Augusto Villanueva: Philippine Journalism Oral History
Subject: Augusto Villanueva
Date of Interview: 2005
Interviewers: Lora Cuevas, Marvee Moreno

[Note: badly needs editing.]

Q: Pwede po bang mag pakilala muna kayo?

A: Umm.. ahh.. im agusto gus b viillanueva, im currently the editor in chief of the journal group of publications. Under the journal group of publications are the ps journal, ps tonight, tali,, w jou and uhh.. insider

Q: Bakit nyo po ano, ahh.. naging journalist? Bakit nyo po piniling maging newspaper journalist?

A: Well uhh ano siguro hilig ko lang talaga because as early as ahh.. my elementary school days mahilig akong mgbssa ng jaryo, and then kasi medjo ung pinaagaralan kong public school merong parang playground don, may basketball court, may boxing gym, may tennis court, so mahilig ako sa sports. Kaya Lalu na yung basketball. Because when I was small, when I was young, I used to play sandlot basketball kung tawagin nila

Q: E di po kayo kasali sa ano po, campus paper po dati

A: E hindi, when I was in highschool the moment na napunta ako sa highschool, sa Arellano Highscool, yung public school; I became the sports editor. Right away. So mga after that, nagkaroon ako ng experiences. We joined, we were joining press conferences, yung mga school conferences.

Q: As early as highschool po kayo?

A: As early as highschool. And from first year, may journalism class na kami, sa Arellano Highschool. So ako, lakwachero ako noon. Sa journalism lang ako pumapasok. Alam mo yung ano ko siguro, yung tendency ko talaga, parang love na love ko talaga yung magsulat so kung minsan ako, I will skip all my classes pero journalism nandun ako. Doon lang ako pumapasok. So nangyari sa akin, yung father ko nung araw, di niya alam dalawa card ko. Yung isa yung pinipirmahan niya. Yung isa, pinipirmahan ko. Yung pinipirmahan ko yung tunay na card. May mga 65, may mga 70. Pero journalism ko mga 98, 95, 99. So ganon, so right after high school without any prodding from anybody, 1955, the summer of 1955 nag apply ako sa Manila Times kasi yung nagging kaibigan ko, yung dating sports writer, patay na, yung kumpare ko si Tony Sidayaw. Tinatanong ko sya, kako, ano, pwede bang ano, mag apply sa [Manila Times]? Sabi niya subukan mo, why not? Nag try ako. Before the 2 month vacation, summer vacation was over, nakuha ako sa Manila Times. So pag first year college ko, nagtatrabaho na ko. Naging working student ako. So yun. That’s how I started. So since 1955, mga June of 1955, nasa dyaryo na ko nun.

Q: So yung love nyo po sa sports kaya kayo naging sports editor?

A: Kaya sports writer kagad ako. Yun ang…

Q: Yung inapplyan nyo po nung highschool?

A: Oo. Kaya ganon ang ano [naging trabaho ko].

Q: Describe niyo po yung Manila Times nung nagtatrabaho, nung una po kayong nagtrabaho.

A: Yung ano, when I started at the Manila times, nung naging regular sports writer ako, my first salary was 180 pesos a month, but that’s in 1955. I think that if you will compare the value of the money then and the value of money now, malaki na yung 180 pesos. During that time, and yung experience ko dun, somehow, when I started writing, nagkaroon na kami ng mga assignments outside of Metro Manila. Like merong, palarong pambansa nung araw. E tawag yata, inter scholastics, ang tawag doon. Yun! That’s one of the biggests sports events outside of Metro Manila nung araw. So kung minsan pag naaassign kami doon, if we group uhh.. assigned ka doon mga, one, almost two weeks kayo out of Manila. Kaya lang naapektuhan studies nyo dahil pag nawala ka syempre, mga two weeks, marami kang mamimiss. Tapos on top of that, we got the chance to write for the magazine, yung Sunday times magazine. So ang nangyari sa kin, nagkaroon pa naman ng chance to further your writing skills. Para bang nagkakaroon ka ng chances na ano, sulat ka magazine articles tapos babayaran kami 100 persos per article. At that time, malaki ang 100 pesos kasi 180 pesos ang sweldo mo e. Isang article pero mahaba yun. Sunday times magazine. Yung alam mo, the Sunday times magazine was the most popular magazine at that time. Nung mga among the weekly.. Uhh.. the dailies.

Q: Anong year po yun?

