagdiyadiyaryo noong araw si Ka Duroy Valencia, kinekwento niya sa akin nun na hindi naman pahusayan ito, di naman kailangan nakagraduate ka with honors, basta yung didication mo sa trabaho, yun nga lang hindi maganda ang kita dito, pero kung mahal mo yung trabaho, yun lang. At yun ang mapapayo ko sa mga bata, Mahalin niyo 'to, malaki maitutulong sa inyo pero yung kikitain, hindi. Yun nga lang marami ngang mga lang tsismis, merong ibang mga kabataan ngayon, nagrereporter dahil maganda ginagawang delihensya. Hindi naman lahat yan, maaring mga paratang lang pero magandang propesyon ito.

Q. Pero ano yung nag-inspire sa inyo na sumulat?
A. Actually hindi inspiration talagang pangangailangan, wala nga akong trabaho. Lumalaki mga anak ko kailangan mag-aaral kako mga ito. Proofreader ang pinasukan ko bagamat nagaral ako ng journalism kaya may background ako ng pagsusulat. Noong nasa eskwelahan ako, sports ang linya ko sana tsaka gumagawa ako ng literary writings. Itong naging proofreader ako nadevelop siguro hanggang nabigyan ako ng break ng mga boss ko, nagcocolumn ako kasi parang napakagaan sa akin ang pagsulat ng tagalog. Yun nga lang kailangan, maging tapat ka lang. Totoo lang yung isusulat mo. Sincere ka lang sa sinusulat mo. Wag mo lalagyan ng malalabong detalye baka maligaw tayo. Minsan nga naliligaw ako at nagkakamali. Di ko idedeny, ako rin nalalibel. Pero sa paglilibel sa akin noong una harassment. Pangigipit kamo lang yon. Unang una sa mata ng Diyos wala akong gustong saktan, wala akong gustong tirahin. Kung matatamaan ko man sa column ko non dahil gusto ko lang iparating sa kanila na mayroong reklamo sayo, bilang opisyal ng kumpanya, ng gobyerno hinihintay ko naman na ibigay niya yung side niya na maipaliwanag ang kanyang sarili. Para sin ipaalam lang sa kanya na may kailangan siyang ayusin kasi may daing laban sakanya. Para malaman kung totoo ba o hindi ang mga paratang pero yung personal na titirahin kita, unang una hindi ko ugali yun pangalawa hindi ko kilala yung tao ganon yun kaya walang prsonalan.

Q. Maari bang i-describe in terms of physical location itong The Journal?
A. Itong the Journal, ito'y isa sa mga pinakamalaking palimbagan ng balitaan dito sa Pilipinas. Okay naman to, ang maganda rito ay yung samahan. Maski sino pa yung mag manage, kahit sino pa mga dumating at umalis maganda ang relasyon ng mga mamahayag at mga editor at maging yung management. Hindi mo masasabing malaki ang sweldo mo pero kung talagang may kasiyaan ka sa buhay, wala ka ng idadaing pa sa sinsahod mo o kinikita mo. At yung pagmamahal ng mga namamahala sa mga empleyado nila.

Q. Ang The Journal nandito na since dati pa?Dito na po siya tinayo?
A. OO, noong panahon ni ex President Marcos itinayo ito. Sa pagkakaalam ko ang unang may-ari nito, brother-in-law ni ex President Marcos na si Mr. Cocoy Romualdez. Kapatid ni first lady Imelda Marcos. And then through the years nagsalin salin siguro. Basta alam ko mga Romualdez ang unang may-ari nito. Tapos nagtuloy tuloy na.

Q. Wala na po ba tong mga renovations?
A. Wala na tong renovations kasi yung lupang kinatatayuan nitong Philippine Journal ang alam namin ang may hawak nito ay ang PPI. Sa port operation. Plano kasi ito ng gobyerno noong araw pa na gawin itong area na para sa port dahil ang port natin masyadong masikip. E ang daming nagsisitayuan, naiextend ng naeextend. Kung papatayo ka ng building na gagastosan namin sayang naman dahil after several years na kontrata gigibain din. May mga lote eto, may lupa sa Quezon City. Ang problema nagagamit pa naman itong building hindi pwedeng masayang kasi malaki rin naman.