A: Mga ano.. mga siguro mga between yun yung shortly after we started mga 57, 58, 1961 nga may mga cover stories ako. I wrote about Ed Ocampo nga. Yung talagang ano mga man of bronze. So meron na kong mga articles noon mga cover. Kaya nga yung kalian lang namatay na football player, si Orly Plagada. Sabi sa kin ni Ignacio, yung tiga standard sir, dapat nagpunta ka. Bakit? Ang daming naka display na mga article don. Mga magazine. Puro.. puro.. ikaw ang ano, yung by line. Sabi nya may by line mo kaya. Na ano naman ako na medyo naflater ako. Kaya lang sympre malungkot ako, kaibigan ko yun eh. O. pero sabi nila very flattering. Sabi nila dapat nakita mo mga by line mo. Kamukha ng nangyari dun sa hall of fame ng basketball, where they inducted several top basketball players in to the hall of fame. Yung asawa ni Ed Ocampo ang dinisplay nya doon, yung cover story, naka frame, may naka lagay dun Gus Villanueva. Alam mo si Mercado? Cherry Mercado? Sa channel 2 dati. [Ang sabi] Sir ikaw ba yan? E nahiya naman ako, 61 pa eh, 1961. Eh, eto mga 5,6 years ago lang. Sabi ko [kay Cherry], hindi. Sabi ni Lito, siya yan. Ininterview tuloy ako ni Cherry sa tv. Sa Channel 2, yung magandang gabi bayan, yung ano, yung uhh.. yung news nila dati. Tv patrol dati. Oo. Nung andun pa sya. Wala na si cherry dun, nasa channel 5 na. A, so yun. I started kaya ang naging problema lang, that affected my studies also because lalo na mga 19.. uhh.. what do you call this, 1956. pumasok yung tour of Luzon shortly after Mr. Roces, yun ang may ari ng manila times, Si tatay. Don Chino Roces. Eh ako, ginawa niyang ano, humawak ng tour of Luzon. So for 12 years, I was covering tour of Luzon every summer. Nandyan na sa ano ko, I was putting out a 24 page supplement. Ako lang mag isa ang gumagawa non. O. kaya madami akong ano. Kaya lalu akong naapektuhan so kaya ako, I was not able to finish my studies. Tony Sidayaw was not able to finish his studies pero we were happy in the thought na yung aming suma cum laude, nag apply sa dyaryo, naging proof reader lang. Sa bulletin. Oo, naging proof reader lang sa bulletin oo. It was satistfying Alam mo gratifying satisfying and Alam mo it was a consolation on our part di nga kami nakatapos but at least nasa dyaryo kami, nagtatrabaho na kami because anyway you studied journalism to be a journalist, because you want to be a journalist someday. You want to join a paper. Wala pang masyadong Tv noon o radio e. So yun lang ang aim mo, anyway, nandyan ka na. di ka nakatapos but your’e working di ba? So yun ang nangyari dyan.

Q: Hanggang anong year po ang natapos nyo sa journalism?

A: Irregular student ako. Siguro third year lang nakuha ko. I don’t know. Hanggang third year o ano, kasi ang nangyari kasi sa min, yung editor namin, sports editor. He he wanted us to be at their office by 4 o’clock. So lahat ng klase beyond 4 di namin nakukuha. E biruin mo, mag uumpisa kami ng klase, ala una ng hapon, alas dos, e ano, ilang klase, ilang subjects lang makukuha mo doon. Ilang units ang makukuha mo. Tapos naiinis pa ko, nag aaROTC ako, biruin mo, hirap na hirap ka Lasing ka the nighte before. Gigising ka ng ano, alas sais . UST kami e. so you can be there by 7. Tapos aattend ka ng mass. Pagkatapos, hirap na hirap ka. Magdidrill lahat. Pagdating ng grade mo, 65. Parang ang sama. Sabi ko, hindi na kaya. Ano. Naging ano rin ako noon, AWOL ako sa ROTC eh. Tapos pag di ka nag ROTC, di ka makaka enroll. Kailangan may card ka- class card. Ginagawa namin, kunyari “Ma’am nawala class card ko e. Wala akong pwedeng ma enroll.” “o sige, o sige, its okay.”

Q: Di naman po nagagalit parents nyo sa ginagawa nyo?

A: Yung father ko, eventually he became so proud. Because anim kami, my 2 sisters were both CPAs, yung dalawang brothers parehong engineer, yung isa mechanical, professional mechanical engineer. Yung isa, chemical engineer. Tapos yung youngest namin, is a doctor. Ako lang walang degree. But yung tatay ko, sa kin lang bilib. Taas ng position eh! Biruin mo by the age of ano, ano, nag abroad na ko. Mga puro libre lahat. Kumocover ako sa coverage nang ilang taon. Tapos I covered the best, the best sports activities. In the world Olympic game, ang dami kong Olympis games na kinocover. Tapos lahat, tapos mga world basketball Olympic championship sa Brazil meron nga ano sa Africa, kung saan saan o, dami ko napuntahan na alam mo, kaya yun, syempre, my father was so proud of me. Kasi tatay ko, used to write in Tagalog. He used be a Tagalog writer, kasama nila Collantes nung araw, nila Domingo Raymundo. Ano sya e, he was working with the yung PNR dati. Dating Manila. But while he was in charge of the creative division. He was also the editor of the union newspaper, Katarungan ng Pangalan. Kaya dun ako natutong mag makinilya ng dalawang kamay. E kasi yung typewriter ni Tatay, pag wala sya, ako naman gumagamit. Mahilig nga akong magsulat eh. Kahit nung wala pa ko sa dyaryo e nagsususulat na ko. So, dun ako sa bahay pag wala sya, ginagamit ko yung portable lang o kaya..