Q. Ito pong building established na noon pa?
A. Ito yata mga bodega sa pier noong araw tapos nakuha nga nila. Gaya ng katabing building natin diyan, delgado yun. At ang kontrata nito, ewan ko kung hanggang kailan lang 'to. Gigibain ito kaya hindi nagpapatayo ng sariling building ang PJI.

Q. Ano po yung talagang nadito sa office niyo?
A. Yung tatlong diyaryo People's Journal tsaka People's tonight tapos nga yung Midday Courier yung katabi natin doon, Yon naman yung bagong magazine na Insider. Dito lahat yan sa groundfloor. Ito editorial tapos somewhere there yung mga makina andon yung mga computers. Okay na rin. Kung i-cocompare sa ibang diyaryo, sabihin nating modern na rin, kumpleto na.

Q. Pati yung printing niyo malapit lang?
A. Dito lahat sa groundfloor pati printing.Yung itaas naman puro executive offices, mga accounting tsaka iyan may mga excutive office sa groundfloor din. Mga presidente, mga board of directors.

Q. In terms of office equipment?
A. Okay naman. modern din kami. Lahat puro computer yan, may mga pagemaker. Lahat yan modern. Nakakapantay naman kami doon sa mga modernong newspaper sa Pilipinas...may 24 hour na maintenance. Aandar yung generator in case na may brownout. Nandiyan yung mga tao kung lumilindol. Safe dito...ventilation, security, everything pati transportation namin kumpleto yan.

Q. So yung nagme-maintain ng lahat doon para na sa tatlong diyaryo?
A. Lahat yan kasi yung maintenance para sa buong diyaryo na yun. Maski sa mga reporters namin, photographers ang mga nagtutulong-tulong. Pero yung bawat newspaper may set of editors, sariling set of writers, section head, kanya kanya. Maski nga proofreaders sa amin, iba yung proofreader namin sa broadsheet,sa people's journal, iba proofreader ng magazine, people's tonight.

Q. What can you say about the people woking in the office?
A. Dito, para kaming pamilya kasi pag may okasyon dito, halimbawa aniversary ng isang newspaper pag may party andon kami. Pag anibersaryo nung isang departamento, andon din kami. Pero ang masaya dito, yung pinakaanibersaryo ng buong PJI. Lahat ng grupo pinapatawag ng management naghahanda yan nagkakaroon ng kasiyahan at yung sa Christmas ganon din.

Q. Yung mga publishers, editors tsaka yung mga kasama niyo magkakakilala ba lahat yan?
A. lahat yan, tsaka magkakaibigan yang mga yan. Katunayan yung mga executives kasama kami ritong mga ordinaryong mangagawa. Mayroon kaming Friday club kung saan naglalaro, kwentu-kwentuhan paminsan minsan para mawala naman iyong pressure. At meron kaming sariling gym. Para body building, tennis, billiards at basketball. At kung minsan kung naga-outing sama sama rin yan. Kailangan yun para break sa trabaho.

Q. Can you state the publisher, the editor...
A. Ang publisher nang buong Korporasyon ay si Mr. Raymond Burgos, siya ang publisher ng buong newspaper. Ang president namin ay si Atty. Rodolfo D. Romero. Ang aming chairman si Eddie Romero.