Q: So major influence po yung dad nyo?

A: Oo e. saka ano ang, ang, di ko makakalimutan sa kanya e he was very strict and very straight. Talagang di mo maiisipang gumawa, kaya nga diba lahat ng, lahat ng, iniisip ko para lang wag ako mapagalitan. Biruin mo, you will wonder how I finished highschool in 4 years. Ang iniisip ko kasi, yung grading, anim na grading periods. Sa 5th grading, tatlo 65 ko. So alam mo nung 5th grading period, sabi ko patay na, di ako gagraduate. Alam mo ba, nagkaroon ng city wide contest sa current events. Sabi ng teacher, “Who would like to join the current events contest?” Madami kami; dami naming sections e. Kung meron [na sasali], sa arellano highschool muna. Yung mananalo, yun ang sasali sa city-wide. Sabi ko sa kanya, what is the prize Ma’am? Lahat ng bagsak na grade papasa. Bibigyan ng passing grade. Sumali ako. Alam mo, talagang nag aral ako ng husto. Nag basa ako. Punta ako sa library. Lahat. Alam mo you won’t believe it, nanalo ako. City-wide, oo. Tapos ako ang lahat ng 65 ko pumasa. Yung tatay ko, hindi nya nalaman yun. He did not know the story behind that. Kung bakit ako sumali. Nag pilit akong sumali. Basta alam nya, ano, pasado kayo po. Kaya pagdating ng graduation, nag marcha ako. At least e naka pasa ako.

Q: E di kayo lang po sa family nyo nasa talagang nasa line ng newspaper?

A: Oo, pero yung ngayon, yung dalawang anak ko. I have a doctor son and I have a daughter na HRM ang kinuha non, sa st scholastica. Pero wala, house wife nalang eh. Dahil inaalagaan ang dalawang apo ko. Alam mo parehong magaling sumulat. But I did not encourage them to join ano the newspaper. O.

Q: Pero bakit po?

A: Mahirap eh. Alam mo, I experienced everything. Kung di ka mactiyaga talaga, saka kung di ako naging naging sports editor, after 8 years, siguro wala na ko sa Pilipinas. Mag mamigrate ako. Kasi nung 1969 nagkaroon ako ng offer na mag sulat sa Chicago Sun Times. E I had to turn it down kasi dalawa na anak ko. Saka malamig dun e, Mainit e., masyado e. ako, Mahina ako pag malamig eh. Hindi [ako nagkakasakit], pagka masyadong malamig [lang]. E, doon, extremes e- malamig na malamig, Mainit na Mainit.

Q: Pwede nyo po bang, state po yung lahat ng pinagtrabahuhan inyong newspaper. Yung year po.

A: Ah.. nagtrabaho lang ako sa manila times, 1955. Primera sports writer tapos ‘64 naging co-sports editor ako ng afternoon paper namin ung Daily Mirror tapos I was there until nagmamartial law [noong] 72 so bale naka17 years din ako. 55 to 72. tapos nung 72, we put up the journal. Andun na kami, I was the sports, I was the, first sports editor. Tapos after 6 years, I put up the peoples journal. I conceptualized it together with my kumpare, yung dalawang kumpare ko, si vergel santos, yung sumusulat ngayon. Madaling interviewhin sa TV. Ska si tony frina, nasa amerika na siya. So that’s how we started the Peoples Journal.

Q: Pero so, di ba po sa Manila times kayo unang nag work?

A: Oo, pero yung Manila Times from 55-64. Sports writer ako, and then yung aming mirror kasi, paper yun. Manila Times. si Mister Roces kasi asked me to work. Pinromote ako kasi alam mo, unionista ako e. medyo matapang akong unionista nung araw. Si Mister Roces talaga, he wanted, parang he wanted to get me out of the way ng union eh. E pag naging editor ka na, youre out of the union Pero aside from that, nakita nya, hardworking ako e. That’s what I, he probably noticed with me. Kasi nga biruin mo, nung pinromote nila ko, 64, nandito ako sa Pilipinas. Pero inorder akong gumawa ng supplement, Olympic supplement, ginawa ko. And it made money for the Manila Times.

Q: San po yung ano, yung office po ng manila times dati.