Q. Sino-sino po yung tatlong editors?
A. Dito sa amin sa Courier si Mr. Roy Acosta. Actually nagbalik lang yan. Dating sa amin tapos lumipat, nanggaling sa ibang diyaryo, diyan sa Inquirer tapos naririto muli. Sa people's Journal naman ay isang lady editor na si Ms. Ester Dipasupil. Magaling yang si Ester. Dito naman sa amin si Mr. Ferdinand Ramos. Puro magagaling yan kasi pili. Tapos doon sa movie and entertainmen, actually movie and sports, yung aming Insider, ang editor niyan ay si Mar de Guzman-Cruz

Q. Sino po yung mga colleagues niyo dito?
A. Siguro out of respect dahil makwento rin ako, ang tawag nila sa akin Tata Rading. Walang hindi tumatawag sa akin ng Tata Rading na kasamahan dito. Lahat ng mga executive, lahat mg mangagawa pati janitor kabarkada ko yan kasi sabi nila yan si Tata Rading approachable. Walang masamang tinapay diyan, kung ano ang meron diyan, hingiin natin, bigay naman siya. ngunit syempre, walang aabuso. Iyan ang magandang karanasan ko sa pagdidiyaryo.

Q. Ang nakakatuwa po tatlong diyaryo,tapos isa lang yung naghahawak sa lahat. Ano ang mga nagiging problema minsan?
A. Hindi naman nagkakaroon ng problema dahil madalas naman, Bukod dun sa regular meeting ng publisher, tsaka president, bawat diyaryo may kanya kanya ring meeting yan. Tulungan pa naga e. Gaya namin kung wala kaming istorya hihingi kami sa kabilang diyaryo. Kung sila wala kami nagbibigay. Dito walang i-scoopan. Bigayan kami dito.

Q. Can you describe the working condition in terms of hours?
A. Ang regular working hours dapat seven hours pero meron iba, may hawak na pahina pwede mo tapusin within five hours, four hours, madali na yon. Kaya ako nakikita niyo akong maaga. Dahil mula't mula ugali ko na. At tsaka naiinip din ako sa bahay. Ako naman hindi ako uuwi hanggang tapos na yung diyaryo. Pero hindi naman kami required magtrabaho ng eight hours basta tapos na yung trabaho mo. Kaya ang ginagawa nga, ang sabi dito basta twelve to finish. Ibig sabihin nagbondy clock. Pagtapos na diyaryo pwede ka nang umalis kapag hindi ka pa tapos, multahin mo.

Q. Mga holidays naman po?
A. Okay naman, properly compensated naman. Lahat ng holidays, binabayaran naman sila.

Q. Pero nagwowork pa rin kayo?
A. wala kaming holiday, ang pinakaholiday lang dito yung Maundy Thursday at tsaka Good Friday. Walang issue kapag Biyernes Santo tsaka Sabado de Gloria. Pero ako malikot yung katawan ko. Nagugulat nga sa akin yung mga guwardiya, Biyernes Santo ngayon ba't nandito ka? e kako nakasanayan ko. Nagpupunta ako dito pero hindi ako nagtratrabaho.Sumisilip lang ako, binibiro ko, kako tinitignan ko kung yung lamesa ko baka nawawala.

Q. Yung sa sweldo naman po?
A. Ah, sweldo okay naman pati holidays may bayad naman.May kasabihan nga, binigyan na ng trabaho humihingi ka pa ng sweldo. Ako naman basta maitawid lang yung pamilya. May makain yung pamilya, okay na sa kin. Siguro yung iba naghahanap ng ibang dating sa pagdiyadiyaryo. Kung ano ang kakayahan mo, ano ba yung nalalaman mo, ano bang nagagawa mo para humingi ka ng ganong compensation. siguro dapat intindihin ka. Yun naman eh naiintindihan ng management. Yan ang makukuha mo kung marami kang nagagawa... Tsaka ngayon tuloy ang promotion basta nakikitang capable ka. Dito may bonus, may thirteen month, may extra pang incentives. Yung mga reporter naman pag nakaka-scoop may extra compensation pa.

Q. Ano ba yung mga extra incentive niyo?
A. Yung mga reporter pag naka-scoop may incentive na binibigay ng management. Madalas may mga out of town na sagot ng kumpanya. Yung iba sa amin libre pa kotse, kami naman binibigyan kaming libreng gasolina. Kapag gumasta ka sa labas in line of duty, kunin mo yung resibo irerefund sa'yo.

Q. Can you give us an approximation of how much yung nae-earn niyo in monthly basis?
A. Dito yung mga bago siyempre sapat o sakto lang, sa mga editors na nasa desk na nagsasara ng page, editors pa rin yung tawag diyan, di naman bumababa sa twenty thousand yan.

Q. E di sir kayo?
A. More or less hindi bumababa sa ganung bracket kaya nga malaki utang ko sa pagdiyadiyaryo, nakapagtapos mga anak ko, nakapagtrabaho at ako may sarili akong bahay. Kaya lahat ng naipundar ko, nang dahil sa diyaryo, maligaya ako. Salamat sa diyaryo.Nakapag establish na ako, saka marami akong mga naging kaibigan. Marami akong nakilala maraming naitulong sa akin at masaya na ko kaya nga pinipilit ko pa nga yung isa kong anak na sige magdiyaryo ka magandang propesyon ito. Happy na ako. Hindi ako nagsisi ng malagay sa diyaryo.

Q. In terms sa deadlines, ano yung patakaran dito?
A. May kanya kanyang set ng deadlines kasi nga tatlong diyaryo 'to. Yung People's tsaka Courier maaga. Kami sa tonight walang problema, dahil ang deadline midnight pa kami. Katunayan before midnight tapos na kami.Kaya lang naghihintay pa kami kung sa kaling may late--late breaker hinahabol namin kaya yung pinapakita ko sa iyo, yung sa storya, late breaker yun pinapahabol ko.

Q. sir, ano yung deadliest kunwari due ng twelve? Ano yon pag sinabing late tatangapin niyo pa rin?
A. Kasi pag sinet yung deadline, cut off na don yung regular na news na nakukuha naman ng umaga. Ngayon, kung maski yung mas malalaking storya tatangapin pa rin namin at kung tapos na yung diyaryo nakatira na, tirada tawag don. Naka-run na yung makina, tumakbo na at may late breaking news na kailangan nagreremata, yung remat ibig sabihin non uulitin yung pahina ng diyaryong kailangan, uulitin yon papalitan yung storya. (yung pwedeng isingit isisingit) Ihahabol pa.

Q. Sir, naging cub reporter na ba kayo?
A. Oo noong dun din sa kabila.SaFilipino Express, tsaka dito nagreporter ako.Lumalabas din ako.Dun nga namahal sa akin ang pagdiyadiyaryo dahil naassign ako sa pulis, naging kaibigan ko yung mga pulis. Kasi kung hindi nga rin sa pagdiyadiyaryo,yang bang mga secretary na yan, mga chief of police na yan, makikilala ko ba yan. Kaya ako nakilala diyan dahil nagsusulat ako at agressive din ako noong araw noong police beat.

Q. What was it like? Ano yung mga experiences niyo?
A. Noong nagrereporter ako nakakatawang kwan e, sinama ako ng isang imbestigador, halika tata Rading sumama ka. Akala ko kung ano tapos sinabe niya para malaman natin sukatin mo kung gaano kalalim yan. Meron isang patay tinamaan ng saksak. Paano ko susukatin yan wala naman tayong panukat..hindi dukutin mo ng daliri mo. Sinuksuk ko halos yung buong daliri ko, ganon ang may saksak sa katawan. ganung kalaking lalim. Sabi niya patay yan e isusuksuk mo. E kako anung ipangsusukat ko wala namang tayong ruler dito.

Q. ano ho yung first beat niyo?
A. Sa police beat din. Puro police ako. Actually kaya lang naman ako napupunta sa mga cabinet, posisyon ng mga secretary, mga department head kung yung police beat na assign sa area ko, meron isang departamentong malapit doon. Gaya sa quezon city kaya ko nakilala yung mga nandiyan sa SS tapos sa BIR dahil yung pulis beat ng quezon city northern police district pa yung area na yon, dun nakatayo yung mga government offices non.