A: Sa Florentino Torres, Sta Cruz. *draws an imaginary map* dito raon, tapos raon ito, tapos florentino torres, tapos ganyan, yung sa republic supermarket. Alam nyo yun. Yung escarga, ganyan to. Yung ascaraga is recto now. Ascaraga ito, to. Avenida rizal. Dito may kalyeng maliit, Florentino Torres. Dito pag lumakad ka, meron ditong malaking building. Republic super market tapos further down, nandito yung manila times building. Yung TVT. Tapos dito yung bumbero. Madaling hanapin yun. Yung fair plaza. Lam nyo yung fair plaza sa ano? Alam nyo yung universal theatre? O yung universal theatre, Avenida yun. Yung likod nun, yun ang Manila Times.

Q: Pano po yung ano dati. Yung building, yung mga facilities po doon?

A: Yung, building namin, its an old building. Actually TVT yung V doon, Vanguardia, Times, vanguardia, taliba ata yun eh. TVT building. Doon din yung radio station nung araw. Yung DZMT o yung sila asuncion san diego, kanto yun pag ganon. Ngayon, yung dito, dating nandoon yung Bulletin sa tabi namin. Ngayon, nung nawala, naglagay si Mister Roces nagbuild ng bagong wing ng Manila Times. Pero kami. Nasa old wing kami. Sa third floor kami, sa third floor kami ng TVT building.

Q: Ilang floors po yun, yung building na yun?

A: Apat. Pero yung TVT mas mataas yata sa apat. Kasi umaakyat pa kami ng isang ano e. baka 5 floors.

Q: Malaki po yun?

A: Malaki pero its an old building. Ano pa eh, pre war pa eh.

Q: Nakatayo pa rin po ba ngayon yun?

A: Yun ang fair plaza ngayon e. alam ko e. Di ba yun ang alam kong fair plaza eh. Ewan ko kung nabago na. pero ginawang ano, yun, department store.

Q: Yung ano po, yung ginagamit niyo dating equipments?

A: Office saka printing. Puro mga hot press kung tawagin yun. Yung mga linotype machines. Tapos yung mga tingga. Yun yung mga hot press kung tawagin. Tapos yung makina namin, mga malalaki pero hot press rin talaga. Yung pang ano. Yung sa halip na. ano. Yung platye. Yung ginagawang plate. Talagang nakaka sunog yun. Kumukulo. Tingga yun eh. Oo. Kumukulo. Pero lead ang ano, L-E-A-D. Pero alam mo pag ka wala kang takip sa an, kahit poisonous, kaya maraming nag kaka TB. Yung mga nagtratrabaho don. Lalo na yung sa yung linotype kasi malaking malaki nga yun. Pag ka nag aano ka, bumabagsak nga yon. Tak! Tak! Tak! Gumaganon. Puro mga lead ang bumabagsak don. Yung mga letra. Oo, nung araw, ako, ang galing kong bumasa ng pabaliktad na ganyan, kasi ano, pag nilalagay yun, pabaligtad dba. Kaya ako ang galing galing kong magbasa ng baliktad eh.

Q: E may aircon na po ba kayo noon sa inyo?

A: Ano, if I recall, puro bintilador yata ng gamit noon.

Q: E sino po yung ano nyo po, mga kasa-kasama nyo po don na editor?

A: Si Joe Bautista, yung lolo ni ano, jose p. bautista, lolo ni loren legarda. Saka si Don Mabolo Villareal, lolo ni Paeng Nepomuceno. Tapos si Dave Bogguslav, he’s Polish, Bogguslav, B-O-G-G-U-S-L-A-V, David Bogguslav. Tapos ang mga, si Emilio Aguilar Cruz, Father ni Louie Cruz. Yung mga may ari ng Café Havana, Café Adriatico, Emilio Aguilar Cruz, tapos mga kasama sila Santa Romana, Ding Malay, tatay ni Carolina Malay, asawa ni Satur Ocampo. Kasama namin si Carolina Malay non. Bobbi tawag namin don. B-O-B-B-I. Bobbi Malay. UP yan eh. Yung tatay nya yung Armando Malay, was the dean of UP, yung sa school of journalism before. Si Santa Romana, very popular yan. Vicente J Guzman. Mga ano yan, tapos sina Joe Luna Castro. Yun yung mag boss namin, may mga libro yan ng journalism. Q; Tapos dun pa sa Manila Times kayo din po yung nagpa-publish mismo di ba? A; OO kami yun, kami yun Q; Di wala na kayong ibang office kasi merong ganun?

A: Ang dyaro namin noon, tatlo, bale Manila Times, Taliba tsaka ano, Mirror, Daily Mirror.

Q: Dati pa yung taliba?

A: Dating pangalan yun

Q: Pero eto, dito, sa inyo, bago tong Peoples Taliba?

A: Oo.

Q: Ano po, working hours nyo po?