Q. Ano specifically pinagawa sa inyo nung first beat?
A. Wala, yun nga yung magimbestiga, tignan ko anong yung mga saan ang mga pulis nagpunta punta, nasasabak ka pag merong mga shoot out, makihalo ka, makipanood ka. Pag may sunog...kasi nung araw iba.Gaya ng sunog nung araw pinupuntahan namin yan para makita e ngayon, ala eto lang naobserbahan ko, pag sunog yung istorya, iniintay na lang kung magkano damage, kung may patay, kung ano yung nasunog. Tsaka iba ngayon, di kagaya noong araw, kung may sunog, kami mismo pumupunta. At noon araw, naabutan ko panahon na nagtataguan kami ng istorya. E ngayon may gagawa ng isang storya mamaya kokopyahin ng isa...ixexerox. Lahat sila...tsaka ngayon finafax na lang. di mo na makikita reporter mo. Pupunta yan dito sa opisina para tanungin mo, halika magreport ka. Kadalasan kopyahin lang don tapos ixexerox, ifafax na lang sa kanya kanyang editors.

Q. Ano yung lessons na natutunan niyo nung first beat?
A. Nakakatakot yon, lalo na pag sa police e kaya lang kasi sumasama kami. Mga raid raid sumasama, mga shoot out, mga bank robbery sumasama kami non e. Kailangan magingat ka rin. Oo nga yung mga sikat nga nakadisplay sila pero pano naman yung buhay mo nakataya rin.

Q. Sino yung mga taong kasama niyo non?
A. Noong kami, mga nakasama ko noon si Rey Briones, isa ring yung publisher ng isang tabloid. Si Bong Padua, alam ko, publisher na rin ng isang tabloid. Sina Ver Rosario, sa Bulletin, kasi noong araw konti pa lang ang diyaryo non. Ngayon ang dami na. Siguro nung nagtayo kami ng press club, ang prescon namin lalabing lima. at yung kasama ko noon, isang kabarkada ko, close sa kin sa channel seven, sa t.v. yung namatay na si Bert Franco. Yun ang father ng sikat na reporter na si Val dela Cruz, si Ruther nakasama ko, iba naman kasi linya ni Ruther noong araw na yon. Talagang matapang si Ruther.Yung nga yung nakasama ko tsaka may mga babae...

Q. Hindi ba kayo naatrasan ng loob non kasi baguhan tapos first beat?
A. Hindi naman, kaya malakas loob ko non kasi police beat. Kasama mo naman lagi mga pulis siyempre hindi ka naman papabayaan ng kasama mo kaya lang maraming inuutos minsan sayo, e naging kaibigan mo, kunwari taas mo nga yon kala mo naman kung anong itataas, bangkay na pala.Kasi nung araw pwede nilang ginagalaw yung bangkay hindi gaya ngayon di pwedeng galawin ng kahit sino, inaangat nila mismo. e nung araw pwede mo kasing bali baliktarin. Siguro hinigpitan na para to save the evidence. (kahit nung first beat niyo decidido pa rin kayo) Kasi may edad na rin ako nung inilabas para sa reporting kaya matapang na ko. Buo na rin ang loob ko pati nga yung mga shooting shooting misan na gigitna kami pati nga nung dumating nga yung panahon ng edsa revolution. Lumilipad yung eroplano kinkawayan pa namin e delikado na yon.

Q. sino po yung memorable na editor?
A. Para sakin si Tony Mortel pa rin, nasa Sunstar siya ngayon. At kasi iba yung approach niya sa tao. Masyado siyang mabait bagamat hindi kami nagkakahulian ng edad nagpapayo siya at nag i-encourage siya. "Ganyan ganyan gawin mo" at saka si Mr. Pocholo Romualdez na nasa Malaya ngayon, executive editor namin non. Yung approachable ba. kung may problema ka, "O, tata Rading aonung problema mo?" "Boss e, pinatatakbo niyo ako sa ganun e wala naman akong sasakyan e." "O, magkano?" bibigyan ako ng dalawang daan. "O sige puntahan mo na ron, i-refund mo na lang sakin pag nasingil mo na."

Q. Sa lahat ng napuntahan niyong newspaper silang dalawa yung okay?
A. Oo, actually silang dalawa, parehong nasa Daily express. Dito naman okay naman approachable din yung mga boss namin dito kaya lang kung ikukumpara mo syempre nag-umpisa ka dun mo nakita yung magandang experience dito parang trabaho ka lang. pero parang routine na lang. Hintayin mo yung mga report kung may mga problema, tatawagan mo sila. Di gaya noong una, nangangapa ka pa... may challange.

Q. Pa'no po sila when it comes to accuracy?
A. ah, di na mashadong nakikialam. dito sa amin ang accuracy kay Ferdinand, yung editor, dumadaan. Tapos, may mga kasama naman kaming editors, ngayon bahala na lang uli kung nandiyan iyong publisher, atsaka tinitignan din kung papano mo ginawa. Dito nasasala na. Ang istorya dito marami ng pinagdadaanan kaya nasasala na.

Q. When it comes to working ethics..Iyong dalawang memorable sa inyo, iyong noon at saka ngayon?
A. Iba nga ngayon eh, kasi gaya nga noong araw, ang reporter, kailangan nga mag-report sa iyo personal. kaya Iba ang treatment kung personal. Ngayon,darating sa iyo naka fax na lang yan. Hindi mo na makikita iyong reporter. Siguro kapag sinabi ng ibang editor na may problema iyong storya, kontakin natin to, doon na lang. Hindi face-to-face. kaya relax din ang ibang mga reporter ngayong araw, dahil may rason na hindi naman ako nakikita eh. Iba kapag tinawag mo. Nasa telepono, pwede ka na sagutin nun.

Q. Iyong editor nyo po ngayon, hindi ba strict when it comes to grammar aspects?
A. Mahigpit din, pero minsan kasi may nag-eedit din. Except iyong minsan ganitong angulo ang gusto niya. Ngayon, tatawagan namin, " O angguluhan mo"

Q. Ano po ang masasabi ninyo tungkol sa deadline ng editor na nanapagtrabahuhan niyo dati at ng sa ngayon?
A. Dun sa una, ang pinakastrict na nakita ko sa deadline, iyong nasa Manila Standard ako, dahil nandoon si Rad Reyes, Andy del Rosario at si Val Abelgas, Sila strikto dahil ang Standard, maaga lumalabas, dito sa Tonight, bagama't strict kami, wala naman kaming problema sa deadline, dahil maaga pa nga kami sa deadline. At malaki ang aming oras eh. kahit nga alas-dose tatanggapin pa namin, ala-una, kung talagang malaki eh. malaki ang oras ang Tonight. At usually, sa hating gabi maluwag na. Pero syempre, depende pa rin minsan sa sitwasyon. Hindi lahat tolerable.

Q. How did they communicate their attitude towards their reporters?
A. Meron kaming regular meeting dito, aside from the regular meeting, from time to time, pinapatawag namin iyong mga reporter dalawa-dalawa para ma-irelay kung ano iyong diperensya or attitude niya, baguhin mo istilo mo. Kailangan ganito or papasok kami ng ganung oras, kaya ikaw, gawin mo rin.

Q. Kunwari yung mga editors, galit sila dahil sa deadlines, paano nila sinasabi iyon sa mga reporters?
A. Sa meeting. Tapos, reneremind din namin through memo na lagi kang nakakamiss sa deadline. How do you expect na magagamit iyong storya mo? Pa-edit mong maigi iyong storya mo. Paano namin malalaman iyong gusto naming detalye na kailangan namin sa storya mo kung ikaw mismo late sa deadline mo.