A: Ah working hours. Wala. Halos hindi. Ang working hours, kasi noon, walang mga fax machine, walang mga cellphones. So we really work long hours pero puro makinilya kami eh. Tsaka yung mga coverage namin nung araw, alam mo, yung those were the days siguro na you don’t even know the word corruption eh. Alam mo, walang ano eh, walang lagay-lagay, walang alam mo, you really go out to have fun. You work and then kung minsan ma-blow out ka nila. Yung softdrinks tsaka biscuit. Alam mo, masaya ka na eh. Kasi alam mo eh, tsaka yung those were the days na journalists really work hard and they say try to outscope each other talagang merong ano, merong drive talaga sila para bang scooping one another is something, at tsaka ang nangyayari kasi doon, kami ngayon alam mo, puro press release pag ikaw nag karoon, ikaw nagkaroon, ano, wala na. Pero noon hindi, walang mga press release, press release. Talagang we go out of our way to interview, to get the story. Unahan. Talagang ano, at saka kahit magkakaibigan tayo, pag meron ako, hindi ako kikibo sa yo. Ano kayang nangyari doon. Ahh.. hindi ko alam.

Q: So talagang pong competitors [kayo]?

A: Oo, magkaka ano, magkakabigan kayo, but sa gabi, mag iinuman. But only the next day, you’ll find out na walang hiya to, iniscoop pala ako. Magkakasama kami eh. Ganon!

Q: Pero ano po, yung formal pong working hours, yung office hours?

A: We usually, kamuka ko, yung mga may beats, congress, labor, mga Malacañang, alam mo na, senate, standard pa rin. Kaya alam mo, kamuka kami sa sports, siyempre pag may larong maaga, maaga kami. Kapag naman walang laro, ano, nasa office kami. Nagrerewrite ng mga storya. O kaya gumagawa ng advance story. Mga advancer kung tawagin. Pero ang working hours noon, paminsan, kung walang late games, as early as 9 o’clock nakakaalis na kami ng gabi. Pero pagka may late games, inaabot kami ng alas dose, ala una.

Q: Bukas po yung newsroom nyo po?

A: Oo, buong araw yun, oo.

Q: So depende kung anong news nung araw na yun, kung anong oras matatapos?

A: Oo, depende. Pero ano nga noon e, we’re so, kumbaga sa ano, parang mga virgins kami. Kaya we don’t care anymore na ganon. Sayang may overtime o walang overtime. We don’t care basta kami the only thing we have in mind, was to complete or finish our task, the tasks assigned to us for the day

Q: Holidays po kelan po?

A: Pumapasok kami

Q: Kalian po kayo[off], pag may regular holidays?

A: Oo. Kasi doon dumadami yung balita eh kung minsan nga ang mangyayari sa amin dun na kami natutulog eh. Pag wala na kaming pamasahe e

Q: Magkano po sweldo sa inyo?

A: At that time eh, 180 sweldo ko. Nung naging sports editor ako naging one two At that time oo [malaki yun]. Pero hindi, actually yung 180, tumataas naman yun. Naging 240, kasi nagkaroon kami ng union, nagkaroon kami ng company wide na ano, interviews. Ginawang inistandardize ang pay namin. Halimbawa mo, step one, step two, pay class one, pay class two. Malay mo, mag umpisa ka sa 180, pag class 2 is 200. pag class 3 is 220. ganon. Mga mga steps. Pag napromote ka one step, alam mo na kung magkano ang seswelduhin mo. Ngayon, ang tawag dun, meritorious increase. Kung tawagin merit increase. Kung ang merit increase, pwede kang magkaron ng step one, grade one o mga ganon.

Q: E di, bale ang sweldo nyo, nag iiba lang sa ranggo nyo. Hindi sa ano, kunwari kasi wala namang overtime over time dati eh.

A: Hindi, meron ring overtime. Holidays, mga holidays.

Q: Dagdag yun?

A: Oo, pero hindi, hindi yung trabaho namin dahil lumalagpas kami. No. walang over time na ganon. Na pag halimbawa mo, may sinusulat ka, hindi mo natapos ng alasais, o from seven on. Walang ganon. Kahit naman dito ngayon wala naman kaming overtime na ganon e. still the same. Ang overtime dito e pag ka ano, holiday.

Q: Kelan po yung deadline ng submission nyo?

A: Deadline namin noon, if I recal, as early as 7 o’clock, then 8 o’clock meron na. Pero meron kami na kung tawagin e replay, remath. Yung remath, yung binabago mo, yung, change the ano, halimbawa kunyari baga, tumatakbo dyan e tapos stop the press! May bagong storyang isasakay. So remath ang tawag doon Q; So di na po kayo nag cub reporter

A: Hindi na, oo. Ang parang cub reporting ko yung almost 2 months na nagttry out ako. Yung parang cub reporting ko, yung kinuha nila ko. E di may sweldo na kagad ako.

Q: San po yung frst beat nyo?

A: Sports ako talaga. Hindi nga ako naka ano ng ano, pero later on, pagka walang tao, kumocover ako ng police beats. Yun ang closest ko sa ano nakaka cover ako.

Q: [Eh yung ] Criminal stories?