Q. Sa Philippine Daily Express...ganoon din ba?
A. Mas mahigpit si Pocholo Romualdez.. mataas kasi boses noon. Patatawag noon, kapag nag-report ka may "punyeta" ka pa, baguhin mo storya mo. Naranasan ko pa nga, may pinarewrite sakin na storya nung lumalabas na ako, siguro apat na beses ko na sinulat kala ko naman okay na, "sige, iwanan mo na!" tapos nung kinabukasan noon, inaabangan ko iyong storya, aba hindi lumabas. Parusa mo yan sabi saken, disiplina ko yan, kako bakit, hindi mo ayusin ang pagsusulat mo. But i didn't take it against him. parang father nga yan. lahat tinuturo sa'yo. Meryll Chavez: Iyong kay Pocholo Romualdez, napagalitan na po ba kayo noon?
A. Yan kasing si Pocholo, pasigaw-sigaw iyon, akala ng iba mabagsik, pero kung nakuha mo na iyong ugali, mabait. Noong inilabas nga ako ng express, pang-gabi, usually ang istorya noon gabi, tapos meron kaming night editor noon pero maski i-submit ko iyong storya, hindi na siya nagrerecord na may stroya ako, gabi-gabi kasi ganun iyong ginagawa ko. At least, tatlong blater stories sa gabi para iyon ang maging justification ko naman na ako ay nag-duduty. At wala akong time-card eh, parang iyon ang pinaka-time card ko. Kita ni Pocholo isang linggo ako walang istorya dahil gabi nga eh. Pinatawag niya ako, pinagalitan niya ako, actually yung word sinita niya ako. Rading ang tawag sakin niyan, pero pag-galit Torres. "Torres, ba't wala kang storya, isang linggo?". Boss, may sinasumbit ho ako diyan eh, di ho nakukwan..eh sa gabi ho kako ako, ngayon ang naging justification naglilista ako, may notebook ako. ANg notebook ko, ginawa ko, habang nagtratrabaho ko, para ang bersyon ng story, linalagay ko, petsa, title ng story, tapos may tatlong linya. Kunwari, kapag napage one. ginagawa kong parang bowling, strike. Kung sa loob ginamit, parang spare lang. sa last line, kung hindi ginamit, nilalagay ko N-U. Not Used. Pinakikita ko sa kanya, boss, eto yung storya ko, araw-araw, may ginagawa ako. Sige sige anya at sisitahin ko yung night editor. Iyon lang yung parang pinagalitan niya ako kala hindi ako nagtratrabaho. Iyon ang ginawa kong sistema para hindi ako naghahanap ng background. Siyento porsyento sa daily express basta bagong taon, kinabukasan, headline ako dahil laging inaabangan ko sunog eh. Eh tuwing bagong taon, may sunog yan, may mga nasaktan kaya taun-taon yun pinakikinggan ko sa radyo lahat yan. pinupuntahan ko.

Q. Eh, kamusta naman po yung mga dati niyong pinasukan, in terms of equipment?
A. Sa Daily Express, ang alam ko, inuupahan. Ang malaya yung nandun eh saka yung commercial building ni Congressman Pichay. Iyong Manila Standard, lumipat na dito, okay pa rin sila. Yung Headline, yung kay dating Col. Cabangon Chua, they are still publishing now iyong Graphic magazine, actually yung pinagtrabahuhan ko nun sa tagalog na diyaryo ni Bobby Burgos, alam ko yung mga gamit nila, nadoon pa rin. (yung dati pa ho?) It's ironic also na si Bobby Burgos, iyong naging anak niya, si Raymond Burgos na naging reporter, siya ang naging publisher dito. Kaibigan ko yan. Mabait yan.

Q. Eh iyong mga gamit ho? Nahirapan ho ba kayo kase typewriter...
A. Ano eh, sanayan.

Q. Ano po iyong mga best memories ninyo bilang isang journalist?
A. Sabik ako eh, minsan may nagaabot sayo ng ticket sa sine. Matutuwa ka na noon. Tsaka naging libangan ko pa noon, nagiipon ako ng mga I.D. cards, puro Nat'l Press club, merong card ang Express, tapos yung foreign...Kung saang beat ka? kung sa pulis ka, may press club kayo, kung sa city hall...ganoon.. Marami, tsaka kapag pasko, mga kaibigan, siguro natulungan, nagpapadala ng regalo, Nakakatuwa. nakakakuwan sa puso...

Q. Noong Martial Law, naapektuhan ho ba iyong trabaho ninyo?
A. Apektado kami sigurado ng Matial Law dahil walang diyaryo noon eh. Kami lang ang may diyaryo noon eh. Philippine Daily Express lang kami kasi kay kuwan nga yon.. Lahay ng diyaryo noon wala. Lahat ng istorya noon sa amin, lahat ng anunsyo sa amin. Bukas nga kami noon eh. Gobyerno nga mayari. Kami lang ang bukas. may I.D. kaya nakakalakad kami ng kuwan. Meron pa kaming safe-conduct pass.

Q. Paano po kapag may nakita kayong mali sa gobyerno, eh diba, gobyerno nagpapatakbo nun?
A. Yun ang napakahirap noong araw. Hindi man ako reporter noon, gusto ko man sumulat ng kontra, (hindi pwede?) hindi...isulat mo, pero pagdating sa desk sa editor doon, censored na iyon. Mamamarkahan ka pa na, ikaw ha kontra ka kay Marcos!

Q. may nasisisante ho ba dahil doon?
A. Hindi naman, sinasabihan lang sila. "Alam mo ba na ang diyaryo natin, sa gobyerno ito, kay Marcos ito! wag ka ng titira!" Sinasabihan lang.

Q. Ano po yung experience nyo noong EDSA Revolution being a reporter or manunulat?
A. Tuwa nga ako noon, lumabas kami kasama ko iyong editor ng kabila, si Ray Briones, sabi nga niya, Tata Rading, tara, magugutom lang tayo, halika...pumunta tuloy kami sa isang restaurant dahil umiikot ikot na sa may Channel 7 yung mga tora tora eh, habang nasaitas sila, nagpuputukan, parang hindi naman nagpapatamaan, kinuha namin iyong mga kaning lamig at iyong mga tira-tirang ulam doon, ayon kinain namin. tapos, doon na lang daw kami sa kotse, makinig na lang kami kasi may estasyon naman noon, diyan na lang natin kunin iyong estorya, kako mali tayo jan eh, hindi nakikita naman natin eh..baka matamaan pa tayo ng bala.

Q. Noong Martial Law po, ano iyong status ninyo sa trabaho kasi pro-Marcos, diba?
A. Marcos nga lahat eh, Wala ka nang gagawing storya kasi sila na gumagawa ng storya. Hindi pa ako sumusulat noon, proofreader ako, kaya binabasa mo na lang.

Q. Eh ngayon po, diba may mga coup attempts din diba?
A. Eh dito naman, balance naman. Ilabas mo iyong side ng kabila, wala namang order samin.

Q. Kung magsusulat po kayo ngayon tungkol sa mga nangyayari, ano po most probabaly iyong isusulat ninyo?
A. Wala naman... ineevaluate nga ng mga editors, basta may side iyong administration, may side iyong titirahin mo, okay lang naman eh. Dito kasi, walang censorship.

Q. So, mas strict mo noon iyong censorship?
A. Oo, grabe noong panahon ni President Marcos. Di ka pwedeng sumulat against kundi hahanapin ka tritrace ka.

Q. Wala ho ba kayong naranasang problema na nakapagbigay sa inyo ng ideya na mahirap yung trabaho niyo at wag na lang kayo magpatuloy?
A. Wala naman, kahit iyong mga libel ko.. di ko naman gustong saktan, walang malisya sa pagsusulat. Merong iba, nagsasampa pa ng demanda. meron akong 5 libel na. ALthough, iyong apat doon, bago pa dumating sa korte, naayos na, naresolve na. Yung natitirang isa, madidisyonan na probably, this month.



Radito Torres was born on November 17, 1943 in Manila, and studied at the Lyceum of the Philippines. He has been a journalist since 1972 and, at the time of this interview, was chief of correspondents at People's Journalists Inc.