A: Oo, yung may sunog nga kamuntik na kong bagsakan ng ano e, pader. Buti yung bumbero tinulak ako. Alis ka jan! tapos pag alis na pag alis ko, wala pang 10 seconds, pak! Bumagsak yung pader buong-buo sa divisoria. Malaki yung sunog noong araw eh.

Q: Sino po yung mga kasama nyo noong araw sa sports beat?

A: E ayun, patay na nga, si Tony Sidayaw patay na. Ang buhay pa, si Rod Reyes, yung naging press secretary, si Defensor, si Bert Cuevas, si Gonzales, si Manolo Iñigo, yung columnist ng ano, ng Inquirer ngayon. Ayung iba mga patay na sila kilyano, pebs carella, mga sports editor noong araw. Si Teddy Benigno nakasama namin dahil ano yan sa Chronicles. Yung isa, mike, nasa congress dati. Tapos si, si andy del rosario, ambassador na ngayon. Ambassador sa hungary. Marami kaming nakasama

Q: Sino po yung favorite nyong editor? Naging editor nyo po?

A: Actually, ang editor lang namang talagang nirespeto ko e yung si Ricky Llano. E kasi ano e, he does not write enlish as well because he was a Spanish writer before e. Pero yung kopya nya mga nirerewrite namin ng kumpare kong si Tony Sidayaw. Madalas eh kami nagrerewrite, may mga columns siyang ginagawa eh. Nirerewrite namin eh. Pero ano, okay sya as an editor, very strict and very straight. He’s a slave-driver talaga. Kaya matututo ka eh

Q: So pag ano, kinocorrect po nya kayo sa mga tipong grammar, yung accuracy, yung ethics, ganon?

A: E ano, hindi, siya nga hindi masyadong ano eh. Practically kami na nag iingat minsan eh. Kasi sya, hindi ano, mas marunong pa kaming sumulat sa kanya at that time eh. Dahil nga ano sya e, hes more of a Spanish writer. Pero he has great ideas. Lalu na sa sports. Tuturuan ka nya kung pano ka cocover. He tells you how to do it, ang problema lang hindi nya na, dahil hindi pagka kastila yan, jan sya familiar. Kasi editor sya dati nung ano.. nung araw. Hindi, yung sa pagsusulat. Kami na yung ano, pero usually hindi sya magaling magsulat ng mabilis eh

Q: Pinapagalitan po ba kayo?

A: Oo minumura kami nun. Pag akala kami naglalakwacha. Kaya yung sa training namin, yung discipline, was there. Something which most reporters lack today kasi ngayon madaming mga relaxed na editors. Alam mo noon, before you get a by-line, you have to make sure that you earn the by-line. Ngayon, sumulat ka lang ng kapiraso e may by-line ka na eh. Alam mo nung araw kasi, may mga researches pa- lahat. Sometimes it takes months before we get a by-line.

Q: Meron po ba kayong mga memorable colleagues?

A: Well, sila Rod Reyes. Si Rod Reyes e used to be the press secretary of Ramos, kay Estrada. Saka alam mo si Rod Reyes, during our time, masasakitin yan, mas payat pa sa kin yon eh. Oo, kaya naging close kami ng mga yan dahil maliit lang yung sports beat nung araw. Mga sampu lang kami, labindalawang kumocover eh. Hanggang ngayon yung isa si Tagle, Mabuel Tagle, Herald buhay pa. Si ano sya close to 70 plus, 78, 76. Pero payat na, ayon, paminsan nasa akin, pumupunta sa akin

Q: Yung ano po paano kayo kinakausap nung dati nyong editor? Maglaing po ba siyang mag Tagalong?

A: Hindi, English. Ang tawag nya sa akin “villa”

Q: Ano po yung matatawag nyong isa sa mga best memories nyo nung reporter po kayo dati?

A: Siyempre, our best memories would be, the coverage, coverages we were assigned to. Lalu na yung Olympic games, mga asian games because it was always a thrill, a thrill and a challenge to cover big events eh. Kasi para sa amin, yung Olympics, alam mo, hindi madaling coveran. Mga asian games, its not easy to cover it eh. It tests your writing skills talaga, your ability kung sabihin namin wire reporter, wire agencies. Kamuka ngayon, yung gumagawa, halimbawa si Cherry Ramos. She writes everything about lahat ng happening. Parang Philippines collected un, shown in track and field, excelled more in swimming, to win 12 more medals ba. Kung baga ganon. Mahirap mag tali-tali ng storya eh. Pano kayo pumipili ng kungyrai ano, syempre simultaneous yun, dami daming laro. E syempre yung most important sa atin is yung highlight of the campaign. The tennis is a good example because we have never won a team tennis title in the south east asian games. Ngayon lang nanalo. Biruin mo after, since 1977, ngayon ka lang nanalo ng team title. Parang sa wushu, yung taekwondo. This is the first time yung first 4 events nanalo kagad tayo. O so we can probably win more. 2 years ago in Vietnam, puta ginulpi tayo ng mga Vietnamese. Q; Pag nagpupunta po ba kayo ng abroad, like magkocover kayo ng Olympics, sagot polahat ng dyaryo yun?

A: Oo, sinasagot nila lahat pati yung pamasahe. [Pati] allowance. E kasi di ba when you apply for a coverage, like in the Philippines only 6 or 8 are allowed to cover from the Philippines, depende sa number of athletes we are sending. So ang nangyayari, Olympic committee determines which paper will cover. Ganon ang nagyayari dyan.

Q: Kelan po kayo first na nasasali sa ganyang major event?

A: Nung ano, mga 62, mga 62 yata yun, 63, nagcover kami ni Manalo Iñigo, yung columnist. Sa macow, nung nanalo si laurel ng macaw grand prix. That was one of the biggest events nung araw. Biruin mo, to win the Macau grand pric, yung car racing. It’s very dangerous

Q: Ano po yung ano memories nyo as a reporter nung martial law, edsa, abu sayyaf, mga ganon?

A: Nung magkaroon ng Edsa e ano na ko nun, sports editor. Ay hindi! Editor ako ng People’s Journal nung nagkaron ng edsa. So sa kin, wala na yun eh. Its mostly the reporters that were affected eh. Kasi ako, we just wrote the story as it is. The way it was happening. I ask my reporter, my desk people to produce the paper, we discuss how to go about it, kung ano headline, pero yung personal ano, wala naman. Because you don’t feel it eh. What you feel is that theres going to be a changing of guard. Mukang di na talaga mapipigil na talagang ano, si marcos baka mapalitan. But the point was, you could feel it in the air the moment after aquino was assassinated eh. In 1983. medyo nagkaroon na ng mga salita-salita dyan, mga yung mga kalaban ni marcos, yung aquino groups, nagkaroon na ng mga boycott-boycott sa products of the cronies lose to marcos. Mga ganon, mga San Miguel.

Q: So bali nung panahon ng martial law, edsa 1, mga abu sayaff, medyo passive na kayo dahil editor na kayo?

A: Ay oo. Kasi wala na, you don’t feel it anymore. Siguro kung bagong reporter ka, you’re excited to be part of it, part of the coverage group. Pero sa amin, kasi ang dami ng nagdaan, na nakita mo, you’ve experienced, you’ve seen na you helped solve or probably you got involved in. kaya hindi na masyado So hindi po kayo masyadong naapektuhan ng martial law Hindi, except that nung nagmartial law, lahat kami under the gun. Sinarado yung dyaryo. Manila times, sinarado. Pero nung binuksan namin tong Journal, before we opened it, for almost one month nasa Krame kami. Ininterview kami nung general, kung sino sino just to make sure that you vow your alligance to the government in the sense that you will not write anything negative about the government. And you will spare the president and the family from any attacks

Q: So ano po yung laman ng dyaryo nyo nung martial law?

A: Puro pro marcos, Pro government

Q: E ano po yung nasa ano, yung as a reporter na lang, mga national crises na napuntahan nyo po nung reporter pa lang kayo?

A: Wala kasi nasa sports talaga eh. So ang nakikita ko lang noong araw nong nasa coverage na ano, mga asian basketball championship. The big freeze. Noong araw kasi yung basketball wala pang rules. Wala yung in 24 seconds you have to shot the ball, wala yan. Kaya nung araw, pag hawak mo na bola, halimbawa mo, 40 mins yung game, 20 mins first half, 20 mins 2nd half, you can hold on to the ball for 20 mins. Oo nangyayari yan, nagkaron ng storyang the big freeze. Si Silva, yung naging coach ng Philippine team sa Brazil. Yun ang coach dati ng Philippine team, kalaban natin yung Taiwan. Dahil lamang tayo, pero ayaw nating mawala yung lamang, puta pinasa-pasa lang yung bola o! saka noong araw kahit ilang foul pa gawin mo ok e. foul lang ng foul e. Marami wala nong araw. So from these experiences, every 3 or 4 years, nagkakaroon ng bagong rules sa basketball. Lamo merong time dati sa America pinagbawal yung slamdunk e. alam mo kung bakit? Yung player dati e, si javar. 80 games walang tumatalo sa kanila. Pag binigyan mo ng bola e wala na! so binawal ang dunk.

Q: Hindi po kayo nagtry ng ibang beat bukod sa sports?

A: E alam mo pag sports ka, kahit anong beat pwede mong pasukin eh. Kasi alam mo, once you learn the language, alam mo. Sandali lang ha. Kasi alam mo ang sports writer ka, kasi when youre a sports writer, you get to describe the action the way it happens e; so nagkakaron ka ng facility of word eh, yung prose mo Maganda. Nadedescribe mo. It comes out in the open eh. Nag eexplode lang sa yo. Parang nakikita mo eh. Writing is like that eh. Kaya nga alam mo ang magandang training kung minsan, kahit ano, when you wake up, you see whats happening. Siguro kung may nakalinya ka sa isang paragraph “when I opened my eyes”. Parang ganyan. Saka hindi alam mo mga professor namin sa UST e, get close to the window. What do you see? Hindi ka sasagot, you write it. Kaya nga kailangan observant ka talaga eh. Dapat dinedescribe mo. Alam mo, hinidi mahirap magdescribe eh. Sabi kasi nila, pag sports writer ka or editor, yung sinasabi nila you give your readers a ring-side account of whats happening. Pag sinasabing you give them a ring-side account of whats happening, you should describe the game as it happens, hindi ka nag iimbento. Kaya kuha ka ng kuha ng notes, minsan nga out of the notes dun na kami gumagawa ng story, out of the notes. Dinidictate namin sa phone. Talagang ano, sa desk lang kinocorrect yung mga mali namin

Q: Never po ba kayong nahirapan sa pagiging sports writer?

A: Hindi sa umpisa syemre nangangapa ka, like any new comer. Pero the moment you get the hang of it, wala ng problema.

Q: So nung naging editor kayo, okay na lahat?

A: Oo, saka very cticical ako. Kung magedit ako ng sports talaga kung minsan ilang paragraphs puputulin mo. Minsan yung story nasa baba, iaakyat mo sa taas. Yun ang hirap nung dati, imamakinilya mo yun lahat. Biruin mo pag nagkamali ka uulitin mo lahat yan. Di gaya ng computer, di ba, erase mo isang pindot lang eh. Umpisa ka dito, insert mo. O eto, iakyat mo di ba

Q: Kamusta naman po kayo ngayon as an editor?

A: Well, kanina lang, just before you came in, nagmimeeting kami ng staff namin sa peoples journal. Before you came, so okay naman. I discuss issues with them. Gaya sa Monday, we have to sit together everyday after stories are submitted para madiscuss namin thoroughly yung stories, kung ano nagyayari kasi minsan sa dami nyan nakakalimutan na namin. Mantak mo tatlo-tatlong dyaryo e. so we have to see to it na iba yung lalabas sa journal sa tonnite. Walang pare-pareho.

Q: Strict po kayong editor?

A: E hindi naman. Ako I’m very understanding. Ibig sabihin e I understand naman human errors. But im strict when it comes to lakwacheros, yung mga walang drive, walang aggressiveness. Saka when I give them assignments, I want to see to it that they fulfill their assignemts. Di sa kin pwede yung sir nacover ko na po, turns out di ka kumocover. When that happens, I get to write them a memorandum. To memo you and ask you to answer in 24 hours. And explain what happened. Otherwise, e tingnan mo tong, tingnan mo tong ano *goes to his table and looks for a folder *kaya palaging ganito. Ito nga. Eto. *flips papers Ayan o mga pinagbibigyan ko ng memo, kamuka nito

Q: Pano po yun, sulat lang ng sulat? Medyo impersonal na? O in touch pa rin kayo, nakikita nyo a rin yung mga reporters?

A: Ako, unless its really serious I make it a point not to ano, tinatawag ko lang dito sa opisina. Kaya detached ako sa editorial. Pumupunta lang ako para magcheck pinapapunta ko misan, halika ditto, kaya ako may table ditto

Q: Ngayon naman po, kung nung martial law puro pro govt, ngayon po hindi naman ganon?

A: Ay hindi, we always take the middle road. Basta kami, we write what we believe must be written. Hindi kami, we don’t take sides. Pag may tira kay Gloria and Gloria wants to answer, we come out with her answer

Q: E nafilan na po ba kayo ng libel case?

A: Ay oo mayroon kaming mga libel. In fact, we have pending ibel cases. Marami. Pag wala kang libel, wala kang kwenta. Walang sinasabi yung news eh. Wala pumapansin. Kumbaga kulang ka. Ksp ka. Kulang ka sa pansin. E hindi naman [kami masyadong critical], ang ano naman talaga eh pag di ka nilalibel, no body reads you paper, nobody pays attention to your paper. In a way, that’s a sign of recognition. Kung yung tao di ka pinapansin, di bali sumulat sya ng sumulat, wala namang pumapansin e

Q: Actually wala na po kaming tanong. Nasagot na po lahat. Sige po, thank you po.

A: Ako naman I don’t mind na ano. Kung magkamali kayo somehow, okay lang yun eh. That’s part of growing up eh. You have to learn e. and nobody writes anything perfect in one try e. you have to do it little by little and you improve. Hindi mo pwedeng sabihin na improve on writing right away e

Q: Tama. Sige po thank you po!

A: Okay don’t mention.



Villanueva was born on Aug. 4, 1938. He studied journalism at UST. He died on Jan. 14, 2022.